Kabanata 2

1817 Words
Sinabi sa'kin ni Fern na may party mamaya at pupunta si Samuel. Wala akong maisip na plano kaya bahala na mamaya kung anong mangyayari. Fern warned me to be careful kasi baka daw kasi dumating si Clea at Zach at makahalata sila. I agreed, hindi ko pa pala nakakausap si Clea at Zach simula noong last na usapan namin sa bahay. Nagsuot ako ng red spaghetti backless strapped dress and Chanel purse. Powder lang at red lipstick ang nilagay ko sa mukha, hindi ako mahilig sa makapal na make up and I also pulled my hair tight ponytail to look more sophisticated. Naisip ko yung mga nangyari sa club na nung huling punta ko doon. Nakakahiya pero dapat hindi ako magpaapekto dahil dare lang naman lahat 'to. Ano naman kayang maaabutan ko doon? Kailangan kong magawa ng maayos 'to dahil wala ng two months ang natitira sa'kin. I saw many familiar faces, alam kong malapit na ako at nandoon sila sa VIP. Ang ingay nila mukhang nagkakatuwaan, nilibot ko ang mata ko sa buong grupo nila. Nakita ko din ang hinahanap ko. I saw Samuel whispering something to a girl that makes her giggled. Napairap ako sa hangin. Ibang babae na naman, he is a certified playboy. Tumayo ang babae na kausap niya pero medyo na out-balance ito buti na lang naalalayan ni Samuel. Agad namang naghiyawan at tinukso sila. Hindi ko alam kong ilang beses ako umirap dahil sa nakita ko. It's pretty obvious na sinadya ng babae yung nangyari. Gusto kong katayin yung babae. He glanced a bit to his friends, getting rowdy and wild to the dance floor and then looked to a girl using his expressive look. Its look like that they have a serious conversation. Naglapag ang waiter sa table ko ng cocktail. I uttered my thank you but continue watching them then his gazed met mine. Di ko alam kung ilang minuto kami nag titigan bago ako kumawala. I feel my heart beating so fast again. Naiinis ako sa epekto niya sa'kin pero kailangan kong labanan. While drinking my contemporary cocktail I'm still looking at him, hindi ko pinutol pero my heart is a traitor mas lalo pa nitong pinapakabog ang puso ko. Umalis ako sa table ko at pumuntang dance floor, nakisayaw at nakigulo din ako. Minsan pasimpleng tumitingin ako sa pwesto nya at nakikita kong nakitingin siya sa'kin using his dark expression. Binaliwala ko muna, I wanna have fun kaya sumayaw lang ako. Until I felt someone touched my bare back, agad akong napalingon but continue dancing. Here we go! A stranger wants to hit me. "I'm Val and you are?" he whispered on me. I can smell the beer he drunk. Lasing na 'to. Sasagutin ko na sana siya kaso I feel his hand slowly travelling my lower back. Kaya agad kong inalis ang kamay niya. Alam ko na ang ganyang gimik kaya umalis ako at pumuntang comfort room. Nag retouch lang at lumabas na ulit pero pag labas ko laking gulat ko ng may humila sa kamay ko at mas kinatakot ay ang humila sa akin ay yung lalaking kasayaw ko kanina. Aagawin ko sana yung kamay ko pero ang higpit ng pagkakahawak niya. Hinila niya ako papunta sa gilid kong saan walang makakakita. I gasped. Muntikan pa akong matapilok dahil sa pagkaladkad niya sa'kin. "Hey! Let me go." halos pasigaw kong sabi pero wala man lang nakarinig dahil kami lang tao ngayon dito sa may gilid. Hindi mo agad mapapansin na may tao dito kasi madilim at maingay pa. "Ano ba?! Bitiwan mo nga ako." pagpupumiglas ko. "You're so beautiful. I want you." he whispered to my ears. Parang hindi man lang niya narinig ang sinabi ko. "Help! Tul-" Tinakpan niya ang bibig ko para hindi ako makahingi ng tulong. Nagtaas lahat ng balahibo ko dahil sa takot. Tapos tumawa siya ng parang wala sa sarili. He started touching my face using his one hand. I am really scared walang makakatulong sa'kin ngayon dahil wala pa dito ang mga kaibigan ko. Pumasok sa isip ko si Samuel na ililigtas ako pero imposible dahil busy siya sa babae niya. Ave, hindi ka niya ililigtas! Bumagsak ang balikat ko at nagsisimula ng magtubig ang mga mata when he slowly push his body against me. Inipit niya ang mga binti ko kaya hindi ko siya matadyakan. Impit akong napasigaw pero alam kong hindi sapat yun sa lakas ng tunog dito sa club. Sabayan pa na mas malakas siya sa'kin. I feel so helpless. Napapikit ako dahil hindi ko kayang tignan pero bago pa yun mangyari may humila sa kanya at sinuntok siya. Agad akong nakahinga ng maluwag 'di ko namalayan na kanina pa pala ako naghahabol ng hininga. Tumingin ako dun sa lalaking nagligtas sa'kin na patuloy pa rin ang pagsuntok dun sa lalaking nambastos sa akin kanina. Lupaypay na ang katawan at inaawat na sila pero hindi pa rin siya tumitigil. Baka mapatay na niya. "Stop it! Please!" halos sigaw at magmakaawa ako para lang tumigil siya. In God's grace, he stopped and turned to me using his... hindi ko alam kung anong expression kasi galit, inis ang nakikita ko sa kanya. Wala na 'kong pake kung pinagtitinginan na kami ngayon. Alam kung may iilang din sa mga kaibigan niya na nakakita. Halata na napatigil ang iba at nagsimula ng magbulungan. Buti na lang maingay ang crowd. Hindi ako makagalaw. Naubos ata ang lakas ko kakasigaw kanina at pagpupumiglas. Dahil sa tuliro at gulat ko hindi ko na malayan na hinila na niya ako palabas ng club. Hinarap niya ako ng nakapamewang at hawak ang ulo niya at mabilis ang paghinga niya. "What are you doing there?!" pasigaw niyang sabi sa'kin. Dun lang ako natauhan ng sigawan niya ako. I gasped and trembling. "I was having fun." sumigaw din ako. "Fun?" he faked a laughed "So, that's you're way of having fun? Kita mo muntikan ka ng mabastos don. Pano kung di ako dumating mas malala pa pwedeng mangyari sayo. What if sa iba ka niya dinala at hindi kita sinundan?" he was rage. He muttered a cursed. Napasambunot siya sa buhok niya. I know he's controlling his anger. He got a point though. Pero teka naman bakit siya pa ang galit?! Hindi ko naman ginusto yung nangyari ha! Ako dapat yung mas galit sa aming dalawa kasi ako yung nabastos pero mas pinamumuka niya sa'kin na kasalanan ko pa. Alam kong madami pa siyang isusumbat pero pinigilan niya lang ang sarili niya. "Edi sana hindi mo na ako niligtas!" hindi ko namalayan na tumuloy na pala yung luha ko na kanina ko pa pinipigilan "sino ba nagsabi sayo na iligtas mo ko dun. Sana hinayaan mo na lang ako kung sa tingin mo gusto ko yung ginagawa sa'kin. And for your information, that's not my way of having fun. Ganon ba kababaw ang tingin mo sa'kin?" He rolled his eyes. Did he do that?! Aba! Mas mataray pa siya kaysa sa'kin. Gusto ko siyang sampalin dahil sa sinabi niya pero pinigilan ko lang ang sarili ko dahil sa kabila non swerte pa rin ako dahil niligtas niya ko. "I'm sorry. I just can't stop myself." mariin niyang sabi. Halata sa ekspresiyon niya na galit na galit pa rin siya at inis sa akin. "Thank you." I said. I rolled my eyes. Lakad-takbo ang ginawa ko para makarating papunta sa kotse ko pero mas mabilis siya sa'kin at hinarangan ako. I looked at him with annoyance. Iba na ang eskpresyon ng mukha niya ngayon kalmado na. "Baby." he step forward but I step backward. Napansin niya yun kaya huminto siya. He signed. "Baby, let me drive you home." Hindi ko alam pero medyo kumalma ako sa pagtawag niya sa'kin. Baka naman ganon endearment niya sa mga babae niya. Nakikipagtalo na ako sa sarili ko. I insane. "Hindi na, ako na lang. May naghihintay pa sayong babae mo doon sa loob!" paturo ko dun sa club. Ako naman ngayon ang humakbang palapit sa kanya. "She's just my classmate back in college. Nag-uusap lang kami. Nothing more." he explained. Hindi na ako nag salita. Medyo kumakalma na din ako sa kabila ng takot ko kanina dahil don sa nangyari. Niyakap ko na lang ang sarili ko. "Are you scared of me?" malambing niyang sabi. "Dun sa nakita mo kanina na ginawa ko. I'm sorry kung natakot kita." Umiling ako. "Nope. He deserved it. Pero muntikan mo na siyang mapatay." Kahit medyo natakot talaga ako kasi akala ko matatapatay niya na yung lalaki. He's going to have so many fractures. "I know my limits." Samuel murmured. He nodded and continues. "I have a question." "Ano yun?" binigay ko ang buo kong atensyon sa kanya. "Sinusundan mo ba ako? I know your doing this on purpose." Nag iwas ako ng tingin. Hindi ko pwedeng sabihin na kaya ako nandito ay dahil lang sa dare. My lips trembled. Unti-unting gumagapang ang kaba sa dibdib ko. Hindi ako pwedeng mabuking. I never chase boys when I was in highschool kahit hanggang ngayon. Kaya nakakapanibago. I swallowed hard and looked at him. "I like you and I want to be your girlfriend." Napaawang ang bibig niya. Halatang nagulat sa sinabi ko. Umayos siya ng tayo at may taks na ngiti sa labi niya. Ano papayag kaya siya? Sana. "Really?" he's already smiling. Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti ng ganito. My face heated and I know I'm blushing. My heart is pounding so fast and I can't stop it. I know this kind of confession is not new to him. Sanay 'tong sinasamba ng mga babae. He's a playboy Ave! Ewan ko pero nasaktan ako sa naisip ko. "Yes" I confidently say. He licked his lip at umiling-iling. Nakakainis hindi man lang sumagot. Inirapan ko siya at naglakad papuntang kotse. Nang-iinis pa ang mokong. "Ave." Napahinto ako dahil first time niya king tinawag sa pangalan ko. I faced him. Nakita kong papalapit siya sa'kin. "Drive safely and give me your phone." Hindi na ako nag tanong pa at binigay na lang ang phone ko, kinuha niya naman agad. "Here. I already save my number to your phone. I'll text you if I'm not busy but I always find a way to text you" kinuha niya yung phone niya sa bulsa niya. "put your number here too." I registered my number to his phone contact and give it back to him. Nagulat ako ng guluhin niya ang buhok ko and he put his hand inside his pocket. "Bye. Please drive safely." he smiled. Hindi ko na mapigilang napangiti. Parang naglahong parang bula nag inis ko kanina pati yung takot. "Bye." I started the engine of my car at umalis na. Mas lalo akong napangiti ng makitang nakatayo pa rin siya doon at tinatanaw ako habang palayo. Mukhang sumasang-ayon ang lahat sa plano. Ganyan nga Samuel. Two months lang ang meron ako kaya dapat mas pag-igihan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD