FOAM PARTY

2041 Words
Bella Donna Vistal NILIGPIT KO ANG mga libro sa lamesa at tumayo, yakap-yakap na pumunta sa lagayan ng mga aklat. Inaayos ko at siniguradong nasa tamang label ang bawat aklat na ilalagay. “Foam party lang naman, Donna. It will be fun, I promise. Ipapaalam kita sa papa at mama mo, akong bahala sayo. Ahm, you can sleep in my house—” “At tingin mo papayag si Papa?” hinarap ko si Fredah sa kanyang pangungulit sa akin na inuubos ang pasensya ko. Binalik ko ang atensyon sa ginagawa. “Bakit mo ba akong gusto isama? Alam mo naman kung gaano ka-istrikto ang mga magulang ko lalo na si papa. Hindi ako papayagan kahit anong party pa yan. Maliban na lang kung importanteng okasyon.” I heard her sigh heavily and rested her body on the bookshelves. Ayoko mang isipin ngunit pakiramdam ko ay maaaring maging rason ang naging interaksyon namin kanina ni Rivenom Buenavista, na nais akong sumama mamaya kay Fredah. “Hindi naman nila malalaman.” Ngumisi siya at kinindatan ako. Ano? Naubos na ba niya ang mga babae rito sa eskuwelahan at ako na ang pinagtitripan? O baka naman gusto niya munang magsimula sa department namin na maubos bago sumakabilang kurso? “I don’t know what’s up with Conrad, he wants me to convince you to attend and hang out with us.” Napahalukipkip siya at tinitigan ako. “I just hope he is not eyeing on you—” Padarag kong nilagay ang libro sa lagayan at hinarap siya. Napaayos ito ng tindig at tumikhim na tila ba alam niyang may mali sa sinasabi nito. “Hindi ko gagawin yun sayo, Fredah. At hindi ko papatulan si Conrad. Hindi siya ang tipo ko. At tingin mo papatulan din ako nun?” I swallowed hard. “Sabagay, kahit sino naman pinapatulan nila, basta babae.” Umirap ako. Ngumisi ito at mas lumapit sa akin. She leaned on my ear. “Ano ba ang mga tipo ng isang Bella Donna Vistal?” she said in a teasing voice. Tinalikuran ko siya at nagsimulang umikot sa kabilang bookshelves. Kapag may vacant ako ay nandito ako sa library, hindi lang para magbasa ng makakapal na libro kundi para na rin mag-ayos. Part-time, hindi ganun kalaki ang kita pero sapat na para maisingit ko sa aking oras at mailaan sa aking pangangailangan ang pera na makukuha. “Rivenom—” “Syempre hindi, hindi ang katulad niya. Tigilan mo nga kakareto sa akin kay Rivenom, mas lalong hindi siya ang tipo ko. At hindi ko gusto ang mga kaibigan mo Fredah. Or do they even consider you, their friend?” may pag-aalala kong tanong sa kanya, nasa likod ko ito at natahimik panandalian sa aking sinabi. Fredah and I have been classmates since our first year in college. Mabait si Fredah, maraming kaibigan at mahilig gumimik. Mag-party. Makihalubilo. Iniisip ko na ganun kapag galing sa mayamang pamilya. Walang problemang iniisip o future na inaalala. Dahil anumang gawin nila, may nakaabang sa kanilang magandang mangyayari. I am not poor, I am not also rich. We just have a stable life, police ang ama ko habang ang ina ko ay nasa bahay lamang. Lumaki sa konserbatibong pamilya, istriktong mga tuntunin na dapat sundin, at tradisyonal na pamamalakad sa loob ng bahay na mas nagpapatibay sa aming emosyon at pag-iisip. To wake up early in the morning, to early sleep at night after studying, and to clean the house without being said to. To eat altogether. To value studies more than any material things in the world. We are not allowed to get into a relationship until we haven’t gotten our college diploma. We are not allowed to attend parties, excursions, or outings… because we can’t afford it yet. We have a limited time outside the home, dapat eskuwelahan at pag-aaral lang ang aming inaatupag at walang magiging problema, yun ang sabi ni papa. “Last year mo lang sila nakilala at alam mo ang reputasyon nila rito sa ating eskuwelahan. Hindi ko alam kung bakit ka nakikipagkaibigan sa mga yun.” “Malcom is nice, Conrad is hot. And Rive… hmm, what do you think about him?” dumungaw siya upang makita ang reaksyon ko, hindi pa nakuntento at pumuwesto sa aking harapan. “He is an asshole. All of them, Fredah,” seryoso kong saad sa kanya, walang halong biro o tuwa. Nawala ang ngiti sa labi niya at sumeryoso na rin. “They are nice—” “If they are, why do they allow you to be a side chick? If they are your good friends, pupunain nila ang kamalian imbes na gatungan na ipagpatuloy pa.” Nakita ko ang gulat at pamumutla sa kanyang mukha. Totoo nga ang sinabi ni Rive? “Pumayag ka, Fredah?” hindi makapaniwalang tanong ko. Mabilis ang pag-iwas niya ng tingin at inabala ang sarili sa mga libro. “Hihiwalayan na ni Conrad ang nobya niya, humahanap lang siya ng tamang pagkakataon.” She didn’t even stutter. Nor flinched of what she said. Dismayado akong napabuntong hininga at hinilot ang sentido ko. Tinitigan kong mabuti si Fredah. Hindi ganyan ang pagkakakilala ko sa kanya sa halos dalawang taon naming pagsasama. Fredah is wearing cute glasses, with layered black long hair. Singkit ang mga mata at halos wala akong makitang kahit na ano sa pisngi sa sobrang kinis at puti nito. Kasing tangkad ko lang siya, very cute and chic. Isa sa mga bagay na pinagkasunduan namin ay ang hilig sa pag-aaral. She is smart, she can debate and present logical explanations that will convince you to believe her because she is smart. Smarter than me. But fooled… by this man. “At naniniwala ka sa rason niya?” halos hindi ko iyun masabi ng maayos sa pagkakadismaya. I couldn’t believe this, hindi ko lang lubos maisip na… she can be the other woman. “Fredah, anong pinagkaiba mo sa kabit—” “Hindi ako kabit, hindi naman sila kasal Donna!” giit niya. “Hindi ako sasama sa foam party niyo. Hindi ko kayang pakisamahan ang mga KAIBIGAN MO,” I said emphasizing my words. “If they are real friends, they won’t tolerate—” “Enough, Donna. I am telling you. Conrad will break up with Emily.” Mas lalo akong nawindang sa mga sinasabi niya. Lalo na sa pangalang binanggit. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat upang kunin ang buong atesyon. “My ghaad, Fredah! You’re putting yourself in big trouble.” Halos rumiin ang titig ko sa kanya. “Emily is a scandalous woman! Kapag nagkasakitan, tingin mo ikaw ang unang pupuntahan ni Conrad para protektahan?!” Hinawi niya ang kamay ko at umiwas ng tingin. Kaunting pangungumbinsi na lang ay matatauhan din ito. Hindi ko lang alam kung ano na ang pinakain sa kanya ng Conrad na yun at nabibilog ng husto ang isip ni Fredah. “Are you going to attend or not? Conrad wants to meet you, I told you, he is serious about me. Ipapakilala ka niya sa mga kaibigan niya, he is serious,” she uttered. “He even wants to meet you and be friends with you.” Gusto kong umirap sa sinabi niya. Nakapawalang kuwentang rason! Halos manlumo ako at ang tanging nagawa na lamang ay umiling. Gusto kong mainis sa kanya pero mas nangingibabaw ang awa. “Hindi. Hindi ako sasama.” I put the two remaining books and left her standing between the bookshelves made of wood. Spacing out or maybe finally thinking about her decisions. I hope she will be enlightened by what she has been doing lately. Emily Chan is Conrad’s current girlfriend. Bigating tao at malapit sa mga Buenavista. Kung matalik na magkaibigan sina Conrad at Rive, tingin niya ay poprotektahan siya ng mga ito kung ang pamilyang Chan ay malapit kina Rive? Tingin niya hindi siya ilalaglag ng mga ito kung nagkataon? If we will talk about mind and intellect ay doon ko naman ipagmamayabang si Fredah. But I doubt it now, Fredah is surrounded by idiot people. Conrad Ramirez, Malcom Vargaz, Silverio Buenavista. At idagdag pa ang pinakamalupit sa kanilang grupo na si Rivenom Buenavista na walang ginawa kundi ang pasukin lahat ng butas na makikita. Disgusting! GABI NA AT mag-isa ako sa aking maliit na nirerentahang apartment, malapit lamang ito sa eskuwelahan. Si Fredah lang ang tanging tao na dinadala ko rito. I was in the middle of reading a book connected to my course when my phone rang. Alam kong nagkaroon kami ng pagtatalo ni Fredah kanina sa library. At kapag may pagtatalo kami, ang unang may mali ang hihingi ng tawad. Hindi ko lang alam kung naliwanagan na ito ngayon. “Fredah—” “Donna, can you come here?” she sobs so I straightened up my body sitting on the chair. “Dumating si Emily, I want to go home pero hindi ako makalabas. Please, come here. Wala akong kasama.” Napatayo ako at nagmamadaling kinuha ang jacket at wallet. I took the key and rushed towards the door. Sa pagmamadali ay hindi na ako nagpalit ng damit, wearing a pajama and white fitted shirt. Isang sakay ng tricycle at narating ko ang beach club kung saan ang event nangyayari. I don’t know much about Emily Chan, ngunit dahil matunog ang kanyang pangalan ay hindi mo na rin maiiwasan na hindi makilala. She is a Beauty Queen who joins the pageant many times. Hindi ko alam kung matalino pero Oo, maganda at sexy. Brat. Sobra. Bagay silang tatlo nina Conrad at Rive. Parehong masama ang ugali at tila akala mo dapat yukuan tuwing dumadaan. I gasped when I entered the club. Foam party, basaan pala ito at halos mga nakabikini ang mga nandito. Maraming tao. Lumunok ako at pilit na nakikipagsiksikan, wala ng pakialam kung mabasa man ako. I’m sure nakaVIP ang table ng mga KAIBIGAN ni Fredah. Mula sa magulo at nagsasayawang mga tao ay niluwa ako malapit sa stage sa unahan. Pero hindi ko sila makita, hanggang sa napansin ko na may isa pa palang palapag ang club. Malapit ito sa may dagat, may buhangin at open area sa baba, kaya nung umakyat ako ay doon mas kalmado ang mga tao. Walang foam, walang buhangin. But people here are heavily drinking alcohol. “Where are you, Fredah?” bulong ko sa sarili ko at sinubukang tawagan ito ngunit hindi sumasagot. I roamed my eyes around, hinahanap ang lamesa ng mga kaibigan ni Rive. Hanggang sa pumirmi ang tingin ko sa lamesang VIP kung ituring, naiiba at malaki ang espasyo at upuan. Basta ang nasa isip ko na lang ay makita sila at lapitan. Hindi ko man lang inisip kung naroon nga ba si Fredah. Lahat sila ay napatingin sa paghinto ko sa kanilang harapan. Limang lalaki ang naroon at tatlong babae na tingin ko ay hindi lamang basta-basta kundi kabilang sa mayamang angkan. Ang unang dapat hahanapin ng mga mata ko ay si Fredah, ngunit tumagal iyun kay Rive na tinanggal ang pagkakaakbay sa babaeng katabi at halos mapaahon sa kinauupuan matapos akong makita. Gulat at nakita ko ang multong ngisi sa labi. He licked his lower lip while stunned seeing me. Conrad chuckled and glanced at Rive meaningfully like they understood each other’s simple gestures and movements. “Nice outfit, babe!” puna ng isang lalaki na kilala ko. Silverio Buenavista, ang pinsan ni Rive. Naandito rin si Malcom Vargaz na walang babaeng katabi kasama ang isa pang lalaki na hindi ko kilala. “Maling party ata ang nadaluhan mo, this is not a pajama party.” The woman beside Rive giggled. Napanguso si Rive para pigilan ang ngisi, sinuri ang ayos ko at tuluyan na ngang napahalakhak habang pinapasadahan ng haplos ang mapulang labi gamit ang daliri nito. He is wearing a white linen shirt and a black cargo shorts. May suot pang kuwintas na krus at kumikinang na piercing sa tainga. Looking a bad boy right now, lalo pa at bukas ang buttones ng suot nito sa may bandang dibdib. Napaatras ako sa pagkakapahiya. Lumunok at lito kung nasaan na nga ba si Fredah. Emily is here, beside Conrad. Mukhang maayos naman sila, maliban kay Emily na busangot ang mukha at iritado kung titignan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD