Chapter 37 Ariana Xiamara PAGKATAPOS magligpit, agad akong nagpaalam kay Manang Flor na magpahinga muna ako. Kanina pa ako pagod, at gusto ko lang humiga kahit sandali. Ngunit habang naglalakad pabalik sa kubo, isang pamilyar na boses ang nagpatigil sa akin. "At saan ka pupunta?" Napapikit ako saglit bago dahan–dahang nilingon ang ina ni Azreal. Nakaharang siya sa daraanan ko, nakataas ang isang kilay at nakapamewang na parang isang reyna na handang husgahan ang isang alipin. Nilakasan ko ang loob ko at nagpatuloy sa paglalakad, wala akong balak makipagtalo sa kanya. Pero bago pa ako makalagpas, mahigpit niyang hinawakan ang braso ko. Napasinghap ako sa sakit pero hindi ako nagpahalata. "Hindi kita pinapayagang lampasan ako, hampaslupa ka!" madiin niyang sabi, puno ng pangdidiri ang

