Chapter Seventeen: Saviour.
Heather Alexandra's Point Of View.
Uwian na at papunta na ako sa Party ng kapatid ni Serena.
Mag isa akong nag lalakad sa Hallway ng school namin may sumanggi sa balikat ko na kinainis ng Organs ko.
"Gosh, hindi kaba tumitingin sa dinadaanan mo?" sigaw ko sa naka bangga sakin.
"Ay Sorry may nabangga pala ako hindi ko napansin." masungit na saad ni Gianna.
Si Gianna lang naman ang kapatid ni Giselle ang immortal enemy ko.
Binuhos ko sa damit niya ang dala-dala ko na Chocolate drink.
"Ay di ko napansin na may nabuhusan ako." saad ko habang naka cross arms.
"How dare you?" saad naman ni Gianna at akmang Sasampalin pero inunahan ko na siya ng sampal.
"Better lock next time." saad ko at nag roll eyes.
Pumunta ako sa Gymnasium ng school para mag exercise muna.
Pero mas kinainis ng mga organs ko ang nakita ko.
Nandito kasi si Ate Hazel at ang impaktang Ate ni Gianna walang iba kundi si Giselle.
Hinayaan ko na lamang sila dahil hindi naman sila ang pinunta ko dito.
Nag umpisa na ako na mag exercise.
"Try this one, Para naman maging Sexy ka kagaya ko." saad ni Giselle, habang binibigay sakin ang Dumbell
"Try to eat this one, kasi kagaya mo parehas kayong basura." saad ko habang binibigay sa kanya ang basura ng Starbucks na itinapon ko kanina sa kapatid niya na si Gianna.
"At tsaka para pantay kayo ni Gianna itinapon ko sa kanya ang laman at ikaw naman kainin mo ang basura na ito tutal kalahi mo." saad ko habang nakangiti.
Hinagis ko sa kanya ang Balat ng Starbucks at kinuha ko na ang bag ko para umalis.
Wala silang nagawa sa ginawa ko kay Giselle.
Heather for the win.
Nag lakad ako somewhere charot sa parking lot lang talaga uuwi na ako at ako na mag da-drive mag isa kasi wala si Manong Berto.
Nakasalubong ko si Serena na walang kasama.
"Heather kanina kapa namin hinahanap." saad ni Serena na tila ba ay kinakabahan at hinihingal.
"Bakit niyo naman ako hinahanap?" tanong ko kay Serena.
"At tsaka umuwi na ba sila Maecy?" tanong ko pa ulit kasi normally tatlo sila laging mag kakasama.
"Yung grupo nila Drake kasi pinag tulungan na bugbugin si Seanley ngayun nag ra-rumble sila tinutulungan naman ni Maecy at Daisy si Seanley." kinakabahan na sagot ni Serena.
"As if naman may pake ako kung mabugbog si Seanley diba?" pag mamataray ko pa.
Sumakay na ako sa kotse ko at si Serena ay hindi pa.
"Ano ba Serena dyan kana lang ba habang buhay?" sigaw ko kay Serena.
kaya agad naman syang pumasok sa kotse ko.
Parehas kaming nasa harapan na nakaupo.
"Saan bang lugar nag rumble yung mga yun?" tanong ko kay Serena.
"Akala ko ba wala kang pake kay Seanley?" napatingin ako ng diretso kay Serena Dahil sa tanong niya.
"Concern lang ako kay Maecy at kay Daisy kaya pupuntahan ko sila." saad ko.
"Kay Maecy at Daisy lang ba Talaga?" pang aasar ni Serena at bahagyang ngumiti.
"Sasabihin mo ba o hahayaan na lang natin sila?" saad ko.
"Oh sige na nga mag drive kana ituturo ko na lang ang daan." saad ni Serena.
Nag maneho na ako para i-save si Seanley ay este si Maecy at Daisy na tinulungan si Seanley.
"Yan malapit na tayo lumiko kana sa kanan." saad ni Serena.
Pero hindi ko sinunod ang sinabi niya na iliko sa kanan bagkus ay hininto ko ang kotse at bumaba ako.
Dahil nakapukaw ng pansin ko ang dalawang magagandang kotse na nakaparada.
"Bakit ka naman bumaba Heather?" tanong ni Serena.
"Eh bumaba ka din naman, tsaka naisip ko pag dun ko mismo ipinarada ang kotse ko baka madamay pa, mahal ko pa kotse ko noh." saad ko.
Lumapit ako sa dalawang nakaparadang kotse para gasgasan ito at sirain ang gulong.
"Bakit mo ginawa yan Heather di natin alam kung sino ang may ari nyan." saad ni Serena.
"Ako alam ko kung sino." saad ko at tumakbo na patungo kina Seanley.
Nakita ko na nakahandusay sa lupa silang tatlo at wala ng malay si Seanley.
Napapaligiran sila ng limang na lalaki na kaibigan ni Drake Ghaden Galvez siya lang naman ang Leader ng Gangstar Five.
"Nandito pala si Heather." saad ni Drake.
Akmang lalapit sana Siya pero tinutukan ko agad siya ng b***l.
"Subukan mong lumapit ipuputok ko ito sayo." matapang na saad ko.
unti-unti akong umaakbang papalapit sa kanila.
"Layas na!" sigaw ko at agad namang sumunod ang limang uto-uto.
Inalis namin ang tali ni Maecy at Daisy ganun din kay Seanley na hanggang ngayun ay wala pa ring malay.
"San mo nakuha yang b***l mo?" tanong ni Daisy.
"Hindi ito totoong b***l, laruan lang ito na nakita ko tsaka hayaan mo na effective naman kaya tumawag na kayo ng pulis" saad ko at agad naman silang sumunod.
alam kong hindi makakatakas ang grupo nila Drake dahil sinira ko ang kotse nila.
Maya-maya pa ay nag kamalay na din si Seanley pero nanghihina.
"Heather dalahin mo na lang muna si Seanley sa bahay nila." saad ni Daisy.
"Ayaw ko nga." pag tatanggi ko.
"Dalahin mo na lang ako samin, Konsensya mo pa pag namatay ako dito." saad ni Seanley.
Kokonsensyahin pa ako ng hinayupak na ito eh.
"Ay kasalanan ko ba na nabugbog ka tsaka isa pa malaki kana malayo yan sa bituka." saad ko.
"Ah ahh ang saket..." sigaw ni Seanley habang nakahawak sa puso niya.
'Uy ayos ka lang?" Concern na tanong ko sa kanya.
"Concern ka naman pala sakin, ihatid mo na lang ako sa bahay." saad ni Seanley habang nakangiti.
Hinampas ko dibdib nito dahil sa inis.
"Tumayo kana d'yan, Sumakay ka na lang sa kotse ko." saad ko at nag lakad papalayo.
"Tulungan mo muna ako Tumayo." sigaw ni Seanley pero hindi ko pinansin.
"Heather..." sigaw niya sa pangalan ko.
Hindi ko siya pinapansin lalu na ang mga sinasabi niya.
Sumakay na ako sa kotse at maya-maya pa ay dumating na rin si Seanley.
Nang makababa na si Seanley ay muli kong binuhay ang makina ng aking sasakyan pero hindi ito gumana.
"May problema ba?" tanong ni Seanley.
"Ayaw mag restart ng sasakyan ko eh." saad ko naman.
"Okay wait a minute, Huwag kang aalis ah." saad ni Seanley at tumango na lamang ako bilang sagot.
Isang minuto na ang lumipas bago makabalik si Seanley at may kasama pa siya na Lalaking hindi ko kilala.
"Heather si Manong Sed baka makatulong siya na mapagana ang makina ng sasakyan mo." saad ni Seanley.
"Hija bumaba ka muna ako na bahala sa sasakyan mo." saad ni Manong Sed kaya naman bumaba ako.
Inumpisahan niya ng suriin ang makina ng sasakyan ko.
"Mukhang may nabali na Wire sa makina." saad ni Manong Sed.
"Yun lang po ba? I can fix that just by myself." saad ko.
"Heather hindi sa lahat ng pagkakataon kaya mo, kaya pumasok na tayo sa loob ng bahay si Manong Sed na ang bahala sa sasakyan mo." saad ni Seanley.
Hindi ko alam pero nung oras na nakita ko si Seanley na nakahandusay ay parang nasaktan din ako na tila ba nararamdaman ko ang nararamdaman niya.
Nakalipas na ang ilang oras pero hindi pa din naayos ng mabuti ang sasakyan ko kaya naman napag pasyahan kong dito muna matulog.
Syempre sa guest Room ako natulog baka isipin n'yo katabi ko si Seanley.
"Serena, Hindi muna ako makakapunta sa Party ng kapatid mo nasiraan kasi ako ng sasakyan." text ko kay Serena.
END OF THE CHAPTER...