Chapter 84 Ariana Xiamara BIGLA na lang tumayo si Isaac, mahigpit pa ring nakahawak ang kamay niya sa akin. Napatingin ako kay Azreal. Nakatitig siya sa akin, his eyes dark and brooding. Agad kong inalis ang paningin ko nang marinig kong magsalita si Isaac. "Wala na tayong dapat pag–usapan," matigas niyang sabi. "Hintayin niyo na lang ang annulment papers para matapos na ito. We have better things to do kaysa sa makipagpalitan ng walang kwentang salita sa inyo." Katahimikan ang namayani sa buong paligid. Nakatitig lang si Azreal kay Isaac, walang emosyon sa mukha pero ramdam ko ang bahagyang pagbabago sa kanyang posture. Ngunit bago pa ito magsalita, muling nagsalita si Isaac. "If you excuse us. Aalis pa kami, yacht sailing, I will take her to the ends of the world," patuloy niya sa t

