CHAPTER 47 Kailan mo ba nasasabing nagmamahal ka na? ‘Yung tipong kaya mong isuko lahat, kaya mong ibigay lahat para lang sa taong mahal mo. Pagmamahal ba ang tamang tawag ‘dun? Kung may mga pagkakamali kang nagawa, babalikan mo ba ang pagkakamaling ginawa mo para itama ito? Naranasan mo bang magdesisyon para sa iba at hindi para sa sarili mo? Ngayon napapaisip ako. Totoo nga bang minahal ko si Bullet? Bukod kay Bullet wala na akong ibang minahal na lalaki. Oo, may nakilala akong ibang lalaki tulad nila Dylan at Algeron pero lahat sila alam ko kung anong nararamdaman ko sa kanila at hanggang doon na lamang iyon. Bullet Brent is espeacial to me. Kahit pa noong college pa lamang kami ay alam kong espesyal ang nararamdaman ko para sa kanya. He is my first love. Sinuko ko lah

