FELICITY'S POV "Tell me, Falicity? Bakit kailangan mong bumili ng contraceptive pills na hindi ikinukonsulta sa akin?" galit na tanong niya. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang balikat ko saka ako inalog-alog na para bang ginigising niya ako. Mukha ba akong natutulog sa paningin niya? Tsaka tama lang naman ang desisyon ko, bakit siya nagagalit? "K-kasi, Maxx... Nag-aaral pa ako. Tsaka hindi pa ako handang m-mabuntis..." saad ko na para bang may bumikig sa lalamunan ko. Nagulat ako ng medyo itulak niya ako. Muntik na akong matumba sa sahig, mabuti na lang at mabilis akong nakabawi kundi lagapak sana ang pwetan ko. Sinabunutan niya ang kanyang buhok na tila ba dismayadong-dismayado sa sinabi ko. "I-I'm sorry, Maxx. Sana ay maintindihan mo ako--" "Nakainom ka na ba nito?" napahinto

