Lauren’s POV I pulled Seth inside our house. Noong una gustong-gusto niyang pumasok pero ngayon bakit parang hesitant siya? Parang ayaw magpahila, ganon. Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya. “Gusto mo pa bang pumasok o hindi na?” He just looked at me for a while and then he nodded. Hindi ko rin ito maintindihan minsan e. As I pulled him inside, iniisip ko rin kung anong ipapakilala ko sa kanya. Professor? Friend? Boyfriend? Nah, hindi ko naman siya boyfriend. Anong sasabihin ko? “Ya, nasaan po si mommy?” Tanong ko kay Yaya Ferlise nang nakita ko siyang naglakad papunta sa kitchen. Agad napako ang tingin ni Yaya sa kasama ko bago niya ako sinagot. Ngumisi si Yaya nang makahulugan tapos ay kininditan ako. Ugh, yaya naman e. Namula ako sa ginawa niya. “Nasa kusina po ma’am.

