Dalawang magkasunod na pagsabog ang narinig namin sa labas dahil doon nagkaroon ng panic at kumosyon dito sa loob. “Ano yun?” gulat na tanong ni Clea. Tulad ko lahat ata kaming nandito sa loob nagulat dahil sa malakas na pagsabog na 'yon kasabay ng ilang palitan ng baril sa labas. May lumapit na isang lalaki na hinihingal kay Clea. “Ma'am, may mga armado po sa labas!” taranta nitong sabi. “Bakit mo pa sinasabi sa'kin 'yan?! Patayin niyo na! Bilisan niyo mga inutil!” she angrily shouted. Nagsialisan ang lahat pati ang dalawang lalaking nakabantay sa'kin kanina dahil sa taranta. Natira kaming dalawa ni Clea. Bumalik ang tingin sa'kin ni Clea. Galit na galit. I got panicked because may be she would think that I lied to her. Na may pinagsabihan ako na nandito ako ngayon. Na hind

