Chapter 17

1127 Words
Halos hindi na nahiya Si Spencer dahil hindi man lang 'to nagawang umayaw sa alok ni Nathan. "Kuya b-bakit niyo naman pinapasok 'yan dito.?"inis na wika ni Marisol "Spencer, cheer tayo!"sigaw ni Marites. Hindi alam ni Spencer ang gagawin dahil sa sobrang kaba ng makita niya ito,isa 'to kasi sa tumulong sa kanila ng muntikan silang i-ambush ng mga armadong lalaki... "Kamusta ang lahat,"masayang bati ng Ama nito. "Hi,Dad,siguro naman pwedi na kitang tawagin na Daddy?" nakangising saad ni Oscar. "Sure,Welcome ka dito sa bahay." "S-sandali po.Ang sabi niyo kanina hindi ito engagement, b-bakit ngayon sabi mo pwedi na siya tawagin Daddy."naguguluhan ang binata habang nagtatanong. Humalahak si Oscar at kumindat sa Dalaga. "Dad,siya po si Spencer Mariths."sumabat ang dalaga para ibahin ang usapan mukhang balak talaga siya bukingin ng kuya niya. "You look familiar?parang nagkita na tayo Hijo, somewhere?"tumingala ang Ginoo para alalahanin kung saan niya nakita ang binata. "Yes,po Mr. Sanchez minsan niyo na kami tinulungan ng nagbakasyon kami sa probensiya.Thank you ulit."masayang wika nito. "Yes,Tama! tinapik ito sa balikat ng Ginoo upang i-welcome.Hija ikaw na ang bahala sa kanya." Pagkatapos umalis ng Ama..Nagsimula na silang mag-inuman,ngunit hindi alam ni Spencer kung maiinis siya sa mga anak ni Marites. "Ginoo ka ano-ano ka po ni Mimi sol?"nakatayo 'to at nakangisi sa binata na parang matanda kung umasta. "Harder,huwag mo asarin ang Didi mo!"saway ni Nathan. "No,dad! Mas gusto ko po si Tito Levi kasi ina-alagaan niya si Mimi Sol." Lumiit ang itim ng mata ni Spencer dahil sa inis."P-pwedi bang malaman kung sinong Tito Levi?"konot-noo na tanong ni Spencer sa bata,habang si Marisol kagat labi yumuko. "Si Tito Levi po ang Doktor doon sa Hospital" Inilabas ng binata ang kanyang Cellphone at ipinakita ang litrato ni Levi."Siya ba ang tinutukoy mo!?" "S-siya nga,d'ba ang gwapo niya po?"nakangiting nito tanong. "Lokong bata 'to sarap batukan!" bulong nito sa sarili..Nagkamot sa ulo si Spencer dahil sobrang inis niya sa nalaman. "Spencer halika ka dito" hinila 'to ni Marisol upang kausapin.Samantala si Harder tumakbo naman kay Oscar. "Tito okay ba ang acting ko?" agad naman ginulo ni Oscar ang buhok ng bata. "Don't say Dude,inutusan mo ang anak ko para inisin si Spencer..?" "Dude bilang kuya kailangan ko masigurado ang mga lalaking nakapalibot sa kapatid ko.Matagal ko nang inaasam na magkasama kaming magkakapatid,ngayon nalaman kung buhay siya.Pangako ko sa sarili ko.P-protektahan ko siya.." "Oscar hindi ko talaga sukat akalain kapatid ka ni Beshy,"Taas kilay na sabat ni Marites. "Grabe ka naman Marites,parang sinabi mo na ang pangit ko talaga." "Ito naman hindi na mabiro..Pero ang tinik mo ahh,pati ang magmamadre hindi na natuloy dahil pinatikim mo ng kamandag ng ahas mo.."sabay ngisi nito "Moning-ning huwag kang ganyan nakahiya sa bisita natin."saway ni Nathan "Aba masanay na siya atin.matanong kita gaano mo kamahal ang kaibigan namin?"seryosong tanong ni Marites. "Mahal na mahal ko ang kaibigan niyo,Handa ako maging A......"Nagulat si Spencer ng biglang inapakan siya ni Marisol sa paa niya. "Handa ako Maging Asawa niya."Saad ni Spencer. Napabuga ng hangin si Marisol akala niya mabubuking na siya ayaw niya pa kasi malaman ng kaibigan na buntis siya dahil gusto alamin muna ng dalaga kung si Spencer nga ang Ama.. "Guys Medyo gabi mauna na kami dahil ang mga katulong lang naiwan sa bahay"saad ni Brix.. Pagkatapos magpaalam ng mag-asawa sumunod naman ang iba,hanggang ang binata nalang ang naiwan. "I-kaw hindi ka pa uuwi?"nahihiyang tanong ni Marisol. "Uuwi na ako, see you tomorrow."nakangiting wika ni Spencer. "Sige hatid na kita sa labas."saad ng dalaga.Hindi naman 'to lasing kasi puro lang naman kwentohan ang nangyari dahil umiiwas nga din ang dalaga uminum ng alak. "Bye,Ingatan mo ang baby natin."sabay halik nito sa labi ng dalaga,na-statwa si Marisol dahil hindi niya inaasahan 'to.Ang halik na sobrang familiar sa kanya.Napasandal sa sasakyan ang dalaga at hinayaan halikan siya ng binata.Sobrang nakakalasing ang mga halik ng binata,biglang uminit ang katawan niya dala ng halik nito hanggang sa gumanti na siya. "B-bakit mo ako tinulak?" "M-mamali 'to.May nobya kana,ayaw ko nanggulo.Ayaw ko mapahamak ang anak ko." "Gagawin ko ang lahat para tanggapin mo ." Bumuntong hininga ang Dalaga dahil sa napapalapit na rin siya Binata pero natatakot siya,paano kung bumalik ang Nobya nito at iwan din siya. "Natatakot ako paano kung mahal na kita at maisip mo na hindi mo talaga ako mahal dahil awa lang ang nararamdaman mo sa akin." "Look at me,handa akong gawin ang lahat para sa'yo..Bigyan mo ako nang pagkakataon na ipakita na mahal na mahal kita.Ngayon ko lang 'to nararamdaman sa isang babae..Pag hindi kita nakita sa buong araw para akong mababaliw.Pag may kasamang kang ibang lalaki selos na selos ako, I love you Marisol,kayo ng baby natin." Sobrang saya ang nararamdaman ng dalaga ng marinig ang bawat katagang binitawan ng binata. "Thank you,bigyan mo muna ako ng kunting panahon para pag-isipan 'to." "Naiintindihan kita.At gusto maging tapat sa'yo.Felicity is here already.Pero wala talaga akong nararamdaman sa kanya.Bigyan mo din ako ng time para sabihin sa kanya ang totoo tungkol sa atin." Tumango ang dalaga sa binata.Pero nakaramdam siya ng kirot sa bahagi ng kanyang puso. "Sige bye na.Ingat sa pagmamaneho."paalam ng dalaga. "Yes Mrs. ko para sa 'nyo ng baby ko mag-iingat ako."nakangiting wika nito Napailing ang dalaga sa sinabi ng Binata. Hindi umuwi si Spencer sa bahay,dumiretso 'to sa bar kung saan andoon lahat ng kaibigan niya.. Pagdating sa Bar agad niya pinark ang sasakyan at dumaan sa likod.Pagmamay-ari niya 'to "Goodevening Sir."bati ng mga tauhan nito. "Goodevening din.Nasaan sila?" Itinuro ni ng tauhan nito kung saan banda nakaupo ang mga 'to.Agad naman siya lumapit. "Bro mabuti naman at naisipan mong pumunta pa dito,masyado kanang busy kay Marisol.Remember andito na si Felicity."si Levi tutol 'to kay Marisol dahil mas malapit sila ni Felicity. "Wala akong pakialam sa babae na 'yan.."sabay hinila nito sa Levi. "Bro b-bakit? Ano 'tong nalaman ko na nagkita kayo ni Marisol at bakit tinawagan mo siya hindi mo man lang ako sinabihan." "Relax check-up niya kasi last day kaya tinawagan ko siya." "Pero alam mo naman kung gaano ko mahal 'yon sana pinaalam mo sa akin." "Wala ka dapat na pagselosan dahil hindi ko siya type..Hindi ko gusto ang mga babaing disgrasyada.At wala akong balak sumalo ng pinagsawaan ng Iba.." Nang marinig ang sinabi ni Levi halos nanayo ang balihbo nito.Nag-iba ang anyo ng binata pagkatapos sinuntok nito ang kaibigan na siyang kinabulagta nito. "Ayaw na ayaw ko na bastusin niyo ang babaing pinakakamamahal ko sa harapan ko.Hindi ako, ikaw.At mas lalong hindi ikaw, ako! kaya huwag mo ikumpara ang sarili mo sa akin dahil tanggap ko ang babaing iyon..Kung hindi niyo kayang tanggapin si Marisol para sa akin.Forget me as your friend.Hindi ko kailangan ang tulad mong mapanghusga. Natulala si Woody at Theros dahil sa ginawa ni Spencer. 'to ang kauna-unahang pag-aaway nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD