Chapter 3

1027 Words
ASHER Pagpasok namin sa loob ay napahinto si Raven nang nasa gitna na kami ng sala. Pumihit siya paharap sa `kin at saka ngumiti. “Diyan ka lang. May kukunin lang ako sa kwarto.” Nagkibit-balikat ako at naupo sa sofa habang iginagala ang paningin sa loob ng apartment. May nakita akong mga boxes na nakahilera sa may malapit sa hagdan papuntang second floor. Bawat box ay may nakadikit na post-it notes na siyang nagsisilbing label kung ano ang laman ng bawat kahon. Hindi nagtagal ay bumalik din sa sala si Raven bitbit ang dalawang unan. Inabot niya `yon sa `kin at saka naupo sa katapat na sofa. Iniwasan kong mapatingin sa legs niya dahil baka kung ano pa ang isipin niya. “Pizza, you want?” naalala kong alok sa kanya nang makita kong nakatitig lang siya sa mukha ko. Takte! Bakit ba `ko natatameme sa harap niya? Kumuha siya ng isang slice at saka iyon isinubo habang hindi humihiwalay ang tingin sa `kin. “So, ugali mo ba talagang mangapitbahay sa mga tenants mo?” Kaswal na tanong niya na hindi naman tipong nang-uuyam. Napakamot tuloy ako sa ulo. “Hindi naman. Nagkataon lang talaga na nasa bahay `yong talipandas kong pinsan kaya kung pwede sana, dito lang muna ako. Pero kung makakaistorbo ako sa `yo, pwede namang—” “You can stay here,” mabilis na putol niya sa sinasabi ko. “However, I can’t entertain you dahil may gagawin pa ako sa taas. So, maiwan muna kita dito sa baba. Feel at home ka lang dito which is weird to say since this is actually yours. Kapag nagutom ka, may natira pa akong food sa kusina. Kapag naman inantok ka, borlog ka na lang diyan sa sofa. Okay?” Sa sobrang bilis niyang magsalita, “Okay” na lang ang nagawa kong isagot sa kanya dahil bago pa man bumuka ulit ang bibig ko ay nakaakyat na siya ng hagdan at saka mabilis na nakapasok ng kwarto niya. Sayang! Gusto ko pa naman sanang itanong sa kanya kung ano ang gamit niyang pabango dahil tila nanuot na iyon sa ilong ko kahit ilang minuto lang naman kaming magkaharap kanina. Sa kawalan ng magagawa ay nagpasya akong i-check ang phone ko. But to my dismay, ni isang text ay wala akong nakitang text mula sa mga kabarkada ko. Nang tignan ko naman ang spam messages ko ay nakita kong may mahigit dalawampung text messages ako galing sa iba’t ibang babaeng naging parte ng nakaraan ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ginagawang buksan. Ewan ko ba. Sa tuwing may babaeng dumarating sa buhay ko at nakuha ko na ang gusto ko sa kanila, mas mabilis pa kesa sa pagputok ng bula ang pagkawala ng interes ko sa kanila. Kaya ang ending, halos lahat sila ay napapasama sa listahan ng spam numbers ko. That way, hindi ako obligadong magbasa ng text messages nila na usually ay umiikot sa kagustuhan nilang bumalik ako sa piling nila. But the thing is, I’m not yet ready to commit myself to any of them. I kind of enjoy my singleblessedness.  Mayamaya ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa sofa habang nakapatong sa dibdib ko ang celphone ko. Naalimpungatan ako nang may maramdaman akong tumatapik sa pisngi ko. Pagmulat ko ng mata ay nakita ko si Raven na nakatunghay sa `kin bago ngumiti. “Hey, kumain ka na ba?” mahinang tanong niya sa `kin. Umiling ako at saka tumuwid ng upo. “Not yet. Anong oras na ba?” tanong ko sa kanya. “It’s already midnight.” Wala sa sariling napatingin ako sa cellphone ko. “Twelve midnight na pala,” usal ko. Ganoon kahaba ang naging tulog ko? Pumalatak si Raven bago naglakad papunta sa kusina. Sumunod ako sa kanya  “Wrong. We don’t say twelve midnight because when you say midnight it is already understandable that that it is twelve. So it becomes redundant. And there’s just also one midnight in a clock’s cycle; in the same way that this applies to noon. We do not say twelve noon—just noon.” Napangiti ako dahil sa biglaang paglilitanya niya. “Nice. Dati kang professor, noh?” Naglagay muna siya sa mesa ng dalawang plato, kutsara at tinidor pati na rin bago siya sumagot sa tanong ko. “Nope. Upo ka na at kumain na tayo.” Noon ko lang napansin na may nakahain na rin palang umuusok na kanin at pakbet na nakalagay sa isang mangkok. “Nagluto ka?” Parang wala kasi sa karakter niya na marunong siyang magluto. Sumandok muna siya ng kanin at saka inabot sa `kin ang serving plate. “Bumili lang ako diyan sa may kanto. Tinatamad akong magluto.” Naglagay na rin ako ng kanin sa sarili kong plato. “Pero marunong kang magluto?” tanong ko sa kanya. Umiling siya bilang sagot at saka sumubo ng kanin gamit ang kaliwa niyang kamay. Surprisingly marunong siyang magkamay. “Hindi rin ako marunong maglaba o maglinis. I practically knew nothing.” Na-curious ako sa sagot niya. “So ano lang ang alam mong gawin?” Ngumisi siya sa `kin at bahagya pang inilapit ang mukha sa mukha ko. “Ang alam ko? Hmmm, maghanap ng papa,” aniya sabay tawa. Natawa na rin ako dahil sa nakikita kong ngiti sa mga labi niya. Sa iilang beses na nagkaharap kami, bibihira ko pa lang siyang nakitang nakangiti ng katulad ngayon. After naming kumain ay tumambay kami sa harap ng apartment niya at magkatabing naupo sa upuang gawa sa gemilina. “So, pwede ba akong magtanong ng ilang personal na bagay sa `yo?” tanong ko sa kanya habang humihitit kami sa kanya-kanya naming sigarilyo. “Hindi pa ako ready na sagutin ang mga tanong mo,” diretsang sagot niya sa tanong ko. “However, I have an idea… Samahan mo `ko sa pinakamalapit na grocery store at may bibilhin tayo. We’ll gonna have a game.” Maluwang na ngumiti ako sa kanya. “Game!” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD