Aria Monique’s Point of View
We noticed na pinagtitinginan pa rin si Carter ng mga tao sa CAS Building kaya we decided to just eat in his car. He parked it at the back of the Physci building. Maraming puno kaya presko naman kahit sa sasakyan lang kami kumakain.
“Lilipas din siguro,” I exclaimed to try and make him feel better. I heard him sigh before smiling weakly at me.
“I hope so,” he answered.
But I guess not everything really goes to plan. Carter and I joined GABAY together last semester. It's an organization within the university na ang primary mission is to guide students to campus, especially freshmen students. Kaya nga GABAY ang name kasi gagabayan namin sila.
I was the one who convinced him because I just wanted us to have the same organization again. Carter is still a member of my organization kung saan member din si Kian. But he’s more of an affiliate now because he shifted to a different course, eh yung organization namin ay catered to Mathematics major students. That is why kilala din siya nila Ciacia and ng ibang member ng org.
But since I filed for inactivity and Carter is not that active anymore, I decided na mag-apply sa GABAY. He also applied sa isang engineering academic org and ngayong sem magsisimula yung internship niya. Huli ko ng nalaman yun kaya i almost told him na wag na sumali sa GABAY kasi baka masyado na siyang maging busy but he insisted. Well, hindi nga naman sabay ang internship kasi ngayong sem ay member na kami tapos dun sa isang org niya ay magsisimula pa lang ang internship.
The first two weeks of classes are not really that heavy, especially sa freshmen kasi marami pa silang pagdadaanang convocations and stuff. Marami ang member ng GABAY. Yung iba na-assigned na nung enrollment and kami ni Carter ay na-assign ngayon sa convocations. Okay lang naman kasi hindi naman kami mag-oorganize, parang magiging tour guide lang ng mga students.
For today, magkakaroon ng campus tour. Guide ako ng group 3 na mga BS Math students tapos si Carter ay nasa group 12 which is mga engineering students naman. Nandito kami ngayon sa harap ng SU Building kasi dito ang usapang meet-up. Mag-aalas sais pa lang tapos 7 ang start ng tour. Pero sinabihan kasi kami na maaga dahil nga syempre, mga guide kami. By the way, and SU Building o student union building ay ay tatlong palapag na may basement. Sa basement ay mga leisure activities like bowling at may kainan din. Sa first floor naman ay mga kainan at maraming tables kung saan pwede gumawa ng group projects. Kumbaga tambayan talaga ito ng mga estudyante. Tapos sa second and third floor ay puro na offices. Madalas dito kami sa first floor.
Nakaupo kaming lahat at katabi ko si Carter. He’s wearing a white t-shirt and dark denim pants with his gray ultra boost Adidas shoes. May suot din siyang ID at color marron ang engineering lanyard niya. He’s also of course wearing his glasses. Ang simple pero ramdam ko na kung paano makatingin yung mga kasama namin dito. Well, pogi eh.
I wore a white square neck sleeveless crop top na nabili ko sa F21 nung nag-sale. Naka high waist lang ako na straight cut na pants tapos white crocs na may bunny design. I also brought a nude shoulder bag na pinaglagyan ko ng water bottle, cellphone at syempre wallet. Required kasi na nakaputi kami kaya para kaming makikilamay lahat dito. Joke lang!
“Sana mababait yung mga nasa group ko,” I exclaimed. Napalingon naman sa akin si Carter saglit tapos binalik din sa harapan yung mata, hindi pa kasi tapos yung orientation naming mga guide.
“Saan tayo maglulunch?” I asked again because I'm getting bored already. I just wanted all of this to be done para makatulog na ako.
“Saan mo gusto?” Carter asked without looking at me.
“Dito na lang din sa SU. Sisig?” i suggested kasi masarap nga yung sisig nila dito. Although medyo mahal kasi 60 pesos tapos ang konti lang. Pero masarap nga kasi so understandable.
“Okay,” he answered.
After a few minutes, nakita na naming may mga estudyante na na nagdadatingan kaya mabilis na ding tinapos yung orientation. Pinapila na nila kami sa labas habnag dala yung mga illustration board na may nakalagay na mga group numbers at courses sa ibaba. Naka-attach naman sila sa stick at magaan lang kaya hindi na ako nahirapan.
Magkalayo kami ni Carter kaya hindi ko na siya makausap. Unti unti namang may mga pumila na sa harap ko at syempre, kailangan kong kausapin.
“Hi!” I enthusiastically exclaimed as I held out my hand. Tatlo pa lang sila kaya kailangan ko nang magpakilala para hindi ako ma overwhelm kapag nagdatingan na lahat.
“Hi po ate!” energetic din namang sagot nung nag-iisang babae sa kanilang tatlo.
“Hello po!” the other guy said.
“Hi,” kumaway lang naman yung pangatlo. Mukhang mahiyain.
“Aria Monique Evangelista, Aria na lang. Junior. BS Math. Nice to meet you!” I smiled at them and encouraged them to introduce themselves. Ito yung tinuro kanina sa orientation eh.
“I’m Ivana Leren Bartolome, Ivana nalang po. Freshman. BS Math. Taga-dyan lang po ako sa Cavite.”
“Saan sa Cavite?” I asked just to keep the conversation going. Mukhang masayahing tao si Ivana kaya feel ko magkakasundo kami.
“Sa General Trias po,” she answered.
“Ohh, okay. How about you?” turo ko dun sa isang guy na mukhang energetic din.
“Ako po si Joseph Rances. BS Math din po. Sa Bicol po ako,” he exclaimed. Halata nga na bicolano siya because of his accent. So cute!
“How about you?” I asked the shy guy. Matangkad din siya unlike Joseph and Ivana. Halos kasing tangkad ni Carter. Tapos napapansin ko na namumula siya. Hala nahihiya nga siguro. “Don't be shy,” I encouraged him more by smiling. Kaso mukhang palpak kasi mas lalo siyang namula.
“Hala… okay ka lang ba? Namumula ka,” i told him. Malapit lang naman ang university hospital so kung hindi siya okay ay pwede naman amin siyang dalhin.
“A-Ah…o-okay lang ako,” he started speaking but he’s stuttering. Napapakamot pa siya sa batok niya. How adorable. Sobrang inosente talaga ng mga freshman.
“Are you sure?” I asked him again.
Tumango lang naman siya and then he started introducing himself.
“I’m Rafael Samaniego. Rafa na lang. BS Math. I’m from Manila.”
“Wow, kalat kalat talaga ang mga UP Students no? By the way, I’m from Tarlac,” I exclaimed. Napapatango lang naman sila. Wala na akong ibang maisip na pag usapan kaya buti na lang ay dumating na yung iba.
I have a total of 18 students in my group and thankfully, nakapagpakilala naman silang lahat bago mag-start yung tour.
“So, this is the main library,” I started saying habnag hinihingal pa ng kaunti dahil paakyat yung daan papunta dito sa main lib.
May mga ilan kaming grupo na kasabay pero hindi gaano kadami kasi nakaplano na na ibat-ibang ruta ang mga grupo para hindi crowded. “Pumunta nalang kayo ulit kapag may time kasi hindi tayo pwedeng pumasok. Madami pa kasi tayong pupuntahan,” i explained to them. At ang dami namin kaya baka mapagalitan kami sa loob.
“Pero dito kayo magpapavalidate ng ID every sem para makapasok kayo sa library. Dito din masarap mag-aral kasi malamig sa loob but you have to go here early kasi mabilis mapuno,” I added.
I gave them a few minutes to take pictures kasi maganda naman talaga yung landscape ng main library.
After that, we went to the Institute of Biological Sciences or IBS. “Dito yung mga laboratory classes nagaganap. Most probably kung may moving exam kayo, dito din yon.”
After that, we went to the New CAS Building na katapat lang. Tapos umikot kami sa may Econ at syempre yung sikat na japanese structure doon. Then umikot sa math building tapos dumiretso na kami sa carabao park where we stationed to rest. Nandito din yung mga ibang group at luminga linga ako baka makita ko si Carter. But I didn't see him. Baka nasa ibang station.
I was buying taho when i felt my phone vibrated kaya kinuha ko muna sa bag ko. Oh, it’s Carter.
“Saan ka?” bungad niya kaagad pagkasagot ko ng tawag.
“Dito kami sa Carabao park. Kayo?”
Nakapagbayad at nakuha ko na yung isang cup ng taho kay Manong pero hindi ko pa rin naririnig ang sagot niya. “Hey, you there?”
“Monique--”
“Ay!”
Hindi ko napigilang tumili at nahiya naman ako kaagad ng makitang naagaw ko nanaman ang atensyon ng mga estudyanteng nagpapahinga.
“Bakit ka ba nanggugulat?” I asked Carter who was standing behind me. Gulat na gulat din siya dahil sa pag sigaw ko.
“I’m sorry. I didn't mean to startle you,” he exclaimed. I just sighed deeply dahil hindi ko naman talaga magagawang magalit sa kanya. Arte ko lang yun.
“Kanina pa kayo rito?” I asked as i ate a spoonful of the taho. Mainit pa kaya ang sarap kainin.
“No. Kararating lang,” he answered as he took his wallet out at bumili din. Inggitero din talaga ‘to.
“Doon tayo,” i pulled him after niya bumili. Iniwan ko yung illustration board at yung water jug ko dun sa malapit sa may hagdan kasi nandun yung sa grupo ko.
“Where’s your group by the way?” i asked kasi baka kailangan pala nila siya.
“I let them roam around to take pictures,” he answered as we sat on the stairs. Hindi naman puti ang mga pants namin kaya ayos lang siguro.
We were silently eating our taho ng makapansin ako ng tatlong pares ng sapatos sa may harapan ko. There stood Ivana, Joseph and Rafa.
“Ate!” Ivana excitedly called me. Pero sandali lang na focus sa akin ang mata niya dahil agad yung lumipat sa katabi ko. Parang nag slow motion na unti unting lumaki yung mata niya tapos napatakip pa sa bunganga.
“OMG! Kuya Carter?!” she excitedly screamed. Yeah, scream kaya napatingin nanaman sa amin yung mga tao.
Parang gulat na gulat naman si Carter na napaangat ang tingin. Muntik pa akong matawa kasi subo niya pa yung maliit na kutsara ng taho. What a sight!
“Ikaw po yun diba? Si kuya Carter na magaling kumanta?” Ivana continued to ask him. Napapangiti nalang ako kasi kulang nalang makita ko yung spark sa mata ni Ivana.
“Uh….” Carter hesitated tapos tinanggal na sa bibig niya yung kutsara. “I guess?” he asked habang litong lito pa rin.
“Kayo po yun! Sure ako kasi ilang beses ko pong pinanood yung video niyo! Ang galing niyo po!” Ivana continued fangirling at hindi ko na mapigilang mapangiti.
“Thank you?” parang tanga namang sagot ni Carter. He looked so confused tapos kung hawakan niya yung cup ng taho niya parang yun yung lifeline niya. Hindi ko tuloy mapigilang matawa na din sa nangyayari sa harapan ko.
Pero naagaw ko pa ata yung pansin ni Ivana dahil sa pagtawa ko kasi bigla siyang napatingin sa akin. Papalit palit siya ng tingin sa aming dalawa ni carter at ako na yung nahihilo sa kanya. Nagulat nalang ako ng mapasinghap siya tapos ayan nanaman yung may pagtakip ng bibig.
“Girlfriend niyo po si Ate Aria?!”
Nabilaukan naman ako agad dahil sa tanong niya. Ubo nalang ako ng ubo at halos hindi ko na mabuksan yung water jog. It’s a good thing na binuksan na ni Carter yung jug kasi mamamatay na ata ko.
“Ha?” i finally said pero nakatingin lang si Ivana kay Carter.
“Girlfriend niyo po si ate, kuya?” she asked again. Nakakaloka itong batang ito. Wala man lang yatang pake na halos mamatay na ako dahil sa mga tanong niya.
“Hindi--”
“Oo,” Carter exclaimed.
Nagkatinginan kaming dalawa at parang pati siya ay gulat din sa naging sagot niya. Ha? Ano daw? Anong nangyayari?
“Talaga po?! Oh my god bagay po kayo!” tili ulit ni Ivana. Huli na ng pigilan ko siya dahil nakatingin na sa amin lahat ng mga estudyante sa Carabao park.
Napasapo nalang ako sa noo kasi what the f**k kami nanaman ang sentro ng chismis nito! Hay buhay!