*kringgg
Tunog ng bell ng eskwelahan. Hudyat na tapos na ang klase. Last subject na namin ito kaya naman uuwi na kami ni sarah. Hindi ko pa alam kung makakasabay siya saakin dahil alam kong nasa hospital parin ang kanyang ina.
“sarah...sasabay ka ba saakin pauwi?” tanong ko dito. Kaya naman lumingon kaagad siya saakin. Inililigpit kasi nito ang mga gamit niya sa last subject namin na abnormal psychology.
“hindi eh. Babantayan ko kasi si mama sa hospital wala kasi si kuya joseph nasa trabaho. Mamayang alas otso pa daw ng gabi ang uwi”
Si kuya joseph ay nakatatandang kapatid ni sarah nagtratrabaho na ito ngayon bilang pulis.
“Ganun ba? S-sige ako nalang ulit mag-isa ang uuwi” bahagya pa akong nautal.
Hindi pa din kasi mawala sa isip ko yung tumawag sa akin kahapon.
Natatakot ako. Hindi ko naman alam kung nakamasid lamang siya saakin. O sila saakin. Ang tanging sinabi lang naman niya kahapon ay Get ready. Hindi ko naman alam ang ibig niyang sabihin dun.
“Sige alice una na ako ha? Mag-iingat ka pauwi. Lllgusto mo ba samahan kita umuwi? Pwede ko naman sabihin yun kay mama, maiintindihan naman niya iyon.”
“hindi na sarah okay lang sige na puntahan mo na mama mo sa hospital baka inaantay ka na nun”
Ayoko nang abalahon pa si sarah lalo na't alam kong nasa hospital ang kaniyang ina. Kailangan siya ng kaniyang ina.
“O sige mauuna na ako ha. Umuwi ka narin” huling sambit ni sarah at tuluyan ng umalis.
Ako naman ay iniligpit na ang mga gamit ko.
Nakauwi na pala karamihan sa mga kaklase ko tatlo na lamang kaming nandito sa loob ng classroom ang dalawa ay mukhang pauwi na rin.
lumabas na ako ng classroom at bumaba na ng hagdan. Nasa ika apat na palapag kasi ang classroom ko. Minsan ay pahirapan ring mag akyat panaog dito nasa ibaba pa naman ang banyo.
Nasa gate na ako at wala ng masyadong tao. May iilang estudyante pa na nag-uusap pero mukhang pauwi na rin.
Lumabas na ako ng gate at naglakad papuntang bus stop.
Habang naglalakad papuntang bus stop ay pakiramdam ko ay may sumusunod saakin. Ngunit hindi ko na lamang yun pinansin marahil dahil lamang iyon sa pagod kaya kung ano ano na ang nararamdaman ko.
Ngunit kahit anong gawin kong pagbabalewala dito ay pakiramdam ko talaga ay may sumusunod saakin. Kaya naman lumingon na ako.
Wala namang ibang tao kundi ako lamang. Marahil nga ay pagod lamang ako kaya nangyayari ito.
Naupo ako sa upuan sa may bus stop at nag-intay ng bus ngunit nakakapagtaka dahil halos mag-iisang oras na akong naka upo dito ay ni isang sasakyan ay walang dumadaan wala ring bus na dumadating.
“antagal naman ng bus ngayon? Day off ba lahat ng bus drivers ngayon at walang bus na dumadating?” bulong ko sa aking sarili.
Ilang minuto pa akong nag hintay ng bus. At nagbabakasakaling may dumating ni isa pero wala. Madilim na rin ang kalangitan kaya napatingin ako sa aking wrist watch.
Alas sais na ng gabi. Kaya naman tumayo ako at napagdesisyunan ko na lamang na maglakad.
Habang naglalakad ay sinisipa ko ang mga basura na nadaraanan ko. Wala naman kasi akong magawa eh.
Pero habang naglalakad ako ay napatigil ako pakiramdam ko kasi ay may sumusunod padin saakin.
pero bad timing kasi yung huli kong sinipa ay lata pala ng sardinas na nakabukas ang takip tumama ito sa aking pisngi. Mga ilang segundo palang ay nakaramdam na ako ng hapdi sa aking pisngi.
Dahil doon ay hinawakan ko ang aking pisngi at ng mahawakan ko ay naramdaman kong basa ito kaya naman tinignan ko ang kamay ko pagkatapos ay may nakita akong.... dugo.
Wrong timing naman toh. iba na nga feeling ko dadagdagan pa.
Gagamutin ko na lang ito pagka-uwi ko sa bahay.
*bogsh!
Napalingon ako sa aking likuran ng makarinig ng isang bagay na parang bumagsak. Pero laking pagtataka ko ng parang wala naman akong nakitang bumagsak sa aking likuran ko, pero natukaw ang aking paningin sa isang eskinitang napakadilim sa tingin ko yung pagbagsak na narinig ko ay nanggaling sa eskinita na ito malapit lamang sa tinatayuan ko.
kaya naman naglakad ako papalapit dito...
bakit ganun yung pakiramdam ko?
Pakiramdam ko ay pag lumapit ako sa eskinitang iyan ay may mangyayaring masama.
*kringgg!
hindi ko na naituloy ang dapat kong gawin ng biglang tumunog ang cellphone ko kaya naman huminto ako sa paglapit sa eskinita.
“bakit naman kaya natawag toh si mama?” takang tanong ko sa aking sarili. Pero sinagot ko na lamang ang tawag.
“oh ma? Bakit ka po napatawag?”
tanong ko dito.
“ikaw talagang bata ka! Saan ka na naman ba nagpupunta ha? Ala sais na ng gabi hindi ka pa nakakauwi!?”
Agad na sigaw ni mama sa kabilang linya.
“opo ito na po uuwi na!” sagot ko dito.
“aba! Ikaw talagang bata ka! Porket hindi ko lang sinabi saan puntod ng tatay mo ganyan ka na? Humanda ka sakin pag-uwi mo! umuwi kana bilisan mo!” bulyaw nito saakin sa kabilang linya, pagkatapos ay narinig ko na lamang na ibinababa na niya ang tawag.
“hayss ano ba naman yan Alice! Ba't mo pa kasi sinagot sagot nanay mo! Alam mo namang madalas highblood yun!” bulyaw ko sa aking sarili habang pinupukpok ng mahina ang aking ulo.
Tumakbo na kaagad ako para makauwi na dahil baka lalo akong malagot sa nanay kong high bliod na naman.
______________________________________
Someone's Pov:
nandito ako ngayon sa harap ng school ng babaeng pinapasundan ni boss. At inaantay na umuwi yung babaeng yun.
“hays! Nakakairita na! Bakit ba kasi ang aga kong pumunta dito alas singko pala ang uwian ng babaeng yun!” kanina pa kasi akong alas dos dito. At kanina pa din akong alas dos naka tayo dito nangangalay na ako!.
Mag a alas singko na rin naman kaya hindi na ako mag aabalang gumala. Kahit kanina pa ako bored na bored dito. Baka kasi mamaya ma lingatan ko yung babaeng yun. Tsk!
Few minutes later:
Nakita kong palabas na yung babae kaya naman naghanda na ako at nagtago. Kung tatanungin niyo lang naman kung bakit ako nagtatago dahil hindi niya ako pwedeng makita ano. Malalagot ako kay boss kapag nakita ako nun. At isa pa paniguradong maghihinala yung babaeng yun pag nakita niya ako.
Himala ata at walang kasama yung babae ngayon palabas ng school. I wonder kung nasaan yung babaeng lagi niyang kasama.
Naglakad na mag-isa yung babae kaya sinundan ko siya tsk mukhang nagbabalak pa nga ata tong sumakay.
Buti nalang talaga matalino si boss.
Pinasarado niya kasi yung daan kung saan banda dumadaan yubg mga sasakyan kaya yung mga sasakyan sa kabilang daan dumadaan. Paniguradong walng dadaan dito na sasakyan. Kahit pa nga ata biseklata wala.
Nakarating na yung babae sa waiting shed at umupo ito. At mukhang nag-aantay ng masasakyan.
Tsk! Mukhang tatayo na naman ako dito ng matagal.
One hour later:
Tumayo na yung babae at mukhang napagdesisyonang mag-lakad nalang.
“tsk! Buti naman at may balak pa siyang tumayo sa kinauupuan niya akala ko dun na siya titira eh”.
Naglakad ito kaya sinundan ko.
Badtrip kasi sumakit kung paa ko sa pagtayo kanina tapos maglalakad pa ako. Ano ba naman kasing sense ng pag sunod ko dito sa babaeng to? Wala namang mangyayari kung sundan koto.
Parang bored din yung babae habang naglalakad. Sinisipa ba naman niya yung mga basurang nadadaanan niya.
Ayun kakasipa niya yung huling sinipa niya lata tumama sa ulo niya hahaha. Tanga.
“pft—” pigil tawa ko.
Pagkatapos nun ay naramdaman niya atang may sugat siya sa ulo kaya hinawakan niya. Hay nako hindi talaga siguro nagiisip to. Paano kung madumi yung kamay niya? Edi nagkaroon na ng bacteria yung sugat niya. Tsk!.
Pagkatapos nun ay naglakad na ulit siya, Pumunta naman ako sa isang eskinita habang sinusundan siya. Pero bad timing natapilok pako. Bakit ba kasi sa marami pa akong basura pumwesto?.
“ambaho dito!”
Sambit ng binata habang nakatakip ang mga kamay sa ilong.
Biglang may tumawag dun sa babae kaya pinakinggan ko nalang.
Tsk! Mukhang kaaway niya pa nanay niya. Pagkatapos niyang kausapin yung nanay niya naglajad na siya paalis. Hindi ko na sinundan baka mamaya ano pa mangyari sakin eh.
Matigok pako, no it can't be happen paniguradong maraming babaeng iiyak. Kung iniisip niyo kung sino ako wag niyo na isipin hindi ko sasabihin pangalan ko, kaya nga someone's pov itong part ko eh ayaw kasi nung writer tsk.
To be continued....
“every darkness has a light to give you direction” — CharissePark8