"Damn it!" Dali-dali kong pinatay ang gasul nang makitang itim na ang niluluto ko. I'm frying longganisa for my lunch. I know it's not an ideal food for lunch pero ito lang ang nasa ref ko na madaling iluto. Padabog kong binitawan ang sandok at umupo sa stool chair. Ipinatong ko ang dalawang siko sa counter top saka sumimangot. "Wala ka ng pagkain, Vida. Stupid!" I was in the middle of fighting with myself when I heard a knock from the door. I guess hindi ko na naman naisara ang gate ko. Well, it's fine. Maaga pa naman. "Wait!" I shouted. Sino ba iyon? Delivery? My hair is quite messy. Naligo kasi ako an hour ago at hindi na ako nag-abalang magsuklay. Lutang kasi ang isipan ko kaya ayun. "What is it...." Nabitin ang sinasabi ko sa ere nang makita kung sino ang nasa tapat ng bahay k

