"Ang ganda talaga," inisa-isa ko lahat ng features ng ginawa niya. Ang galing lang dahil para talaga siyang sasakyan. "Paano mo ito ginawa?" "I have my ways," he arrogantly replied. "Mag-o-order lang ako ng lunch natin." Ipinakita niya ang phone sa akin bago lumabas ng kusina. Hindi ko nalang siya pinansin dahil ang mata ko ay nakatutok sa kakaiba at napakagandang bagay. Siya ang may birthday pero ako niregaluhan niya. I'm so kilig. Bumalik ako sa living room para kuhanin ang cellphone ko at kunan ng larawan yung jewelry storage na ginawa niya. Nakatayo si Brion sa gilid ng pintuan at nakatutok ang cellphone sa tainga. He winked at me when he saw me looking at him. I chuckled before doing the same thing he did, I winked. Iiling-iling at natatawa akong bumalik sa kusina. It feels like I

