Chapter 52

2048 Words

MAXX'S POV Napasarap ako ng tulog dahil sobrang napagod din ako sa ginawa namin ni Fel kagabi. Paggising ko ay yayakapin ko sana siya pero pagkapa ko sa pwesto ng higaan niya ay wala na siya kaya naisip kong bumangon na rin kahit inaantok pa talaga ako. Pinuntahan ko si Baby Axel sa kwarto niya pero wala si Felicity at si Manang Celia lang ang nakita kong nag-aasikaso kay Axel. "Oh, Maxx? Gising ka na pala,” ani manang. "Si Fel po?" tanong ko pagkatapos ay umupo na ako sa tabi ni Axel na dumedede pa. "Nagpaalam kanina, umalis saglit pero hindi naman sinabi kung saan pupunta." "Mga anong oras po umalis?" tanong ko ulit habang inaayos ko ang buhok ni Axel na medyo long hair na. Nakakain na kasi niya ang ilang hibla niyon. "Mag aalas-siete yata yun. Pero ang sabi naman niya ay babali

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD