Chapter Six.

2459 Words
Chapter Six: Karma. HEATHER ALEXANDRA'S POINT OF VIEW nagising ako subrang sakit ng ulo ko. Sobrang sakit talaga ng ulo ko hudyat na siguro ito na subra sobra na ang talino ko. Hindi ko kasi halos namalayan na Nakadami na pala ako ng inom kagabi ang saya kasi. Hindi ko na din alam yung iba pang mga pangyayari. Naupo ako sa kama. "ouch aray ang sakit talaga ng ulo ko" daing ko. Tumingin-tingin ako sa paligid and i Realize na HINDI KO ITO KWARTO. Napatayo agad ako nang marealize kong wala ako sa kwarto ko hindi ko na talaga matandaan yung iba pang mga nangyari kagabi kaya hindi ko din alam paano ako napunta dito. "O M G where i am!?" sigaw ko Ang dami biglang pumasok sa isip ko. What if narape ako? Hala baka kinidnap ako tapos dinala ako dito. O kaya ipina salvage ngayun yung mga kaibigan ko tapos ako na yung susunod. Oh noes "Whaaa i hate this!" napasigaw ako dahil sa kung ano-anong naiisip ko. I don't know where I am. Maya-maya nakita kong bumukas ang pintuan ng kwarto kung nasaan ako. Hindi kaya siya yung kumidnap sakin. Iniluwa ng pintuan na yun si Seanley. "Ang aga-aga ang ingay mo" Bungad ni Seanley nung nakita ako. "Nasaan ba kasi ako!?" patanong na sigaw ko. "Nandito ka sa kwarto ko okay?" ibig ba niyang sabihin nandito ako sa bahay nila oh noes. "bakit ako nandito?" tanong ko. "kasi wala ka doon" pamimilosopo niya. "Are you kidnapper?" tanong ko. "Syempre hindi" saad niya. "At kahit maging kidnapper pa ako Hinding-hindi ko kikidnappin ang kagaya mo" saad ni Seanley "Okay fine" naupo na lang ulit ako sa kama wala na akong masabi sa kanya. Hayst ewan ko ba. "Uuwi na ako" tumayo ako at nag lakad papunta sa pintuan akmang bubuksan ko na ito pero pinigilan ako ni Seanley. "Walang uuwi" Saad niya. Ay wow boss ka? "At bakit?" nakapamewang akong nag tanong. "Kung di mo ko pauuwiin makakasuhan kita as k********g" saad ko. "Edi kasuhan mo" yan na naman lumalabas na naman pag kapilosopo ng Seanley na ito. "Talaga" napataas ang kilay ko. "di kita kinikidnap Wag kang Asumera" Ang lakas ng tama ng lalaking ito. Ako pa talaga asumera. "Hindi bagay sayo ang Salitang Kidnap kasi muka ka ng matanda" huh ano daw? "I don't care basta gusto ko ng umuwi" saad ko. "Walang uuwi hanggat di natapos yung lesson kahapon Dahil sa dahilan mo" Saad niya. Seanley pwede ba past is past. "mag istay ka o isusumbong kita sa Dad mo" saad niya. "okay Fine mag istay na ako" muli akong naupo sa kama at napabulong. "Bwisit na buhay ito oh" bulong ko Sa sarili ko. "May sinasabi ka?" tanong ni Seanley. "oo ay wala" saad ko. "So Let's Start" saad niya. "King ina mag hintay ka" bulyaw ko. Tumayo ako ulit at sumilip sa bintana. "Wala pa akong Breakfast i-istressin mo na agad ako ang aga-aga pa" saad ko at humarap sa kanya. "Wala naman kasing nakaka-Stress kung makikinig ka ng mabuti, Siguro pag sinabi ko sa Ate mo yung mga ginawa mo yun ang nakaka-Stress" Saad ni Seanley Ang tutor kong Demonyo. "dami mong sinabi Mag start na tayo para makauwi na ako" saad ko. "Nasan mga gamit mo?" Tanong niya. "Nasa bahay" mabilis kong sagot. "Wala ka man lang dala jan maski isang pirasong papel at balpen?" tanong niya. May dala kasi akong bag kaso lang walang pang school puro Gamit ko pang gala. "wala make-up gusto mo?" saad ko. "Sige yang eyeliner mo ang ipang sulat mo ah" bwiset nakaasar talaga itong Seanley na ito. Minsan lang ako maasar ng ganito. "ayaw ko nga, mas mahal ko pa yan kaysa sayo" saad ko. Lumabas na siya ng kwarto niya at ako na lang mag isa ang natira. Nag libot-libot ako sa kwarto niya at natuklasan ko na honor student pala talaga siya. Pero pamilya niya ang may ari ng school so maybe dinaya Niya lang yan. Meron din naman ako dapat niyan kung yung dad ko namamahala ng school. "Bakit parang titig na titig ka jan sa mg achievements ko?" nagulat ako dahil bigla-bigla siyang nag salita. Kung may sakit lang ako sa puso inatake na ako. Humarap ako kay Seanley para sagutin ang tanong niya. "Wala" saad ko. Anong klasing Sagot yan Heather? "Potassium" saad ni Seanley. Potassium? Ano yun? "Huh?" Tanong ko. "Never mind, Sumunod ka na lang sakin" Nauna siyang lumabas sa kwarto niya kasi diba siya yung susundan ko alangan namang ako yung mauna kasi siya yung susundan ko. Ano nga ba yung Potassium na yan? Alam ko sa English namin dati yan ay hindi filipino ata or Hekasi ewan basta dapat hindi yan ang iniisip ko. Naupo kami sa Upuan nila na nandito sa Tabi ng Garage nila. Tinuruan ako ni Seanley sa mga bagay na hirap na hirap akong intindihin. Basta ang dami niyang tinuro pero wala akong natutunan maski isa kaya puro tango na lang ako para hindi masyadong halata Hanggang sa matapos kami. "So ano yung natutunan mo?" Nakangiting tanong niya. Hindi ko pweseng sabihing wala akong natutunan. "ahm Ano Ahh..." Nag iisip ako kung ano ba yung natutunan ko kahit alam ko at ng mga brain cells ko na wala talaga. "Ahh yung Multiplication ang dali lang pala like five times five equals twenty five" saad ko. "Grade two palang ako alam ko na yan, so wala ka na namang natutunan?" saad niya. Napakamot tuloy ako sa ulo kasi as in wala talaga akong natutunan kahit 0.1 wala talaga. Ano ba sasabihin ko? "Iniisiip ko pa din kasi kung ano yung Potassium?" palusot ko. "Potassium is a science element K yung symbol nyan." saad ni Seanley. Ang dami talagang alam ng lalaking ito pwede ng itumba. "Ah paano nangyari yun?" Tanong ko. Potassium means K pero sa words na potassium walang K at sa K naman walang Potassium. Sa tingin ko pwede na ako maging scientists. "Basta yun na yun pwede ka ng umuwi" Saad ni Seanley. Kanina ko pa talaga hinihintay na sabihin niya yan. Ang saya ko. "Yung mga gamit ko?" Naiwan ko pa din kasi sa kwarto niya yung mga gamit ko. "Makukuha mo lang yan once na may matutunan ka sa mga ituturo ko" Saad niya. "What?" Halos manlaki ang mga mata ko. "i said makukuha mo lang mga gamit mo once na May matutunan ka sakin Alex" Saad niya. "Don't call me Alex" Saad ko. Narinig ko na naman na may tumatawag saking Alex Sira na tuloy buong isang linggo ko. "Why?" Binigyan niya ako ng ngiting nakakaasar. "San mo ba kasi nakuha yan?" Tanong ko. "sa friend mo, Wala kana bang tanong makakaalis kana" hindi pa din nawawala yung mga ngiti niya. "makakaalis kana ALEX" Pinag diinan pa talaga niya ang Words na Alex paepal talaga. "Akin na muna gamit ko" saad ko. Hindi ako aalis hanggat wala yung nga gamit ko mas importante pa yun kaysa sa Seanley na yan. "Hindi mo ba naintindihan or sadyang hindi mo lang talaga iniintindi mga sinasabi ko?" Ngayun nakikita kong Seryoso siya. "Both" pilosopong tanong ko. "Sige tatawagan ko na Parents mo" Akmang kukuhanin niya na ang cellphone niya pero pinigilan ko. "Okay Fine uuwi na ako at maiiwan yung mga gamit ko" saad ko. "Good job Alex" Bumalik na naman yung nakakabwisit na Ngiti niya. "kukunin ko lang cellphone ko" saad ko. Tatayo na sana ako pero pinigilan niya ako. "walang aakyat kasama din ang cellphone mo makukuha mo lang yan once na may matutunan ka okay?" saad niya. I have no choice kundi umuqwi na hindi dala mga gamit ko. "Ititext ko lang si Julia or yung driver namin para sunduin ako" Saad ko. "Bakit hindi mo kayang mag Commute" tanong niya. Naparoll eye na lamang ako bakit ba kasi yung lalaking hate na hate ko yung magiging tutor ko. Since unang oag kikita namin bwisit na ako sa kanya. Ayaw na ayaw kong makita siya tapos ngayun si Seanley pa talaga magiging teacher ko "wala masyadong Taxi dito" Saad ko. "edi pumara ka ng jeep" saad niya. "ayaw ko" saad ko. "Edi wag ka umuwi" tumayo siya at pumasok sa loob ng bahay nila. Oh diba ang sama ng ugali kinakausap ko pa nag walk out. Pag naman di ako umuwi mag istay ako dito. Pag nag stay ako dito mabibwisit lang ako dahil kasama ko Si Seanley. I have no choice kundi umuwi. Maling desisyon yung nag bar ako kahapon ang ganda na sana ng buong taon ko nasira pa ng isang araw. "Hayst" huminga na lamang ako ng malalim bago lumabas. Nag lakad na lang ako palabas ng Village kung saan nakatira si Seamley. Nag lakad ako palabas ng village kung saan nakatira sila Seanley Hanggang sa Marealize ko na hindi ko pala alam yung daan kaya bumalik ako kila Seanley. Si Seanley na din ang nag bukas ng gate nila para sakin. "oh bakit bumalik?" nag tatakang tanong niya. "Hindi ko alam yung daan palabas" oh diba ang honest ko. Sinenyasan niya ako ng sumunod sa kanya papunta sa kotse niya. Pumasok siya dito at binuksan ang windshield. "Sakay" Saad ni Seanley. Sumakay ako sa likodan pero pinigilan niya ako. "Wag ka jan mag mumuka akong driver mo dito ka" tinuro niya yung Upuan na nasa taBi ng driver seat. Padabog kong sinara yung pintuan nung nakasakay na ako. Binuksan ng kasambahay nila yung Gate. Nag maneho na si Seanley patungo sa Labasan ng Village wala pangndalawang minuto nakarating na agad kami. "Baba na" saad niya. "Hindi mo talaga ako ihahatid sa bahay?" Tanong ko kay Seanley. Ang lapit lang pala ng Labasan ng Village nila nag kotse pa. Ano ito pang-payabang lang? Kami nga may sariling school pinag yabang ko ba? Syempre pinag yabang ko. "Hindi" sagot niya. "Bumaba kana" dagdag pa ni Seanley. "Edi ba-baba" Padabog kong binuksan yung pintuan ng kotse niya pag babako padabog ko na ding sinara. Nakabukas ang windshield ng sasakyan niya kaya dinig ko na nag sasalita siya. "Buti na lang Hindi cheap kotse ko gaya ng kotse mo kaya kahit ibagsak mo yang pintuan hindi masisira" saad ni Seanley. Minaliit pa talaga kotse ko "Ang yabang" bulong ko. Maya-maya pa umalis na din si Seanley sinakay at hinatid niya talaga ako sa Labas ng viage nila para pumara ng jeepney. "paano ba pumara ng jeep?" tanong ko sa sarili ko. Hindi ba uso taxi dito? Ayaw ko kasing makipag siksikan sa jeep baka masira beauty ko. May nakita akong isang manang medyo bata pa ang itsura niya pero yung outfit pang manang at sa tingin ko papara siya ng jeep. Kaya sinundan ko na lang si Manang ginaya ko ang ginagawa niya. Hindi talaga ako marunong pumara o sumakay ng jeep. first time itong mangyayari sa buhay ko dahil sa lintek ng Seanley na iyon di man lang nag paka gentle man sakin. Sumakay ako ng jeep kung saan din siya sumakay. "Bayad nga po" inabot ni Manang ang bayad niya sa Jeepney driver. "Saan po itong bente?" Tanong ng Jeepney driver. "Sa may Santolan po" saad ni Manang. Sinuklaan naman siya ng driver. "Bayad" ako naman ang nag bayad pinasa ko sa tabi ko yung isang libo. "sa may santolan" saad ko nang makaabot na sa driver yung bayad ko. "ay miss pasensya na po wala akong barya sa isang libo" Saad ni kuyang driver. Ayaw ko na din naman na kunin yung sukli ko kadiri kaya pag papasa-pasahan ng mga pasahero bago mapunta sakin mamaya madaming germs pa yung makuha ko. "Keep the change" saad ko. "Ay maraming salamat po miss" saad ni Manong Driver. One Thousand pesos lang naman iyon hindi kawalan. Maya-maya pa bumaba na si Manang kaya bumaba na din ako. feeling ko pinag titinginan ako ng mga tao habang bumababa. Pag kababa ko agad naman umalis yung jeep na sinakyan ko. "Miss sinusundan mo ba ako?" tanong ni Manang. Manang lang ang tawag ko pero hindi siya matanda halos kasing edad ko lang siya. "bakit naman kita susundan?" pag tataray ko. "Ang sungit mo naman" saad ni Manang. Nasungitan na siya agad dun? "saan kaba nakatira?" tanong ni Manang. "Pollaris Village" saad ko. "Huh? Eh bakit ka napunta dito sa santolan?" ang daming tanong ni Manang. "Uuwi na ako ano pa ba sa tingin mo?" saad ko. "Sinusundan mo talaga ako ano?" Ang asumera namang ng babae na ito. "Assuming, bakit ko naman susundan ang isang cheap na kagaya mo?" nag roll eyes ako sa kanya. "Sa pag kakaalam ko kasi nakasabay kita sa Santa Catarina Village" saad niya Santa Catarina Village jan nakatira si Seanley. Alam ko na address nila kaya nag babalak na akong ipabomba ito charot lang ang sama ko naman pag ganun. "and then sabay tayong sumakay ng jeep papunta dito sa santolan" dagdag pa ni Manang. "Kung pauwi ka sa Pollaris hindi dapat dito ang daan mo" saad ni Manang. Oh noes buking ako wala na akong lusot. "tara sumunod ka sakin ipapara kita sa sakayan papunta ng pollaris" Saad ni Manang. "baka naman kidnappin mo ko Kidnap for Ransom" saad ko. "hindi ako ganun tutulungan lang kita" saad ni Manang. "Ako nga pala si Paula, Paula Lei Chavez" saad ni Manang. Ah Paula pala ang name niya. "ikaw?" tanong ni manang.. "just call me Heather" akmang makikipag shake hands siya pero pinigilan ko. "Bakit ka makikipag shakehands sakin?" tanong ko "Wala para maging kaibigan na kita" Saad ni Manang este Paula "I don't need friends" saad ko. "Oh sige sundan mo na lang ako" saad niya. Tumawid kami papunta sa sakayan ng jeep papunta sa pollaris. Hindi ako sanay tumawid at lalung lalu na sumakay ng jeep ginawa ko ito nung 7 years old pa ako. Bwiset kasi yung Seanley na yun. "Sige sumakay kana" saad ni Paula. Alam kong mabait siya pero mas mabait ako. "Oh sa'yo na itong isng daan ko bayad sa pag tulong mo sakin" saad ko. Napailing na lamang siya. "Hindi na" saad ni Paula. "Tinulungan kita kasi gusto ko at hindi para jaan kaya itabi mo na lang iyan" tiniklop niya ang kamay ko kung saan nakalagay yung pera ko. "sige na sumakay kana" nginitian niya lang ako. Inabot ko yung bayad ko sa jeepney driver at hindi ko na kinuha pa yung sukli. END OF THE CHAPTER. Karma is a B*tch Ang Santala Catarina po ay hindi ko alam kung nag i-exist ba o hindi ganun din ang Pollaris Village dahil ang mga lugar na iyan ay pumasok sa isip ko or naisip ko lamang. In short maaring sa isip ko lamang nag i-exist ang mga lugar na iyan. Pollaris Villaga and Santala Catarina are just made of fiction that comes from my imagination.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD