CHAPTER 45 Bullet’s POV Nagulat ako ng makitang lumabas mula sa malaking gate ang sasakyan ni Allysana. Kumanan ito at pumaharurot ng patakbo palayo sa bahay. ‘Saan siya pupunta?’ Hindi siguro ako nakita dahil bagong liko lang ako sa kanang kalye. Just in time to see her car driving away with urgency. Tiningnan ko ang cellphone ko para tingnan kung may text ba mula kay Allysana but no more text from my wife. Nahanap na kaya niya si Jiro? Pero bakit hindi man lang niya ako sinabihan tungkol dito? Siguro naman kung meron na itong alam tungkol sa aming anak ay tatawagan kaagad niya ako. Kaagad kong sinundan ang sasakyan nito bago pa man ito makalayo at tuluyang mawala sa aking paningin. She was driving like a maniac. Para itong hinahabol ng sampung Diablo kung makapagmaneho. ‘

