Chapter 88–Time 02 Ariana Xiamara HABANG abala ako sa kusina, naririnig ko ang sunod–sunod na tanong ni Alpha kay Azreal. Ang ingay ng anak ko, pero imbes na mairita, napapangiti na lang ako. Ang daming gustong malaman ni Alpha, at si Azreal naman, mukhang walang kapaguran sa pagsagot sa bawat isa. Nang marinig ko ang tunog ng engine, sumabay doon ang malakas na halakhak ni Alpha. Parang musika sa pandinig ko—isang tawang walang halong sapilitan, walang lungkot. Ngayon ko lang siya narinig na gano'n kasaya. Pagkatapos kong magluto umakyat ako sa helm station para tawagin sila. Doon ko naabutan si Alpha, nakatayo sa harap ng mga controls, halos magmukhang kapitan ng barko. Nakasuot siya ng sumbrero ng captain pero ang tindig niya, puno ng kumpiyansa. Sa tabi niya, si Azreal, nakangiti h

