FELICITY'S POV "Hija, bakit mo naman naisipan na ibenta ang lahat ng ari-arian nyo rito sa Maynila?" ani Uncle Roger. Napabuntong hininga naman ako sa naging tanong niya saka ko inilibot ang paningin ko sa buong bahay. Maraming magagandang memories dito pero mas lamang ang masasakit na pangyayari. Napangiti ako ng maalala ko nung panahon na buo at masaya pa ang pamilya ko. Palagi akong kinakarga ni Daddy at tinuturuan na mag-chess kapag wala siyang ginagawa. Actually, mas marami akong masayang ala-ala kay daddy kesa kay mommy. Pero lately, na-realize ko na ang hirap din palang mawalan ng isang ina. Parang ang laki nang isang parte ng katawan mo ang nawala sa'yo. Yung feeling na habambuhay mo na silang hindi makikita at makakasama. Kahit na anong effort pa ang gawin mo para sa kanila ay

