Chapter Twelve: B*tch Queen.
HEATHER ALEXANDRA'S POINT OF VIEW.
Continuation of chapter 11
Ang respeto binibigay lang talaga yan sa mga taong karapat-dapat respetuhin.
Si Ate Hazel?
No way.
Huminto lang ang pag aaway namin ng b***h kong ate Nang awatin kami ng teacher ko.
"Heather diba pinapapunta kana sa Library?" saad ng epal kong teacher.
"Alam mo kasi Ma'm ayaw ko po doon, tsaka po Ma'm kung gusto mo ikaw na lang pumunta ako mag tuturo jan" saad ko.
Iba na talaga yung Katalinuhan level ko.
Umaabot hanggang sa kadulu-duluhan ng universe.
"Gosh Heather, ikaw mag tuturo? Ano namang ituturo mo sa mga estudyante aber? Tuturuan mo silang mag assume ganun?" tanong ng walang magawa sa buhay na Ate ko s***h enemy.
"Nope, tuturuan ko sila kung paano manapak pag naiinis na" saad ko at biglang sinapak sa mukha ang ate ko dahilan para mapaupo siya.
Bogsh... Tunog yan ng sapak.
Halos maiyak-iyak siya sa ginawa ko kaya naman nilapitan siya ng teacher namin.
"Miss Heather Go to the principal's office now" saad ni Ma'm.
Hindi ko maipaliwanag yung saya na nararamdaman ko ngayun.
Basta feeling ko sasabog na yung puso ko sa sobrang saya.
Dahil masunudin akong estudyante lumayas ako sa harapan nila hindi para pumunta sa Principal's office kundi para manood ng liga.
Nandito ako ngayun sa loob ng court gosh hindi man lang ako na-inform na Varsity dito si Seanley na mortal enemy ko din.
nakita ko na paparating na sa Direksyon ko ang bola pero hindi na ako nakaiwas kaya natamaan ako dahilan upang matumba ko.
pero may sumalo sakin.
Si Prince charming gosh ang pogi niya lord pwede niyo na po akong kuhain now na ay di pala pwede maldita sa langit kaya wag na lang.
Nag katitigan lang kaming dalawa ni Prince Charming as in Eye to eye.
Nag katitigan kami ng halos limang Segundo.
"Bitawan mo nga ako" sigaw ko dito at binitawan nga ako.
Napaupo ako sa sahig at tinignan ng masama si Prince Charmin...
No erase erase erase si Seanley lang pala..
"Bakit mo naman ako binitawan?" bulyaw ko ulit kay Seanley.
"Eh diba ang sabi mo Bitawan kita" ngumiti siya isang ngiting nakakairita.
Inabot niya sakin yung kamay niya pero sinagi ko lang siya at tumayo ako mag isa.
"Ano ba kasing ginagawa mo dito sa court? Eh diba may klase pa tayo, don't tell me mag ka-cutting classes ka isusumbong talaga kita kay Sir Harold." saad niya.
"Ano ka bata? Wag ka ngang Over Acting mag react nandito ako kasi pinapapunta ako sa principal's office" saad ko at nag patuloy na sa pag lalakad pero sunod ng sunod sakin si Seanley nakakairita.
"Nga pala diba natamaan ka ng bola bakit hindi ka nahimatay?" tanong nito kaya naman napahinto ako.
"Hindi ako OA para mahimatay naiintindihan mo?" saad ko.
"Sa bagay mahihimatay ka lang talaga pag nakita mo yung kagwapuhan ko"
umaarte ako na parang nasusuka dahil sa sinabi niya.
"yuck kadiri ka, Para ka lang din yung Ate ko," saad ko.
"PAREHAS KAYONG ASUMING" Madiin na pag bigkas ko.
Nag patuloy ulit ako sa pag lalakad papunta sa Cafeteria para kumain pero may aso este Sinusundan pa din ako ni Seanley.
Nakarating na ako dito sa cafeteria pero walang nag bago kasama ko pa din siya..
"Hanggang kailan mo ba talaga ako balak sundan ah?" tanong ko dito.
"Miss Reyes first of all Di kita sinusundan nag kataon lang na papunta tayong dalawa dito sa canteen" saad ni Seanley.
Gosh napahiya ako dun ah.
"So?"
Umirap na lamang ako at umalis.
Nag tungo ako sa parking lot kung saan nakaparada ang mamahalin kong kotse.
Tumambay lang ako sa gilid nito habang naka sandal sa pintuan ng kotse.
Tinext ko si Maecy para naman may kasama ako.
"Hey Maecy, Punta ka dito sa parking lot" saad ko sa text then Send.
Agad namang nag reply si Maecy.
"Are You kidding me, May klase pa kami Nila Serena paano ako makakapunta jan?" tanong nito.
"Pupuntahan mo ba ako o hindi? Bored na bored na talaga ako dito" text ko ulit
"Fine tatakas na lang ako at mag ka-cutting" text nito at hindi ko na nireplyan.
Maya-maya pa ay dumating na din si Maecy.
Umalis ako sa pag kakasandal mula sa pintuan ng kotse ko at tumayo ng diretso.
"Nakita mo ba yung panget na Ate Hazel ko?" tanong ko dito.
"Hindi ko siya nakita, yan lang ba yung dahilan kaya pinapunta mo ko dito?" tanong ni maecy sakin.
Nakita ko si Giselle kasama ang Impakta kong ate na nag ki-kwentuhan malapit sa kotse ng pakening Ate ko.
Ang pangit nilang dalawa mukha silang mga Echoserang Frog na pinag lihi sa Tae ng kalabaw.
"So ano na? Titigan mo lang ba silang dalawa jan?" tanong sakin ni Maecy.
"Keep silence Okay? May naisip na akong plano para sa kanilang dalawa at soon mangyayari iyon" saad ko.
"At ano naman iyon?" tanong ng chismosa kong friend.
Sinabi ko sa kanya kung ano yung plano ko at soon ilalabas ko.
...
Uwian na at dumiretso na ako sa bahay namin pero hindi pa ako nakakapasok sa loob may asong humarang sakin.
Ay si Hazel pala akala ko aso.
"Anong ginagawa mo dito? Diba pinalayas na kita" bungad ni Ate Hazel sakin.
"Miss mo na ba ako agad?" linapit niya ang mukha niya sa mukha ko.
"baby girl?" dagdag pa nito.
"Una sa lahat ang baho ng hininga mo mag tooth brush kana nga muna" pang ba-bara ko dito at inalisan siya.
Nag tungo ako sa kwarto ko para kuhain yung gamit ko kasi itutor ako ngayun ni Seanley.
Tumunog yung cellphone ko hudyat na mayroong nakaalala este nag text sakin.
Binuksan ko ito para alamin kung sino ang nag text.
One messages from stress.
Si Seanley lang pala, Stress ang nickname niya sa phone ko.
"On the way na ako papunta jan sa bahay niyo be ready" text nito.
Hindi na ako nag reply at kinuha na ang lahat ng mga gamit ko.
Lumabas ako ng kwarto para tanungin kung nasaan si Julia hindi ko kasi siya napapansin ngayun at higit sa lahat wala akong mautusan.
"Where's Julia?" tanong ko kay Yaya Shay.
"Inutusan niya Po siya ni Ma'm Hazel na bumili sa Sm siguro mga alas diyes pa siya makakauwi" sagot ni Yaya Shay.
"Epal talaga yung Babaitang hazel na iyon ang sarap tirisin" bulong ko sa sarili ko.
"Hi Mommy, Hi Dad" narinig kong saad ng ate ko.
Napatingin ako sa direksyon nito at nakita ko na niyayakap niya ang mga magulang namin kasama ni Mommy at Daddy si Seanley.
Nilapitan ko sila at tinignan naman ako ng masama ni Ate Hazel at siyempre tinignan ko din ito ng masama hindi ako mag papatalo.
Niyakap ako ni Mommy ng mahigpit at bumitaw din ito agad.
"Alex hindi ka man lang ba matutuwa dahil umuwi na sila Daddy at Mommy? Ganun kana ba tlaga kawalang pakialam sa kanila?" tanong sakin ni Ate Hazel.
"Don't call me Alex, at tsaka alam ko naman na papagalitan na naman nila ako mamaya so bakit ako matutuwa?" taas kilay na tanong ko.
"Pero Heather mga magulang mo pa din yan normal lang na disiplinahin ka nila." saad ni Seanley.
Nag tungo ako sa Garden at Naupo sa swing na pag mamay ari namin.
Hindi ko namalayan na sumunod pala sa akin si Seanley at umupo ito sa tabi ko.
"Bakit mo ko sinundan?" masungit na tanong ko dito.
Napa kibit balikat lamang ito.
"Gusto ko lang naman sabihin sayo na mag kakarun tayo ng beach party bukas inarkila ni Papa yung buong beach" saad ni Seanley.
"So what? Did i care?" tanong ko dito.
"Okay kuhain mo na yung mga gamit mo at mag uumpisa na tayo, Tutor hour na"
Saad ni Seanley.
Padabog akong tumayo at pumasok sa loob ng bahay para kuhain yung gamit ko pang school.
Nang makuha ko na ito bumalik ako sa garden kung saan nandun si Seanley.
Naupo ako sa swing katabi siya.
"Baka gusto mo doon na lang tayo" saad niya sabay turo sa lamesa at upuan na malapit sa amin.
Hindi na ako nag salita pa at nag tungo na ako dito.
Nilapag ko ang mga gamit ko sa lamesa, Naupo naman ako sa upuan ganun din ang ginawa ni Seanley.
Tinuruan niya ako about Hekasi or Araling Panlipunan.
"So ngayun alam mo na meaning ng GOMBURZA?" tanong sakin ni Seanley.
"Matagal ko ng alam yan, Elementary pa lang ako" saad ko.
"Sige nga ano yung magandang naiambag nila para sa pilipinas?" tanong sakin ni Seanley.
"Elementary palang ako ng malaman ko yan kaya nakalimutan ko na" palusot ko.
Hindi ko talaga alam ang sagot tsaka hindi ko naman sila kilala at lalung hindi nila ako kilala.
Ngumiti ng bahagya si Seanley.
Halos tatlong oras din niya akong tinuruan sa iba't-ibang mga subject at kahit pa-paano may natutunan naman ako.
Sa out of one hundred percent na sinabi miya mga nasa five percent yung natutunan ko, basta may natutunan ako okay na yun.
Pinag mamasdan ko siya habang inaayos ang mga gamit niya.
Hindi ko naman maipagkakaila na may itsura talaga siya, Infairness pogi naman siya.
"Hey Heather kanina pa ako nag sasalita dito oh nakatulala ka pa din diyan" napaayos ako ng upo ko hindi ko namalayan na halos umabot ng isang minuto yung pag katitig ko sa kanya.
"A-Ano nga ulit yung si-sinasabi mo?" tanong ko.
"Tinatanong kita kung hindi ka pa ba nagugutom" parang wala ako sa sarili ko.
"Ah ano kasi ahm hi-hindi pa ako nagugutom, tama hindi pa ako nagugutom" nauutal-utal na sagot ko at bahagyang ngumiti, sana di niya mahalata na nauutal ako.
Umiling lamang siya at ngumiti.
Pumasok kami sa loob at dumiretso sa kusina para kumain
Nagugutom na talaga ako hindi lang talaga ako makasagot ng maayos kanina.
"Akala ko ba hindi ka nagugutom9 bakit parang hindi ka kumain ng isang buwan oh" pangungutya sakin ni Seanley.
"Manahimik ka nga, kumain kana lang jan" bulyaw ko sa kanya.
...
Pinapunta ako ni Mommy sa Sala namin s***h nagiging sermon area pag nandito sila ni Daddy.
Sabay kaming nag tungo dun ni Seanley at naabutan namin sila Mommy At Daddy na nag uusap kasama si Ate Hazel ang sipsip kong kapatid.
Naupo ako sa isang sofa ganun din si Seanley mag kaharap lang kami.
"Mom Dad nandito na pala sila Alex" maligayang saad ni Ate Hazel ang plastik niya talaga alam ko naman na hindi siya masaya na makita ako.
Tinitigan ko ito ng masama bago mag salita.
"Ay wala, wala pa kami hindi pa kami ito We are just a ghost, tsaka ibaon mo na sa sukay yang pangalan na Alex na yan, kung gusto mo nga pwede ka pang sumama" pang babara ko dito at nag roll eyes.
#HEATHER-FOR-THE-WIN
"Seanley sinabi mo na ba Kay Heather yung about sa Beach Party?" tanong ni Mommy kay Seanley.
"Hindi pa po Tita Allison" diretsong sagot ni Seanley.
"Beach party?" tanong ko.
Parang medyo na-iexcite ako at tila ba nabuhay yung dugo ko.
Buong akala ko papagalitan ako ni Mommy At Daddy ngayun pero nag kamali ako.
"Yap Beach Party, Sponsored ng Papa ni Seanley" saad ni Daddy.
"By the way Heather And Hazel you can invite your friends para naman may ka-kwentuhan kayo" saad ni Seanley.
Nag bukas ang pinto at sabay-sabay kaming napatingin dito.
Iniluwa nito si Paula na may mga dalang Groceries.
Tumayo ang bida-Bidang si Hazel para salubungin si Paula.
"Tulungan na kita" pag pipi-prisinta ni Ate Hazel at kinuha ang isang bag.
Tumayo din ako kasi ako ang bida dito baka matabunan pa ni Hazel, Nasa loob talaga ang sama niya.
"I can help you too, ako na mag dadala lahat ng dala mo." saad ko tumingin ako kay Ate Hazel at tinarayan siya.
Isa lang ang kaya niyang bitbitin ako naman ay lahat, Kaya panalo na naman ako.
...
"Uuwi na po ako" saad ni Seanley.
"Kanina ko pa hinihintay na sabihin mo yan" ngumiti ako, ngiting sobrang saya mababawasan na ng isang epal dito sa bahay.
"Heather tumahimik ka na nga muna, You know what kung wala kang masabing maganda matulog kana" yan na naman nagiging Jollibee na naman si Ate Hazel.
Nilapitan niya si Seanley at hinawakan sa balikat na tila ba nilalandi ay mali minamasahe pala.
"Seanley masyado ng malalim ang gabi oh, kung ako sa'yo dito ka na lang matulog" nginitian niya si Seanley at tinanggal na ang pag kakahawak niya sa balikat ni Seanley.
"Tama si Hazel, Seanley dito ka na lang matulog" saad ni Mommy.
Si Hazel bida-Bida na naman ang tama.
"Ma, wala ng kwartong Available" saad ko.
"Sa kwarto mo." sabay-sabay na sagot nina Mommy, Daddy at Hazel.
Ngumiti sakin si Seanley na alam mo yung ngiting nakakainis.
...
Umakyat ako sa taas kasabay si Seanley at huminto sa tapat ng pintuan ng kwarto ko.
"You know what malaki yung daan nitong hallway namin, pwede ka namang dito na lang matulog." pag piprisinta ko.
"What Ang mayaman at poging kagaya ko jan mo patutulugin sa Hallway?" napabuntong hininga siya at pinag patuloy ang sasabihin niya.
He get closer
Closer
Closer to me.
"Asa ka!" mahinang bulong niya sa mukha ko.
Nauna siyang pumasok sakin sa loob ng kwarto.
End of the chapter.