Hindi rin kinakaya ng mga pag-atake nina Ada at Azaria ang buhawi na nililikha ng kapangyarihan ni Rich. Buhawing Nyebe! Mas lumalawak ang sakop nito at ang mga kabahayan ay nasisira na rin. Mabuti at nailikas na ang mga tao kanina.
Nalapit nang abutan si Brigitte nang nagyeyelong lupa buti at mabilis siyang nailipad ni Jisho. Ngunit hindi magiging madali ang lahat dahil dumating rin ang ilang halimaw na kasamahan nina Ada. Napapagod na ako sa pakikipaglaban. Bakit hindi sila nauubos?!
Dumating na rin sina master Xeron at master xenon kasama ang ilang kamag-aral namin. Karamihan sa kanila ay mga Dos at Uno. Mga highly trained students na mapagkakatiwalaan sa ganitong pagkakataon.
Ang ilan ay tumutulong sa paglikas ng mga mamamayan na maari pang abutin ng buhawi. Samantalang ang iba ay nakikipagsagupaan sa mga halimaw. Pinapanood ko na lamang silang makipagdigma sa mga halimaw. Parang pagsasanay na rin nila ito. Kung hindi nila kaya ay saka ako tutulong.
Lumipad si Lee patungo sa pinakamataas na parte ng buhawi. Saktong-takto sa gitna ng buwahi. Maya-maya ay magkahalong apoy at nyebe ang pumapaikot sa kanila ni Rich. Unti-unting humina ang buhawi. Magkayakap silang dalawa nang humupa na ito. Maya-maya ay bumalot sa kanilang dalawa ang kadenang apoy na galing sa katawan ni Rich. Nawalan ito ng malay at kinarga siya sa balikat ni Lee.
Tsk! Istorbo tong mga halimaw na `to! Nagpapahinga ako e! bahagya akong lumayo saka ko siya pinaulanan ng Breeze Blades.
"Ok ka lang?" Tanong agad ni Master Xeron paglapit sa akin habang nakikipaglaban ako sa dalawang halimaw.
"Mukha ba akong ok master?"
Ngumisi siya. “Dont worry. Wala ng madadamay na inosente..nailikas na silang lahat."
`Yon lang ang hinihintay ko. Napatingin ako sa kinaroroonan nina Lee. walang-wala sa kanya ang limang halimaw na umaatake sa kanya. Para lang siyang sumasayaw sa ere habang umiiwas sa mga ito. Nakikipagcombat fighting lang siya habang buhat-buhat si Rich sa balikat. Pero sa isang suntok na nakikita ng mga halimaw ay sampung beses ang impact nito sa kanila. Gan`on siya kabilis sumuntok.
"Master umalis na kayo."
Tumango siya. Sinenyasan niya ang mga kasamahan namin na lumikas na. Hinahabol nina Ada at Azaria sina Lee. Mga hangal!
Inumpisahan kong tumugtog. Sa unang melodiya ay napatigil sa pagkilos ang mga halimaw. Tinutugtog ko ngayon ang piyesa na kayang magparalisa ng katawan ng aking target kahit gaano man `yan karami basta’t naririnig nila ang aking musika. Maging sina Ada at azaria ay nahihirapanang kumilos. Pero aminado ako na kapag isang Uno ang ginagamitan ko nito ay mas maraming lakas ang nagagamit ko. Kailangan ko nang bilisan!
Sa ikalawang piyesa ay halos mabaliw na ang mga ito na wari nakikipagsuntukan sa anino nila. They are seeing illusions in their minds because of my music. Samantalang sina Ada at Azaria ay pinaglalaban ko naman sa isa't-isa.
Nakakatuwa. Magpatayan kayong dalawa! Pero hindi ko inaasahan ang ginawa ni Azaria. Gamit ang buhok niya ay sinugatan niya ang kanyang sarili kaya nakawala ito sa panlilinlang ko. Pero pasensya na lang siya dahil si Ada ay hindi pa nagigising sa kanyang masamang panaginip. I played my violin with outmost speed and violence harmony. Humarang si Ada at muli silang naglaban. Hindi na ako dapat mag-akasaya ng panahon.
I spread my fiery wings. Sa aming mga magkakaibigan ay kaming dalawa lamang ni Jisho ay may ganitong pakpak. Nag-aapoy na pakpak na maari rin naming gamiting sandata.
Habang naglalaban sina Ada at Azaria ay mabilis akong lumipad at nanatali sa pinakamatayog na kaya kong abutin. Tuloy-tuloy pa rin ako sa pagtugtog ng violin.
"Rain of fire." I said calmly as I aimed at every dark fire element below. Ang pagaspas ng aking pakpak ang nagpaulan ng mga bolang apoy. Matamaan na ang matamaan. Magsama-sama kayong lahat sa impyerno. This is so reckless pero ito ang gustong gusto kong gamitin sa ganito karaming halimaw.
Mabilis akong lumipad pasulong sa ibaba habang patuloy ang pagpapaulan ko ng apoy sa kanila. Pumaikot-ikot ako sa ere. Ang mga halimaw na naglalaban-laban sa dahil sa aking ilusyon ay isa-isang natatamaan ng mga bolang apoy. Huli na ang lahat dahil masusunog pati ang inyong kaluluwa. `Yan ang inyong kaparusahan. Nakadapo na ako sa lupa. Nasusunog na ang mga kabahayan, Wala na ring bakas ng mga halimaw. Napatingala ako sa langit. Nagdidilim na at mga nasusunog na kabahayan ang nagbibigay liwanag sa paligid.
Nanghihina na ako sa dami ng kapangyarihan na ginamit ko. Napapikit ako. “It has started…”
Babagsak na sana ako pero may sumalo sa akin. “Sorry... hindi kita natulungan." Boses ni Jisho yun.
“Lagi mo na lang akong iniwan." Nakasandal lang ako sa kanya.
I heard her spread her wings. "I will be your wings for now."
She lifted me and I fell asleep in her arms.
LYLE
Nagmamadali kami nina Nuie na puntahan ang kinaroroonan nina Brigitte. nakamotor kami nina Nuie at Nate. Pare-pareho kaming pagod at halos maubos na ang aming lakas. Gamit ang taglay na bilis ni Neon ay pinauna na namin siya para makatulong. Nag-uusap kami sa pamamagitan ng mental telepathy.
“Habang tumatagal dumadami sila.” Sabi ni Nate.
“Oh takot ka na?” Nakuha pang mang-asar nitong si Nuie. Ang mga `to talaga kahit sa oras ng pakikidigma hindi tinatantanan ang isa’t-isa.
“You’re asking yourself?” Mainit na naman ang ulo ni Nate e. Tsk!
“Things will get tougher. Kailangan nating mag-ingat hanggat hindi pa siya handa.” Pahayag pa ni Nuie.
Nagdilim ang langit at naramdaman namin ang kapangyarihan ni Lyra. Siya namang makakasalubong namin si Neon na karga-karga si Brigitte.
"Bumalik na tayo sa XerXen. Sina Lee na ang bahala dun..."
Agad kaming nagtungo sa Xerxen at dinala sa pagamutan sa loob ng university si Brigitte. Hindi rin nagtagal ay dumating na si Jisho karga-karga si Lyra na nanghihina na rin.
"Magiging ok siya diba?" Tanong agad ni Jisho kay Master Xeron.
"Oo naman. Magtiwala ka lang."
Pinalabas kami ng kwarto para magamot sila. Hindi naman special ang paggagamot dito. Parang sa mga normal na hospital rin lang. Depende sa tindi ng natamong pinsala.
Maging kami ay ginawaran rin ng paunang lunas sa mga natamo naming sugat at pinayuhan na rin kaming magpahinga.
Tulala si Nuie habang ginagamot ang sugat niya sa braso. Dati ay kahit ginagamot kami ay nakapadaldal pa rin niya at binibida kung ilang halimaw ang kanyang napaslang.
"Anong gumagambala sayo?” Tanong ko sa kanya.
Umiling ito.
"Hindi mo ako maloloko Nuie."
Ngumiti siya pero alam kong pilit lang. "She is really serious about it."
"`Yon naman talaga ang dapat `di ba?"
Tumango ito. “Tama ka. Hindi natin dapat baguhin ang nakatakdang mangyari." Saka ito ngumiti.
Ginulo ko ang buhok niya. “Next time, huwag mo na gaanong gamitin ang ilusyon ko. Gamitin mo naman ang ilusyon ni Lee."
She pouted. “Oh de ubos ang kapangyarihan ko? Para mo na rin sinabing gamitin ko ang buong lakas ko sa isang pag-atake lang."
Tinawanan ko lang siya. "Fine. Magpahinga ka na. Training starts as soon as magising na si Rich."