CHAPTER 38 One thing that I regret in life? It was loving someone who’s in love with anybody. Hindi ko maintindihan kung bakit napakadali sa kanyang makipaglandian ng iba. Sinasabi niyang mahal niya ako pero iba naman ang pinapakita niya. Naguguluhan ako at nagiging rason ‘yun para hindi na ako muling maniwala pang muli sa kanya. Kaya pala naging pamilyar sa ‘kin ng mukha ng babaeng ‘yun. Siya ang babaeng nakita kong kasama ni Bullet noong kasama ko si Algeron sa isang restaurant. Ang tanga ko lang at hindi ko siya nakilala. Naalala ko pa nang magpacheck-up ako sa OB ko at nandoon siya. Sinabi niyang may pamilya na ang lalaki at hindi niya ito guguluhin pa. Noong una ay naaawa pa ako sa kanya pero pag ikaw na pala ang nasa sitwasyon na ‘to ay talagang magagalit ka. Normal lang

