Chapter 22 Ariana Xiamara PAGKATAPOS ng mahabang oras sa ospital ay lumabas na kami. Tahimik lang akong nakatayo sa likuran niya habang naghihintay kami ng sasakyan sa harap ng ospital. Nakatingin ako sa kanya mula sa aking kinatatayuan, sinusubukan kong basahin ang kanyang ekspresyon, ngunit tulad ng dati, walang bakas ng emosyon sa kanyang mukha. Nang marinig kong tumunog ang kanyang cellphone. Inilabas niya ito mula sa kanyang bulsa at mabilis na sinagot ang tawag. Napansin kong bahagya siyang ngumiti habang nakatingin sa screen bago niya inilapit ang cellphone sa kanyang tainga. "I'll come see you there," narinig kong sabi niya, ang tono ng boses niya ay kakaiba—mas malambing, mas magaan. "Manila Pen? You're at the restaurant? Okay, I'll be there. Of course, I miss you so much." N

