Nakangiti akong nagpagulong-gulong sa kama. It's already twelve midnight and I still can't sleep. Hindi ko makalimutan ang mga nangyari kanina. I can't believe boyfriend ko na siya ngayon. Parang nanaginip lang ako. I still can't believe it. My phone beeped beside me. Kinuha ko iyon at napangiwi nang mabasa ang text ni Tracy. Nagtatanong siya kung may progress na ba sa singsing. Umirap ako sa hangin saka tumayo. Hindi rin naman ako makatulog kaya gagawin ko nalang ang trabaho ko. I am inspired that's why nakagawa naman ako ng maayos. I'll finalize the details of the ring tomorrow before sending it to her. Ni-replyan ko nalang siya na ise-send ko sa kanya ang designs bukas. She didn't reply kaya baka tulog na iyon. Alas-tres na ako nakatulog kaya medyo masakit ang ulo ko nang magising. U

