CHAPTER FOUR: FIRST DAY OF TUTOR.
Heather Alexandra's Point Of View
So today is Saturday...
Matutuwa sana ako kasi walang pasok kaso lang there is Seanley na tutor kong napaka panget.
Grabe makalait...
it is fine totoo naman pero cute siya slightly.
Erase... Erase...
Ano ba naman yang iniisip mo Heather?
Tok tok...
Paulit-ulit na katok yung naririnig ko.
Bumangon ako mula sa pag kakahiga at binuksan ang pintuan.
Bumungad agad sakin si Julia "Ma'm Alex..." tinakpan ko yung bunganga niya.
"Don't call me Alex" saad ko.
"Ahh Ma'm Heather nanjan na po yung tutor niyo sa Baba" saad ni Julia.
"Okay sige pupunta na ako sa baba paki sunod yung mga gamit ko nandun lang sa Desk ko sa loob ng kwarto" i asked.
Bumaba ako sa baba alangan namang bumaba ako sa taas.
Naabutan kong nakaupo sa sofa si Seanley habang inaantay ako.
Ps: hindi libre itong pagiging tutor niya sakin kasi dad ko ngayun ang nag pa-paaral sa kanya.
Ang kapalit ng pag papaaral na yun yung tuturuan niya ako yun din yung dahilan kaya classmate ko Siya.
"nasan na gamit mo?" bungad ni Seanley sakin.
"Pinakuha ko na kay Julia pababa na din yun" saad ko.
Di na siya umimik pa "Ahh yaya shay paki ayos naman yung patio natin"
Doon ko gustong mag aral.
Bukod sa maganda ang view maaliwalas pa ang paligid.
Maya-maya pa ay lumapit na sa akin si Julia.
"Ma'm Heather ito na po pala yung gamit niyo" saad ni Julia.
Kinuha ko yung gamit ko "Seanley dun na lang tayo sa Patio sumunod ka na lang sakin." saad ko.
"Di ka man lang ba mag papasalamat kay Julia?" tanong ni Seanley.
"For what?" tanong ko.
Bakit ko siya papasalamatan?
Parent's ko naman nag papaaral sa kanya binibigyan pa siya ng sweldo.
"Dahil inabot niya sa'yo yang gamit mo" saad ni Seanley.
"aishh" huminga ako ng malalim.
"no way" saad ko.
Napatintin naman si Seanley kay julia na para bang hunihintay kung ano ang sasabihin niya.
"ahh Sir okay lang po sanay na po ako" saad ni Julia.
"narinig mo naman siguro Seanley?" sa pag kakataong ito napatingin naman si Seanley sakin.
"What are you waiting for? Halika na sa patio" inirapan ko siya.
Nag lakad na ako papunta sa patio ng bahay namin nakasunod naman sakin si Seanley.
Naupo ako sa upuan katapat nun yung lamesa kung saan nakapatong ang notebook at papel ko.
"Okay let's start" Seanley Asked.
Nilabas niya na ang laptop niya na iphone ang tatak at ang notebook papel at balpen niya.
"Isulat mo name mo sa papel na ito" saad ni Seanley.
Binigay niya sakin yung intermediate pad.
"ano ako Kinder?" tanong ko sa kanya.
"no you are not, pero yung attitude mo oo pang kinder" luhh basag ako dun ah.
Feeling ko umuusok ilong ko "Paano mo naman nasabi?" tanong ko.
"should i say mag pasalamat na lang di ka pa marunong pero kinder kasi marunong nun eh." napahinto siya saglit.
"ultimo kinder alam yun at marunong gumamit nun eh" dagdag pa niya.
Iniinis talaga ako ng lalaking ito eh.
"Pero nevermind na lang, kasi di naman ako nandito para makipag away, nandito ako para turuan ka." kundi ko lang ito tutor nasapak ko na ito.
"write your full name here" padabog kong kinuha yung intermediate pad niya kasama ang "parker duofold classic black gold trim ball pen"
Pen:
Kinuha ko na lang at sinulat ang pangalan ko sa Papel.
Heather Alexandra Collins Reyes.
Collins: is my mom surname.
Binasa ni Seanley yung pangalan ko "Heather Alexandra Collins Reyes" saad niya.
Napatingin siya sa akin "Can i call you Alex?" tanong niya.
"No, don't call me Alex" saad ko.
"Why?" tanong niya.
"Kasi ayaw ko, so let's start a lesson na" di ko talagang maiwasan na di mag sungit pag si Seanley ang kausap ko.
"Patingin ako ng notebook mo para alam ko kung saan tayo mag uumpisa ng lesson" saad ni Seanley.
Kinuha ko yung notebook ko at binigay sa kanya binuklat niya ito at nag tataka siya habang binubuklat isa-isa ang bawat pahina.
"Why?" tanong ko?
"nothing iba-iba handfonts mo? Pati dito" binaba ba niya yung notebook ko at kinuha yung intermediate pad kung saan naka sulat ang pangalan ko.
"Totally di ako nag sulat lahat ng yan nag papasulat lang ako." hayst Heather Napaka honest mo talaga.
"Ahh sabi ko na nga ba, mga kinder nga naman." saad ni Seanley.
Wait what? Ano nga ulit yun? KINDER???
"ano ulit yun!?" halos napasigaw ako.
"Nothing let's start" kumalma na agad ako kasi mabait ako.
Nag umpisa na kami ng Lesson kahit di ako interesado tinuturuan niya pa din ako kasi nga diba yun yung dahilan kung bakit kasama ko siya ngayun.
Di ko namalayang nakatulala na pala ako "Hey Heather, Are you listening?" napaayos naman ako ng upo.
"Ah eh O-ofcourse I am... Ano I'm listening." shitt Heather bakit kaba nautal?.
"Okay Let's continue"
Nakinig ako sa mga sinasabi niya kahit kunti.
"Ganito kailangan mong kuhanin yung Value ng X okay kaya mag umpisa kanang sagutin yang mga problems" saad ni Seanley.
May value pa pala si x?
Lintek na math ito pati ba naman problema niya sakin pinapasagot.
Dear mathematics...
Kung di mo kayang sagutin yang problema mo mag pakamatay ka na lang wag mo na ako idamay.
Nag mamahal
-HEATHER THE SMART STUDENT.
Problema ko nga hindi ko masolve problema pa kaya nitong Math na ito
hindi nga ako nakikinig habang tinuturuan niya ako tapos ngayun mag papasagot pa siya sakin.
Kailangan kong gumawa ng palusot.
"Seanley kumukulo na tiyan ko nagugutom ako" saad ko with matching arte pa.
Hinawakan ko yung Tiyan ko para mas kapani-paniwala.
Best actress ka tlaga Heather you're so smart I'm so proud of mah pakening self.
"Ahh ganun ba ahh sige mag bawas ka na muna o kumain ka." halatang napaniwala ko si Seanley.
Buti na lang talaga smart ka Heather..
"Sige pakitawag na lang si Julia" agad naman siyang sumunod.
Nakitaan ko ng pag aalala sakin si Seanley kahit naman pala palagi niya akong binibwisit nag aalala pa din siya sakin.
May good side naman pala ako lang yata ang wala.
Imagine ang napakayaman na si Seanley mauutusan lang ng isang matalinong babaeng katulad ko.
Umayos na muna ako tutal wala pa naman si Seanley.
Alam ko kasi na pag di ko nasagutan yung mga math problem na binigay niya isusumbong niya ako kay Daddy and Mommy or worse kung sa ate ko pa.
Maya-maya pa ay natanaw ko si Seanley na kasama si Julia.
Back to acting again hinawakan ko ukit ang tiyan ko gamit ang dalawa kong magagandang kamay.
"Ma'm Alex ano po bang nangyari sa inyo?" bakas sa pananalita ni Julia ang pag aalala sakin.
"First of all..." huminto ako saglit para kunyare masakit talaga tiyan ko.
"Don't call me Alex ang sakit sakit na nga ng tiyan ko Alex pa itatawag mo sakin" saad ko.
"Ahh sorry po" saad niya.
"Masakit na nga tiyan mo mag susungit ka pa" saad ni Seanley.
Pasalamat siya umaacting ako kundi nasapak ko na siya.
"dalhin mo na lang muna ako sa Room ko I need to rest." saad ko.
Nagulat naman si Seanley "Rest?" nag salubong abg dalawa niyang makakapal na kilay.
"Eh pano yung mga ituturo ko pa sayo?" dagdag pa niya.
"mas mahalaga ang health ko jan sa mon day na lang natin ituloy" saad ko.
Humawak ako kay Julia at nag lakad kami papunta ng kwarto ko habang hawak-hawak ko yung tummy ko.
Nang makarating na kami ng kwarto inihiga niya ako.
"Julia sabihin mo kay Seanley na umuwi na lang siya tapos i
akyat mo yung mga gamit ko na naiwan sa Patio" i asked.
Agad namang sumunod si Julia.
Habang inaantay ko si Julia tinext ko si Maecy.
"Maecy, pwede kabang gumala later?" text ko.
Reply from Maecy:
"yeah. Sasabihan ko na sila Serena para makagala na tayo" di ko na siya nireplyan pa.
Binaba ko na lang ang Cellphone ko.
Narinig kong kumakatok si Julia maya-maya pa ay binuksan niya na ang pintuan ng kwarto ko.
"Ma'm Heather ito na po yung mg gamit niyo." saad niya.
"Kailangan niyo pa po ba ng gamot?" tanong niya.
"Nope i don't need that, By the way ano ang sinabi ni Seanley sayo?" direct to the point na agad.
"mag kita na lang daw po kayo sa monday at tsaka sa Monday na lang din daw po niya itutuloy yung mga lessons niyo." paliwanag ni Julia.
"Okay good." saad ko.
"you can now go out" tinignan ko siya hanggang sa makalabas na siya ng pinto.
Narinig kong tumunog yung cellphone ko hudyat na mayroong nag text.
One text messages from Daisy:
"Heather, dadaanan kana namin jan otw." yan yung nakalagay sa text..
"Ohh s**t di pa ako preferred" bulong ko sa sarili ko habang nakaharap sa salamin na nandito sa kwarto ko.
Habang nakatingin ako sa salamin napapatulala ako dahil ang ganda ko muntik na nga ako mainlove eh salamin lang pala.
Story ko ito kaya ako dapat yung maganda.
"Okay, pero hindi pa ako nakahanda hindi pa ako nakabihis" reply ko sa text ni Daisy.
Agad naman siyang nag reply "That was not a problem mag ayus kana".
Yeah tama dapat nga ay mag ayus na ako.
Chinat ko si Julia na pumunta dito sa kwarto ko tumayo ako para umpisahan na ang pag hahanda.
Dumating din naman agad siyang may dala-dalang gamot.
"Para saan yan?" tanong ko sa kanya.
It's already 7:00...
"Para po sa'yo akala ko po kasi pinapapunta niyo ko dito kasi gusto niyo ng gamot." paliwanag niya.
Ayy oo nga pala di nya alam acting lang yun Best actress ka talaga Heather.
"di ko kailangan yan, kuhanan mo ko ng magandang damit at sapatos pati na din yung shoulder bag ko Aalis ako." saad ko.
"Ahh diba po masakit ang tiyan mo?" tanong ni Julia
"It's just an acting ayaw ko lang talagang makinig sa Seanley na yun kaya kuhanin mo na yung gamit na pinapakuha ko."
Nag make-up na ako at boom mas lalu akong gumanda.
"Ma'am Heather ito na po yung pinapakuha niyo." tumingin ako kay Julia.
"Ilagay mo na lang sa kama ko at lumabas kana ng kwarto." saad ko.
To be continue...
End of the chapter.