CHAPTER 21 Alam kong hindi ko siya dapat pilitin mag desisyon agad. Sa katunayan ay hindi ko naman kailangang mag madali pero hindi ko na rin kailangang maghintay. Napakunot ang noo ko. Ito naman ang gusto ni Allysana at ngayon binibigay ko na sa kanya ang gusto niya ay ayaw na niya. Andito ako ngayon sa opisina ko. Masyadong naging busy ang lingo ko dahil sa Sabado na ang aming engagement party at sa susunod na buwan na ang kasalan. Mula ng huli kaming nag-usap ni Allysana ay hindi na kami muli pang nag kita. Pinapapunta ko nalang lamang run ang mga nag-aasikaso para sa engagement party. Gusto kong maging engrade ang lahat at gusto ko siya ang mag desisyon para sa kasal namin. “Sir Elid,” salubong sa ‘kin ni Carla. “May tawag po kayo.” Agad ko namang sinagot ang tawag sa kabilang l

