"Good morning!" Malakas na sambit ni Elishianna. "Morning." Inaantok na sambit ni Ciela habng nag kukusot ng mata. "Breakfast na, what time ka uuwi? Sama ko." Sambit ni Elishianna. "Before lunch. Sige layas na maliligo ako." Sambit ni Ciela kay Elishianna at tinulak ito palabas ng kwarto. Naalala bigla ni Ciela ang kahon na binuksan niya kagabi. Nilapitan niya ang closet at napansing wala na ang kahon doon. "Huh? Nasaan na yun?" Mahinang bulong ni Ciela. Muli niya itong hinanap sa buong kwarto niya ngunit hindi niya ito nakita. Nakit nawala? Nagtatakang sambit ni Ciela sa kaniyang isip. Hinayaan na muna ito ni Ciela at dumiretso na papuntang cr. Hindi lingid sa kaalaman ni Ciela na habang natutulog siya ay kinuha ni Alpheus ang kahon na gamit ni Jace at inilipat sa kabilang unit.

