“Kaya mo bang maglakad?”
Tiningnan lang ako ni Brigitte. Grabe `yong poker face naman. Nagtatanong lang e.
“Hindi ako baldado no!” Isinuot niya ang sapatos niya.
Kita naman na nahihirapan na siya. “Amin na nga `yan.” Hinablot ko ang sapatos at tinulungan siya sa pagsusuot. May napansin akong marka sa may itaas ng bukong-bukong niya. Kulay pula ito na kumikinang. “Brigitte saan ka nagpatattoo? Gusto ko rin nito. Glow in the dark lalo `to?”
Agad niyang kinuha ang sapatos at isinuot ito.”Yah! Panget sa`yo ang tattoo! Panget na nga ang balat mo e.” Isinukbit niya ang bag niya at binitbit yung isang skateboard.
“Ano ba yun kasi? Saan ka nagpagawa? Papa-tattoo ako sa bortday ko.”
“Birthmark.” Tipid niyang sagot.
“Weh? Birthmark? Kaganda naman ng shape niya. Perfect. `Yong birthmark nga ng pinsan ko bilog lang. Sa puwet pa! Meron ka din ganyan sa puwet? Ha ha!”
“Naku rich. Uwi na lang tayo. Inaantok na ako.”
Nakakatuwa kasi yung tattoo Hindi ako naniniwalang birthmark `yon. Ako pa ijo-joketime niya. Kung ano man `yon. Apoy yung design. Katulad nung mga pinag-aaralan naming simbolo ng elements sa mundo. Kakaiba nga lang yung sa kanya dahil kumikinang ito. `Yong may nakapalagid na kulay puting liwanag. Anong tinta kaya ang gamit doon? Gusto ko talaga e! Cool kasi tingnan.
“Anglalim ng iniisip mo naman.” Siko sa akin ni Briggite. Papalabas na kami ng campus.
“Ha? Wala… gusto ko lang kasi ng ganyang tattoo.” Turo ko sa binti niya.
Binatukan niya ako. “Adik! Inggetera ka rin e `no?”
Grabe naman siya. Parang nabawi niya agad ang lakas niya. Anglakas mambatok e!
“Rich!”
Nilingon ko kung sino yung tumawag sa akin. Si Lyra pala `yon at si Jisho na bitbit ang violin set ni Lyra. ay. Angsweet naman nila. gusto ko na tuloy magkaboyfriend.haha.joke lang naman yun.
“Hello.” Bati ni Brigitte sa kanila.
Ngumiti si Lyra sa kanya. “Hmm, buhay pa ba sila?”
Tumango lang si Brigitte. Sinong buhay? Magkakilala rin sila? Malamang nakwento na rin ni Nouie ang tungkol kay Brigitte pero hindi naman niya alam yung totoong kapanyarihan niya.
Angbilis naman kumalat ng chismis. Ah kaya pala gamitin ni Lyra ang hangin, baka nagswiswiswiishh ang tsismis sa hangin. Ha ha!
“Uuwi na ba kayo?” Tanong ni Jisho.
Tumango ako. “Kailangan nang magpahinga ni Brigitte e. Baka himatayin na naman to. Angbigat pa naman niya.” Pagbibiro ko sa kanila.
“Angsama mo naman!” Sigaw ni Brigitte sa akin.
“Oh ano? Lalaban ka? Sige ka, sasabihin ko kay mama na huwag ka nang ipagluto!” Pagbabanta ko dito.
Hayan! Naging parang maamong tupa. Haha. Success Rich. Isa kang henyo!
“Umuwi na nga lang tayo.” simangot ni Brigitte.
Bigla namang napatingin sa silangang bahagi ng langit sina Jisho at Lyra. Naging kulay pula ang mga mata nila. Luuh? Ano na naman po Lord ang susunod na mangyayari? Sabi ko na ng aba! Kapag napapasama ako sa matataas na kategorya may mga magaganap na hindi nakakatuwa.
Maging kami ni Brigitte ay tumingin rin. Hahawak sana ako kay Brigitte pero winaksi niya ang kamay ko. Anong problema nito? Makikisilip lang naman e.
Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero parang nakakaaninag ako ng maitim na Aura na parang ipo-ipo tulad nung kaninang ginawa ni Lyra. Pero nagdudugtong ito sa langit at lupa.
Muli akong kumurap. Wala na ulit akong makitang ipo-ipo. Ano ba yung nakita ko? Parang nasusunog na naman ang kalamnan ko.
Napahawak ako sa tapat ng puso ko. Angbilis ng t***k. Doble-triple pa yata. Kumikirot!
“Ok ka lang?” Pinatong ni Brigitte ang kamay niya sa balikat ko. Pero bigla niya rin itong tinanggal. “Anong nangyayari sa`yo?”
Huminga ako ng malalim. Wala naman siguro akong sakit sa puso. Hindi rin nagtagal ang kumalma na ang pakiramdam ko at hindi na parang nasusunog ang pakiramdam ko.
“Ok lang ako. Pagod lang siguro.”
Tumango lang siya.
“We will walk you home. If okay lang?” Sabi ni Lyra. May panganib ba? Ganito siya n`ong nasa Fury Room kami.
“Oo nga Rich.” Dagdag ni Jisho. “Baka tambangan ulit kayo diyan. Mukhang hindi pa nakakabawi ng lakas tong si Brigitte.”
Nilalakad lang namin ang papunta sa terminal ng bus. Nasa kaliwang side ko sina Lyra at Jisho. Magkawahak kamay pa sila. Samantalang si Brigitte ay sa kanan na nakapamulsa at waring inoobserbahan paligid.
Bigla-bigla na lang nagiging creepy `tong si Brigitte. Nakakatakot na siya minsan.
“Hmm. Bilhan ko muna ng pasalubong sina mama at papa.”
Tumigil kami sa isang bakeshop. Masarap yung breakfast namin kanina ni Brigitte so dapat may share rin siya sa pagbili `no.
“Hoy Brigitte, hati tayo sa pagbili ng pasalubong.”
Hindi na siya kumontra. Binigyan na niya ako ng pera. Alam ko naman kaya kung gamitin ang abilidad ko pero gusto ko pa rin silang bilhan ng something special. Hindi ko pa kasi gamay ang abilidad ko kaya mga simpleng pagkain lang ang kaya kong gawin.
Bumili ako ng tigkalahating chocolate cake at buko pandan cake.
“Yay! Sana magustuhan nina mama `to.” Angbango!
Hindi man lang umimik ang tatlo. Napaka-no reactions nila. Kung friends sila ni Nuie de hindi malabong friend din nila si Lee? Baka nahahawa na sila sa ung babaeng mas maraming beses na NO REACTION pero kung makareact naman nakakaintimidate.
Oops! Naalala ko sabi pala niya pwede kaming makapag-usap dahil konektado na kami. Baka sa ngayon e naririnig niya yung mga iniisip ko. May need bang i-dial sa isip para makausap ko siya? Try nga. Napapatingin sa akin itong mga nakakasalubong namin. Nakataas kasi ang kanang kamay ko. Sagap signal baka ganito gagana ang mental telepathy e.
“Rich Ganda to Lee Sungit…” Tinaas ko pa ang kanang braso ko. Sagap signal. “Uy Lee, naririnig mo ako? Sorry ha. Joke lang yun.”
Di siya sumagot. Baka buffering ang signal ng mental telepathy niya. Haha. Buti na lang.
“Stupid.”
Luuhh? Kinutusan ko ang sarili ko sa isip ko, naglalakad na ulit kami.
“Huwag mo nga akong gugulat-gulatin!”
Kainis. E dapat matutunan ko kung paano kontrolin tong ganito. Tsk. Para siyang nagwa-wire tap sa mga linya ng telepono e.
She is invading my privacy. paano ba? Parang cellphone kaya na may password tas maririnig na niya yung sasabihin ko?
“Rich!” Napalingon ako sa sumigaw.
Shit. Sa kakaisip ko lumampas na ako sa terminal. Natatawang lumapit sa akin si Lyra at hinigit ako sa braso.
“Huwag kang masyadong mag-isip Rich. Maliliwanagan ka rin sa tamang panahon.”
Ano daw po? Maliliwanagan sa tamang panahon? Pwedeng now na? as in? kasi maging sa kanila nalalabuan ako e. May mga sinasabi kasi sila na parang konektado sa kung ano ang kasalukuyang kong iniisip.
Parang araw-araw e naglelevel up ang kaweirduhan ng buhay ko.
Pagkasakay namin sa bus ay maraming nakatitig sa amin. Malamang angganda ko. Ah ang ibig kong sabihin angganda ni Lyra at angcool nina Brigitte at Jisho.
Matiwasay naman ang naging byahe namin. Thank God at walang abnormal na pangyayari sa pag-uwi. Kota na kasi sa kababalaghan ang nasaksihan ng mga inosente kong mga mata sa araw na to.
Bumaba na kami at konting lakad na lang ay makakarating na kami sa street namin.
Mapayapa naman dito sa lugar namin. Kung may mga manggugulo naman ay napipigilan sila ng mga namamahala dito.
Napatigil sina Jisho at muling tumingala.
“Brigitte. Humanda ka.” May pag-aalalang sabi nito.
Kung iisipin kong mabuti, mula sa university ang direksyon ng aming street ay nasa silangan.
Lumawak ang mga aura nilang tatlo. Napaloob kami sa barrier na gawa ni Brigitte. Unti-unting luminaw ang kulay itim na ipo-ipo na nakita ko kanina sa university.
“s**t! Brigitte malapit sa bahay namin yun!” Nagpapanic na ako. Sina Mama at Papa! Baka kung ano nang nangyari sa kanila.
Hindi nag-atubiling nilabas ni Brigitte ang mga skateboard niya. Nagmamadali kaming dumaan sa mga shortcuts patungo sa bahay namin.
Heto na naman yung bilis ng patibok ng puso ko. Hindi ko maipaliwanag ang kaba na nararamdaman ko.
Lumipad na sina Jisho at nauna patungo sa ipo-ipo. Sana okay lang sina Mama at Papa. O kaya sana wala sila sa bahay.
“Wala na bang ibibilis `to?”
Parang ibang Brigitte ang kasama ko. Nag-aalab ang kanyang Aura. “Kumapit kang maigi.”