Chapter 11
I just woke up looking at this wonderful woman I ever met. Kung bibigyan ako nang pagkakataong mahulog sa isang tao, pipiliin ko talaga si Allysana. She's independent and strong woman. Kahit anong mangyari sa kanya she will stand again and smile. Kaya rin bilib ako sa babaeng 'to.
I touched her chin but she just moaned and as if a cue, I was turned on by her soft and sweet moaned. Nagiging adik na yata ako sa babaeng 'to. At nasa iisang kwarto pa kami, iisang kama at parehong walang suot sa ilalim ng kumot. I travel my hand down to her naked shoulder. Gumalaw siya and my smile widen.
"Wake up, baby girl." ngumiti siya at dahan dahanh binuksan ang kanyang mata.
"Baby girl lage ang tawag mo sa mga babae mo," hindi ako sumagot. Another thingy why I hate relationship is that they are too attach to the relationship and that is one of my reason why I don't keep every single woman. Hindi ko sila maintindihan.
"I wanna f*ck you again," I murmur and she burst into laughters. "What?" tanong ko.
"Halos hindi mo ako pinatulog kagabi tapos ngayon you want to f*ck me?" napakunot ang noo ko. Anong masama run? Time is gold. Malapit na matapos ang isang buwan at hindi niya na 'to ulit matitikman sa kin dahil paniguradong hindi na ulit kami magkikita dahil alam na ng mommy niya ang tungkol sa min. 'Di ba ito naman ang gusto niya? Anong nakakapagtaka run?
Hindi ako sumagot sa kanya at agad naman siyang umupo at hinila ang kumot sa katawan niya. As if namang hindi ko nakita ang kabuohan niya na halos nakita, nadilian at natikman ko ang kabuohan niya.
"Bullet, masyado mo 'kong pinagod kagabi kaya it's better if we will rest for today," tiningnan niya ang veranda dahil sa liwanag mula roon. Anong oras na nga ba? "Since isang buwan ka nalang mananatili rito, pwede bang humiling sayo?"
"Say it." umupo ako para magkapantay kami.
"Please stay here sa kwarto ko." tiningnan ko siya pero nakayuko lang siya at nilikot ang kamay niya, "Alam ko naman ang maling nagawa ko but I just want you here by my side. Kung okay lang sayo?" sinulyapan niya ako, "Twenty days nalang 'di ba? Kahit sa loob ng twenty days, pwede ba natin ibalik 'yung dating tayo?"
Dating tayo?
"Anong parte nang nakaraan natin ang gusto mong balikan?" inaamin kong mas mahaba ang panahon na nakasama ko si Allysana noon kesa sa mga naging girlfriend ko pero hindi ko matandaan kung ano ba ako sa kanya noong kami pa. Dati kasi, kung ano ako sa ibang babae ganun rin ako sa kanya. Kaya ng nung sinabi niya kanina na baby girl ang tawag ko sa mga babae ko dahil 'yun ang tawag ko sa kanila pati sa kanya.
"Lahat," ngumiti siya.
"Nasaktan ka noon. Bakit gusto mong balikan 'yung mga bagay na nagpasakit sayo?" nakakunot ang noo ko.
Naalala ko noon kung paano siya nagmakaawang balikan ko siya. Ni hindi ko nga matandaan kung naging masaya ba siya sa mga panahon nakasama ko siya. Ilang beses niya akong nahuling may ibang babae, ilang beses ko siyang sinaktan at ilang beses ko ring sinabi na hindi totoo ang nararamdaman niya sa 'kin, na panandalian lang ang lahat.
Hindi ko alam kung anong parti noon ang mga nagpasaya sa kanya. One thing I enjoyed between us is 'yung unang gabing may nangyari sa amin. That was totally hot. Exploding. Bursting. Bigla na naman akong nakaramdam ng init ng katawan.
"Bakit nga ba?" she bit her lip, "Because it only make me feel that I'm still a human," ngumiti siya ng mapait. "Ikaw ang unang lalaking nagustohan at minahal ko, Bullet. Marami akong nagawa sa mga panahong kasama kita, sa mga panahong naging tayo at sa mga panahong iniwan mo 'ko. Marami akong natutunan at naranasan."
"Sinasabi mo bang ganun ang pagmamahal?" hindi siya sumagot. Hindi ko siya maintindihan. "Ganun ba ang pagmamahal?"
"Ano ba dapat ang pagmamahal sa isang playboy na tulad mo, Bullet?" tanong niya, "Kasi para sa isang tulad ko, ganun ang pagmamahal. Kailangan ba talagang pinapaliwanag ang pagmamahal? Kailangan ba palaging pinapatunayan at pinagtatalunan ang pagmamahal?" hindi ako nakasagot. Nakatitig lang ako sa mukha niya.
Hindi ko na namalayang nakapasok na pala siya sa loob nang CR. Napaisip naman ako. Pagmamahal. 'Ano ba ang pagmamahap para sa 'kin?'
**
"Let's eat," tawag sa 'kin ni Allysana sa may pinto. Ang sabi niya ay sa labas kami kakain at pumayag naman ako.
Hindi na tulad dati ang trato sa 'kin ni Ally at nasanay na ako run. Nasanay na ako na kasama ko lang siya sa lugar na 'to. Nasanay na akong hintayin lang siya sa buong araw. Tiningnan ko siya.
"Nagpareserved ako sa isang restaurant," panimula niya ng lumapit ako. Tiningnan ko naman siya. Akala ko sa labas nang villa lang kami kakain. Hindi pala. Inobserbahan ko ang reaksyon niya.
"Sigurado ka ba?" tanong ko. Gusto kong matawa sa tanong ko. Its your chance para tumakas Bullet! Pero may parte sa 'kin na hintayin nalang matapos ang isang buwan.
"I trust you," she smiled. That's the wrong thingy you did before, Allysana. I smiled to her.
"Okay. Magbibihis lang ako saka ako lalabas." I touched her chin.
"I will wait here," umupo siya sa may kama. Pumunta naman agad ako sa walking cabinet niya at kumuha nang masusuot ko run. Nilipat na rin kasi rito ang mga damit ko kanina. It looks like we are married but weren't.
"I'll be fast baby girl," hindi ko na hinintay ang sagot niya at pumasok sa CR. I did a quick shower and wear my cloathes. Pag labas ko she's holding her cellphone.
"Sinong katext mo?" tanong ko sa kanya habang inaayos ang buhok ko. Medyo mahaba na rin ang buhok ko at dalawang buwan na nung huling gupit sa kin ni Mang Edgar.
"My secretary. May binilin ako sa kanya and she will go later here para magpa perma." tumango naman ako.
"Shall we?" Inabot ko ang kamay ko sa kanya. Tiningnan niya naman ito at nilagay sa pouch niya ang cellphone na hawak niya bago inabot ang kamay ko.
"You look different," biglang sabi niya. Tiningnan ko naman siya bago kami lumabas ng kwarto. Agad namang sumunod si mang Edgar kasama ang dalawa pang body guard ni Allysana.
Tiningnan ko ang kabuohan ni Allysana. She's wearing a black tight dress and white hells. Nakabagsak ang kanyang kulot at medyo brownish na buhok. She's also wearing a light make up. She looks dazzing.
"You look more different," I replied. Pumasok kami sa isang kotse habang 'yung body guards ay nasa ibang kotse at pumasok sa driver seat si Mang Edgar. I can say that he's a good employee of the Collins. He is loyal to the family.
Nang marating namin ang isang restaurant ay agad kaming sinalubong nang isang waitress at hinatid kami sa table namin. Agad namang nag order si Allysana pagkatapos niyang mamili sa menu.
"How about you sir? Anything that you want to add?" tanong sa 'kin ng babaeng waitress. I didn't answer her and look at Allysana who's now frowning.
"How about you baby girl? Anything you want?" umayos naman ng tayo ang waitress sa tabi ko. Parang nagulat pa si Allysana sa tanong ko at sinabing wala na. Then, we dismissed the waitress.
"Naalala ko ang restaurant na 'to," I smiled to her. "Dito tayo pumunta nung first anniversary natin 'di ba?"
"I thought you already forgot this place," nilibot niya ang mata niya sa paligid bago tumingin sa kin. "I told you, gusto kong balikan lahat." ininum ko ang tubig sa table.
"You like this place?" I asked. The place is quite romantic and elegant.
"I love this place," nakangiting sabi niya. Tiningnan ko ang mga mata niya at parang may nais iparating. May kung ano akong naramdaman sa sagot niya.
Ilang sandali pa ay dumating na ang order namin. Napansin ko ang panay tingin sa 'kin ng babae waitress pero hindi ko siya pinansin. Panay pa ang tanong niya kung gusto ko pa ng tubig but I just smile to her.
"'Yung favorite mo 'yung inorder ko." tiningnan ko naman ang nasa harap kong pagkain. I smiled to her.
"Thanks," simula noon hanggang ngayon, pakiramdam ko ay ako ang babae sa aming dalawa ni Allysana. Iba siya kung mag alaga sa 'kin. I feel extra special.
Malapit ko nang matapos ang kinakain ko nang magsalita siya ulit.
"You look different today," ngumiti lang ako. Sinabi niya na 'yun kanina pa. I just shrugged. "Seriously, Bullet. May bago sayo ngayon." inangat ko ang paningin ko sa kanya at ininum ang wine bago sumagot.
"Ano naman 'yun?" kinuha ko 'yung table napkin at pinunasan ko ang gilid nang labi niya, "May dumi," mas lalong lumapad ang ngiti niya, "Ano?"
"May napapansin ka ba?" nakangiting tanong niya.
"Ano?" napakunot ang noo ko, "Ano ba 'yun?"
"You've change," hindi ako sumagot at hinintay na ipagpatuloy ang sasabihin niya, "Look around," tumin naman agad ako sa paligid. Una kong nakita ang waitress kanina na panay pa cute sa 'kin. May nakita rin ako sa katabing table na tatlong babae na siguro magkakaibigan na panay sulyap sa pwesto namin at parang tangang tatawa bigla. Nakita ko rin ang manager nang restaurant na 'to ang panay sulyap sa pwesto namin.
"Anong meron?" tanong ko. "Anong bago? Hindi bago ang pagtitig sa isang gwapong tulad ko." ngumiti ako at kinuha ang tinidor at sinubuan ng pagkain si Allysana. Agad niya naman itong kinain at ngumiti.
"What I'm trying to say is," medyo nilapit niya ang mukha niya sa 'kin para bumulong. I blinked at her. "May bago sayo ngayon. Naaalala mo ba nung 1st anniversary natin tapos pumunta tayo rito? Halos hindi mo ako matingnan dahil ang mata mo ay nasa mga babaeng nakapalibot sa atin." lumayo siya kaya nilibot ko muli ang paningin ko.
May mga babae ngang nakatingin sa direksyon namin. Hindi ko naman sila kilala so bakit bibigyan ko sila nang panahong kausapin o titigan ngayon? Isa pa, andito naman si Allysana.
"Tulad lang din nila ako dati. Nakatitig lang sayo naghihintay na mapansin mo kahit ako naman talaga ang kasama mo." muli kong binalik ang paningin ko sa kanya. Nakangiti siya sa 'kin, "Dati sa mga date natin lagi akong nakikihati sa atensyon na binibigay mo dahil palaging ibang babae ang kausap mo." napatikhim ako. I'm speechless.
Ano bang dapat isagot ko? Ano bang napansin niya?
"Boyfriend kita pero boyfriend ka naman ng lahat," uminum siya nang wine saka tumingin ulit sakin at nagsalita, "Bawat babaeng nakakaharap mo, kahit andito ako, kinakausap at nilalandi mo. Minsan nga naiisip ko noon kung girlfriend ba talaga ang turing mo sa 'kin noon o fling lang,"
"Allysana," I murmured. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko ngayong nilalabas niya ang mga hinanakit niya.
"Naiintidihan ko naman noon kasi mahal kita, tiniis ko lahat." hinawakan niya ang kamay ko at napatitig ako sa lamesa kung saan nakapatung ang kamay naming dalawa, "Pero ngayon may bago sayo. Mula nang pumasok tayo sa restaurant na 'to halos hindi ka tumingin sa iba. Nasa 'kin lang ang atensyon mo. Ibang-iba ka ngayon. Ibang iba ka sa Bullet na naging boyfriend ko noon. Mas may pakialam ka na sa 'kin. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya na hinihintay mo 'kong puntahan kita. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon Bullet na ako lang ang nakikita mo at wala ng iba," hinila ko ang kamay ko dahil kahit ako hindi maintindihan ang sarili ko.
Ngayon ko lang napagtanto ang ibig niyang sabihin. Muling nag flashback ang mga alaala ko ngayon sa kanya sa pitong buwan na kasama ko siya.
"Ganito pala ang pakiramdam pag mahal ka nang taong mahal mo." tila naubos lahat nang dugo ko sa ulo sa mga sinabi niya.
'No, no! It's not happening.'