Bella Donna Madrigal NILAPITAN NAMIN ang Doctor na lumabas ng ER kung nasaan si Severio ngayon nananatili. Gustuhin ko mang makapasok agad para makita siya ay kailangan pa naming hintayin ang Doktor upang malaman ang lagay nito. “He is okay now. But unfortunately, he lost a lot of blood, we need to find a donor who will match his blood type as soon as possible.” Nakahinga ako ng maluwag pero may konting bigat sa aking pakiramdam ngayon sa balita ng Doctor. “We will try to find a donor. We can surely find a donor for him.” Pagpapagaan ng loob sa akin ni Rive. Hindi na kami nagsayang pa ng oras, I know Severio’s blood type and we are not a match. I was praying that even one in the family of Rive would match Severio’s bloody type. Sa lahat ay si Rive lang ang nag-match doon. Napag-alaman

