RAVEN Pagkalapag na pagkalapag ng waiter sa isang bucket ng beer ay agad na kumuha ako ng isang at saka nagsalin sa isang baso. Mabilis ko iyong ininom at nagsalin ulit. “Uhaw lang sa alak, sissums?” puna sa `kin ni kuya Raze na nakataas ang isang kilay. “Niyayaya mo ako dito tapos sasawayin mo `ko?” “Bruha ka, hindi kita sinaway. Tinanong lang kita,” anito. “May problema ka ba? Mukhang kanina ka pa wala sa sarili mo,” pag-uusisa nito. Pero hindi ko na nagawang sumagot dahil mayamaya ay natapos na rin ang maharot na tugtog at lumiwanag ang may kaliitang stage. Bumaba ang macho dancer at may umakyat naman na baklang kuntodo-ayos. May itong mikropono sa isang kamay. “Ladies and gentlemen, magandang-magandang gabi po sa inyong lahat na naririto ngayon sa Mankind. Labis po kaming nagagal

