Chapter 86–Paliwanag 01 Ariana Xiamara "MAGSALITA ka na, Azreal!" utos ko. "Bago tayo mag—usap, kumain muna tayo," sabi niya, habang nakayakap pa rin sa akin. "Alam kong gutom ka na." Gusto ko sanang tumanggi pero sa totoo lang, pero ramdam ko na rin ang gutom kanina pa kumakalam ang sikmura ko. Kahit gusto ko marinig ang paliwanag niya, napilitan akong tumango. Hinayaan kong alalayan niya ako palabas ng cabin, marahan at buong may pag–iingat. Hindi ako na ako pumalag. Hindi ko rin kayang itanggi sa sarili ko na gustong–gusto ko ang ginagawa niyang pag–aalaga sa akin—ang pagiging maalalahanin niya, kahit na may galit pa akong naramdaman sa dibdib ko. Kahit na gusto kong itanggi sa aking sarili, ang totoo, gusto kong alagaan niya ako. Lalo na ngayon sa pagbubuntis ko. Paglabas namin s

