Naunahan ko ulit ng gising si Akei. Kayhimbing pa ng tulog niya habang yakap-yakap ang unan. Naupo na muna ako para magmuni-muni nang tuluyang magising na ang diwa ko. Nailing na lang ako sa itsura ng tatlong batang omukopa sa higaan namin. Nagpumilit ang mga ito na dito na matulog kagabi dahil baka daw makaistorbo sila sa hallway ng dormitory nila. Pero ang totoo ay gusto lang nilang ma-enjoy ang mga pagkain na pinabili nila dito kay Akei. Puro matatamis! Nasa sahig na ang kumot, nakaangkla si Ulap sa binti ni Haiku, iyong palad naman ni Haiku nasa mukha na ni Zeo na nakalaylay na sa kama ang kanang binti niya. Nagsasagutan pa nga sila sa paghihilik. Sinulit naman kasi nila ang paglalaro sa playground ng plaza. “Ang-aga mo namang gumising. Sakit ng likod ko.” Nag-inat siya saka buman

