RAVEN Hindi ko alam kung napatunganga ako nang walang kaabog-abog na hinubad ni Asher ang damit na suot niya. Basta ang alam ko ay walang tigil sa paglilimayon ang mga mata ko sa napakagandang tanawin na nasa harap ko ngayon. Sunod sunod ang naging paglunok ko habang nakatitig ako sa malapad niyang balikat pababa sa dibdib niya hanggang sa matagpuan ng mga mata ko ang pink n*****s niya na tila nag-aanyayang haplusin ko. But of course, hindi ko ginawa `yon! At mabuti na lang ay may lumapit na isa pang bakla sa amin bago pa man dumako sa kung saan ang makasalanan kong mga mata. “Asher! I’m glad you’ve made it. Ito na nga pala `yong costume na hinihiram mo. Ayan ha, sa `yo ko pinagkakatiwala ang best creation ko since I’m sure na ikaw ang mananalo tonight,” anang bakla na medyo hininaan a

