Chapter 45– Bossy Ariana Xiamara SA LOOB ng dalawang araw, itinatak ko sa isip ko—magpakailanman—na walang pakialam sa akin si Azreal. Ibinuhos ko ang bawat oras ng trabaho rito sa mansiyon, tiniis ang pangtataray ni Divina ang inang niyang bruha. Pilit kong ibinabaon sa pagod ang sakit na iniwan ng mga sinabi niya. Pero kahit anong gawin ko, sa tuwing nag–iisa ako—lalo na sa gabi—hindi ko mapigilan ang mga luhang pilit kong ikinukubli sa sarili ko. Hindi ko maintindihan...Bakit ganito kasakit? Bakit ako nasasaktan? Mas lalo lang akong nawawalan ng sagot sa tuwing nakikita ko si Sabrina sa mansiyon. Para bang bumalik ang lahat sa kanila dati. Nakita kong malaya siyang labas–masok sa kwarto ni Azreal, na parang doon na siya natutulog. Naririnig ko ang malalakas nilang tawanan, na tila

