Chapter 34–Slight SPG🔞🔞 Ariana Xiamara TAHIMIK lang akong nakasunod kay Azreal hindi na nagtangkang magtanong kung saan kami pupunta. Hindi ko alam kung mas mabuti bang manatiling walang imik na lang kaysa magkamali pa. Makalipas ang ilang minuto, huminto kami sa harapan ng isang boutique na halatang pang–high–end. Malalaki ang glass windows, at sa loob, puro designer pieces ang naka–display. Anong gagawin niya dito? Siguro may bibilhin siya. Pumasok si Azreal, at agad siyang sinalubong ng dalawang staff—isang babae at isang lalaki. "Mr. Monte falco, it's been a while," malugod na bati ng babae habang bahagyang yumuko bilang respeto. Nag–usap sila saglit, hindi ko na inintindi ang pinaguusapan nila. Ang atensyon ko, nakatuon sa paligid— sa mga mamahaling damit, sapatos, at bag ang na

