Nanlaki ang mata ko at hindi agad nakagalaw. My jaw dropped as I watch him bravely say it in front of these people. "What did you say?" Mariin at nakakatakot ang boses ng ama niya. His mom is also shocked. Lahat naman kami. "Hon, patulugin mo na muna si Marie," rinig kong utos ng ate niya sa asawa nito. Alam kong batid niyang magkakagulo rito. Natakot din ako para kay Marco. Humawak ako sa braso niya para pigilan siya sa mga iba pang sasabihin pero hinawi niya iyon at sinalubong ang maiinit na tingin ng mga magulang namin. Napatampal ako sa noo ko at hindi malaman ang gagawin. Oo. Gusto kong matigil na itong kahibangan na ito pero... I don't want him to end up with nothing. Marco's a dear friend of mine. At sana... sana hindi niya ito ginagawa para sa akin. "Marco, calm down." Sin

