Chapter 63–Gising na Ariana Xiamara KINABUKASAN, bumalik kami ni Azreal sa OB–Gyne para ipaulit niya ang check–up ko. Inaasahan ko na magiging mabilis lang ang lahat, pero ang hindi ko inaasahan ang naging reaksyon ni Azreal nang makita ang imahe ng baby namin sa ultrasound. Saglit akong napatingin sa kanya. Nakita ko kung paano kumislap ang mga mata niya, kung paano saglit na lumambot ang ekspresyon niya. It was brief, but I saw it—he was happy. Maaring ang bibig niya nagsasabing wala siyang pakialam, pero iba ang sinasabi ng mga mata niya. Napangiti ang doktor habang binabanggit ang kalagayan ng baby. "Maayos ang development niya, everything looks great, Dr. Monte falco," aniya kay Azreal, happily. Hindi agad nakasagot si Azreal, nakatuon pa rin ang paningin niya sa screen. Para b

