Chapter 82–99.99% Azreal Felix MARAMI pa kaming napag–usapn ni Attorney at may mga desisyon akong gagawin. After that call wala akong sinayang na oras. Agad akong nagbihis pagkatapos kong utusan si Rodel na tawagan ang piloto para sundoin kami rito sa Bohol. Kailangan kong maka–alis agad. Pero paglabas ko ng bahay, isang masakit na tanawin ang bumungad sa akin, ramdam kong tila may pumiga sa dibdib ko. Nasa ilalim siya ng puno kasama si Alpha, humahagikgik ang bata. Kasama nila ang dalawang matanda na tuwang–tuwan naman, at siyempre ang hindi mawala sa eksena—si Fabio. Ang hayop na 'yon, hindi pa rin umaalis. I clenched my jaw, forcing myself to look away. Pero kahit anong gawin kong hindi sila tingnan, ramdam ko pa rin ang matinding paninikip ng dibdib ko. Putangina, hanggang kaila

