Chapter 1

1193 Words
RAVEN Inilibot ko ang mga mata ko sa loob ng apartment na simula ngayon ay siya nang magiging tahanan ko sa mga susunod na araw. Not bad, naisip ko habang sinisindihan ang sigarilyong nasa isang kamay ko. It was just a small apartment with one bedroom, a comfort room and enough space for the kitchen and living room. Nang matapos ako sa paninigarilyo ay tumuloy na ako sa kwarto at saka ibinagsak ang hapong-hapo kong katawan sa malambot na kama. This is life. Ilang sandali pa lang nakalapat ang likod ko sa malambot na kama ay nararamdaman kong tinatangay na ako ng matinding antok. Ipinikit ko ang mga mata ko at hinayaan ang sarili kong lukubin ako ng kapayapaan kahit sandali man lang. Kalaliman na ng gabi nang maalimpungatan ako dahil bigla akong nakaramdam ng pamimigat ng tiyan. Nang sulyapan ko ang luminous watch ko ay nakita kong malapit na palang mag alas-kwatro ng madaling araw. Mahigit anim na oras din ang naging tulog ko. Susuray-suray na pumunta ako sa banyo na nasa kaliwang bahagi ng bahay malapit sa may kusina.  Pabalik na 'ko sa kwarto nang may maulinigan akong tila may kumakaluskos sa may front door. Tumigil ako sa paglalakad at saka pinakiramdaman ang paligid. Ngayon ay sigurado na akong may tao nga sa likod ng pintong 'yon. Hindi ko maaaring maipagkamali sa iba ang pagkikiskisan ng mga metal. Someone is trying to open the goddamn door! Bagama't kinakabahan ay nagawa pa ring gumana nang maayos ng utak ko. Mabilis na nahagip ng kamay ko ang pinakamalapit na bagay na nasa tabi ko—a lampshade. s**t! Kakabili ko lang nito kanina. Pumwesto ako sa likod ng pinto at saka ihinanda ang sarili. Ano't ano man ang mangyari, hindi ako mangingiming ipukpok sa kung sino mang pangahas na akyat-bahay na 'to ang hawak kong lampshade. Then baaam! The door opened. Nakita kong walang kaabug-abog na pumasok ang isang lalaki at saka sinipa ang pinto pasara. Itinaas ko sa ere ang hawak na lampshade at sigurado akong handa na akong ihataw iyon sa likod ng lalaki pero bago ko pa man iyon magawa ay kusa na siyang natumba sa sofa. At ang sumunod kong namalayan ay naghihilik na ang lalaki. Who the hell is this guy? Patingkayad na lumapit ako palapit sa sofa. Shet, tulog nga. Sa tulong na rin ng bahagyang liwanag na lumalagos sa manipis na kurtina ng bintana ay bahagya kong napasadahan ang itsura ng lalaki na ngayon nga ay mahimbing nang natutulog. He looked okay. Hindi naman siya mukhang masamang tao. Ang nakapagtataka lang, paano siya nakapasok sa apartment ko nang ganoon na lang? Tahimik na bumalik ako sa kwarto ko at sinigurong naka-lock ang pinto. Naisip kong tawagan ang kaibigan kong si Jackie na nag refer sa akin ng apartment ko kaso siguradong natutulog pa `yon ngayon pati ang anak niya. So, I have no choice kundi ipagpaliban na muna ang tawag. Nag schedule na lang ako ng text for her n asana ay mabasa agad niya as soon as magising siya. Dahil hindi na ulit ako makatulog, I decided na magbasa na lang muna. Hihintayin ko na lang na mag alas-sais at pagkatapos ay paaalisin ko na ang kung sinumang lalaking `yon na natutulog sa sala ko. Saktong kakatapos ko lang basahin ang libro ng isa sa pinakapaborito kong author na si Camilla nang magsimulang lumiwanag sa labas. Lumabas na ko ng kwarto at dumiretso sa kusina para magtimpla ng kape. After which ay pumunta naman ako ng sala at doon ko na lang iinumin ang kape ko. Umupo ako sa single sofa na katapat ng hinihigaan ng intruder ko. Wait—HOT INTRUDER—I must admit. Ngayong maliwanag na ay kitang-kita ko kung gaano ka-gwapo ang lalaking mahimbing natutulog sa sofa. At bakit nga ba naka boxer shorts na lang ang lalaking `to? Napatingin ako sa dibdib niya pababa sa tiyan niya na sa maniwala kayo at sa hindi ay nalalatagan ng mga pandesal. Yes, may abs ang intruder ko. At ganoon na lang ang ngisi ko nang mapansin kong tila may nagsisimulang mabuhay mula sa loob ng boxer shorts niya. Shet! Nagfa-flag ceremony na si kuya! Then slowly ay unti-unting nagmulat ng mga mata ang lalaki habang nag-iinat ng dalawang kamay. Sa ginawa niya ay mas lalo lang nagging kapansin-pansin ang bukol sa harapan niya. Nang tuluyan na niyang maidilat ang mga mata ay saka lang tila rumihestro sa isip niyang hindi siya nag-iisa. “Sino ka?” nagtatakang tanong niya sa akin. Like duh?! I should be the one asking that question. “Ako dapat ang nagtatanong niyan sa `yo, Mister. Sino ka at bakit dito ka nakikitulog sa apartment ko?” Umupo ang lalaki at nakakunot-noong tumitig sa mukha ko na para bang ina-analyze kung nasaan ang punch line sa sinabi ko. But heck, I’m not joking kaya. “Apartment mo? What are you saying? The last time I check, sa akin pa rin nakapangalan ang apartment na `to.” Ako naman ang napakunot ng noo dahil sa sinabi niya. “Ikaw si Asher?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. “Yes, ako nga. Ikaw, sino ka? At paano ka nakapasok ditto sa apartment ko?” Napatango-tango ako dahil sa sagot niya. Ito pala si Asher, baby. Hindi ko naman inaasahang batang-bata at gwapo pala ang magiging landlord ko. “I’m Raven. Ako `yong friend ni Jackie Louise.” Tumayo ang lalaki at saka dinampot ang t-shirt na nakapaong sa mesa at saka isinuot. “Oh, ikaw pala yun,” this time ay relaxed na ang boses ng lalaki. “I’m sorry if I did sleep in your couch. Ang pagkakaalam ko kasi ay sa Sabado pa ang dating mo. Dito ako natulog kasi nasa apartment ko `yong pinsan ko kasama `yong boyfriend niya.” “It’s okay. Hindi ko rin naman kasi nasabi kay Jackie na mapapaaga ang dating ko.” That was a fact. Dapat talaga ay sa Saturday pa ang dating ko sa Javier. “Wait, would you like to have some coffee?” Ngumiti si Asher sa `kin dahilan para makaramdam ako na tila may mga paru-parong nagliliparan sa tiyan ko. Gutom lang `yan, kontra ng isang bahagi ng isip ko. “Kung okay lang sa `yo, tatanggapin ko ang kapeng inaalok mo.” Nagpatiuna ako papunta sa kusina habang si Asher naman ay naramdaman kong nakasunod sa likod ko. Bigla ay nakaramdam ako ng consciousness. Ngayon ako nagsisisi na ni hindi ko man lang ginawang mag-polbo bago ako lumabas ng kwarto kanina. Malay ko bang uber-gwapo pala ang intruder ko. Inabot ko sa kanya ang isang tasa ng umuusok na kape bago naupo sa isang high stool chair na nakatapat sa lalaki. “Can I ask you something?” mayamaya ay tanong ni Asher habang matamang nakatitig sa mukha ko. Nagkibit-balikat ako. “Sure,” sagot ko sa kanya. Ibinaba muna niya sa mesa ang hawak na baso bago nilagay sa tiyan ang isang kamay at ang isa naman ay bahagyang humahaplos sa ilalim ng baba niya. “Are you really gay?” Eh, bakit parang nagpapa-cute ka? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD