Aria Monique’s Point of View
“Ilang units balak mo kunin this sem?”
I asked him habang sumusubo ako ng pagkain. Enrollment na kasi bukas kaya ko tinatanong. Dito nga ako tatambay eh dahil malakas ang wifi ni Carter. Paano, solo niya. Rich kid talaga.
“I already got 6 units from pre-registration. I might get another 12. How about you?” he asked me back. Last week kasi nagkaroon na ng pre-registration tapos bukas na yung general registration. Yung mga hindi lang naka kumpleto ng units noong prereg ang nag-eenroll pa sa genreg.
Pero dahil sobrang pahirapan ang pagkuha ng subject dito sa UP, for sure marami pa rin ang mag uunahan bukas kaya kailangang mag-ready kami ng maaga. Alas otso pa naman ang start nun.
“Six units din. Pero kailangan ko pa ng 15 units,” I answered. “Maaga ako dito bukas ha. Mga 6am nandito na ako,” dagdag ko. May susi naman ako ng apartment niya kaya kahit na hindi siya gumising ng maaga ay makakapasok naman ako dito.
“Why don't you just sleep here?” he suddenly asked, which made me look at him. Tahimik lang naman siyang sumusubo ng pagkain. Naka-kutsara at tinidor pa nga samantalang ako naka kamay. Ewan ko ba, pakiramdam ko hindi masarap ang pagkain kapag gumamit ako ng mga utensils.
“Okay,” tumango-tango nalang ako. Mas okay nga naman yung dito na ako matulog para hindi na ako mahirapan bumyahe bukas. Medyo malayo pa naman tong apartment niya sa apartment ko. “Buti nalang may damit ako dito,” I exclaimed. Ang dami nga eh. Meron na kasi talaga akong damit dito kasi tinatamad akong umuwi sa apartment everytime na nagkakaayaan mag movie marathon. Tapos naglaba pa ako dito kanina kaya mas lalong ang dami kong damit. Baka nga mas marami pa akong gamit dito kaysa sa may ari.
After a few minutes, natapos na din kaming kumain. Dahil siya ang nagluto, syempre ako na ang nagprisintang maghugas. Hindi naman ganun kakapal ang mukha ko para siya pa ulit ang paglinisin ng mga kalat namin. Pumayag naman siya kaagad at pumunta sa may banyo. Maliligo na siguro. Sabagay nanlagkit din siguro siya sa byahe.
Natapos na akong maghugas ng lumabas siyang nakabihis na ng cotton shorts na itim at puting t-shirt. Pumasok naman ako kaagad sa banyo para maghilamos ulit at mag toothbrush. Sabi ko nga, may mga gamit na ako dito kaya kahit maligo ako ngayon ay may gagamitin akong mga skin care products. Hindi rin naman kasi marami yun dahil nga hindi ko naman afford magbibili ng marami. Tsaka mga mura lang yung binibili ko. Marami namang effective na mura so okay lang. Maganda pa rin naman ang kutis ko.
“What do you want to watch?” naabutan kong nakaupo na si Carter sa may couch kaharap ang malaki niyang TV. Napatingin ako sa labas at nakitang malapit ng dumilim. Ang aga naming nag hapunan kaya paniguradong maaga din kaming magugutom. Well, okay lang din naman kasi may mga pagkain naman dito.
“Gusto mo bang simulan na natin yung Squid game?” I asked him. Ayaw kasi naming nanunuod ng mga series kapag may pasok. Nakakabitin kasi tapos syempre hindi naman namin pwedeng ipilit na panoorin kasi nga may mga schoolworks pa kaming kailangan tapusin. Eh dahil next week pa naman ang pasok ay baka pwede na naming simulan. Sikat din kasi yung palabas kaya medyo naiirita na ako sa mga spoilers sa Twitter at f*******:. Gusto ko ng panoorin.
Pumayag naman siya kaagad kaya naupo na ako sa may couch katabi niya habang naglalagay ng lotion sa katawan. Ewan ko ba, hindi ko yata kayang mabuhay ng walang lotion. Sobrang hilig kong maglagay, malamig man o mainit ang panahon. Well, nagbubunga naman siya kasi maganda naman ang kutis ko.
“Where are you going?” I asked Carter ng bigla nalang siyang tumayo. Nagsisimula na ang palabas at balak ko sanang ipause para wala siyang mamiss pero wag na daw.
“I’ll just be in the kitchen,” he exclaimed at tuluyan na ngang tumayo. Open style naman ang apartment niya kaya kahit nasa kusina siya ay kita naman niya ang TV kaya hinayaan ko nalang.
Nagpatuloy ako sa panonood ng maramdaman kong nakabalik na siya. He gave me a bowl full of assorted fruits. Napangiti naman ako at agad sumubo ng ubas. Dapat popcorn ang kinakain sa ganito eh pero healthy living nga kasi to kaya hindi na rin ako nagkita ng mga prutas ang hinanda niya.
Nanood lang kami ng nanood hanggang bumibigat na yung talukap ng mga mata ko. s**t, feeling ko naman ang aga pa pero ang bigat na talaga ng mga mata ko. Naririnig ko pa si Carter na nagsasalita about sa theories niya kung sino ang mastermind ng squid game pero hindi na napoproseso ng utak ko. I tried to open my eyes pero nilamon na talaga ko ng antok.
Carter Isaiah’s Point of View
“See that? Hindi nakahand cuff si Player 1 sa tali. I swear he’s the boss.”
I looked at Monique to explain more but I just smiled seeing her closed eyes and her mouth slightly opened. Siya itong ang tapang mag-aya ng all nighter pero siya yung nakanganga na ngayon. Ang sarap ng tulog. Ang sarap niya ding pagmasdan.
I took the empty bowl from her hands and put it on top of the table in front of us. Nakasandal siya sa may couch with her hands on both her sides. Her feet are on the floor at kitang kita ko kung paano niya kinusot ang mukha ng pisilin ko ang ilong niya. Nakakagigil ka Aria Monique.
We’ve been bestfriends for God knows how long. I’ve been his only friend for years now and I've been loving her since the day I understood what those words mean. Torpe ba ako? Maybe. Oh baka mas malala pa ako sa torpe. Isa akong duwag. Takot akong mawala siya oras na malaman niya ang tungkol sa nararamdaman ko. Takot akong wala ng makulit na Moniue na mang-aasar sa akin kapag nalaman niyang kada ngumingiti siya sa akin ay wala akong gustong gawin kundi halikan siya. That every time I hug her, parang ayaw ko ng bumitiw.
Am I miserable? I don't think so. Just by being with her, ako na yata ang pinakamasayang tao sa mundo. If she just hear how cheesy my thoughts are, katakot takot na pangaasar nanaman yung maririnig ko sa babaeng to.
I love that even though we’re not in the kind of relationship I wanted us to have, I am still able to take care of her. Kaya ko pa rin siyang bantayan at alagaan. Minsan nga lang sobrang tigas ng ulo niya at ayaw pang magpatulong. If she only knew that taking care of her is my happiness.
Napangiti ulit ako ng umungot siya dahil pinisil ko ulit ang ilong niya. She has the cutest nose and she is the most beautiful woman I've ever seen. Well, next to my mom of course. Nagulat ako ng bigla siyang tumagilid at sumiksik sa akin. Nilalamig na siguro to.
Pinatay ko na ang TV at unti unti siyang binuhat. Dinala ko siya sa kama at kinumutan. Hindi ko naman napigilang halikan siya sa noo. Sa noo lang. Saka na sa labi kapag pumayag na siyang maging kami. Napangiti na lang ako sa mga kalokohan ko. Pero may boses din sa loob loob ko na nagsasabing pano naman siya papayag kung hindi ko tatanungin.
We’ll eventually get there. Hopefully. And when that day comes, I'll be the happiest man alive. Hinding hindi ko siya paiiyakin tulad ng ginagawa ng mga magulang niya sa kanya at ng putang inang Kian na yon. Sisiguraduhin kong hindi niya pagsisisihan kung bibigyan man niya ako ng pagkakataon. I will do my best and I will give my all just to make her happy.
“Mahal Kita….” bulong ko bago tumayo para ligpitin ang mga kalat sa sala. Hindi ako pwedeng matulog na hindi ayos ang mga bagay sa apartment. Nasanay na rin ako at ayoko talaga sa magulo. Si Monique lang ang magulong tao na gustong gusto ko. She’s the only exception.
Agad ko ng nilinisan ang mga kalat sa sala at kusina bago pumasok sa banyo upang mag mouthwash. Agad ko naman siyang tinabihan at binalot sa yakap ko. Alam ko namang yayakap din siya mamaya dahil hindi to nakakatulog ng walang kayakap. That’s why I always try to get her a stuffed toy whenever I can.
Agad din naman akong nakatulog since I'm tired from all the driving and cleaning I did.
I woke up when I felt Monique moving. “What is it?” I asked and looked at the alarm clock on the bedside table near her. Alas dos pa lang ng madaling araw. Well, we slept early so hindi na rin ako nagtaka at bigla siyang nagising.
“Are you hungry?” I asked. Medyo nagugutom din kasi ako.
Tuluyan na akong umupo para kunin ang remote at binuksan ang mga ilaw. I smiled when I saw her na nakatulala lang sa kisame. Ganyan talaga siya. Wala sa sarili kapag bagong gising.
“Monique...” I called her again after a few minutes. Lumingon naman siya kaagad sa akin. Gising na siguro. “Are you hungry? What do you want to eat?” I asked again dahil baka hindi niya ako naintindihan kanina.
“Jollibee...” she whispered which made me smile.
“Let’s go then,” I exclaimed and stood up from the bed to go to the bathroom.
Hindi ako mahilig sa fast food. If I have any choice, hindi talaga ako kakain kahit pa mas affordable siya kumpara sa mga restaurant na gusto kong kainan. Unlike other kids, I grew up not asking about Jollibee or McDonalds. I’d always prefer my mom’s cooking kaya hindi talaga ko naeengganyo sa amoy ng fried chicken at jolly spaghetti. But of course, ano bang magagawa ko kung yun ang hilig kainin ni Monique? Of course I'd always give in.
Lumabas ako ng banyo at natawa na lang dahil nakita kong nakadapa pa rin siya sa kama.
“Akala ko ba gutom ka?” I exclaimed as I wiped my wet face with the towel.
“Hindi ba pwedeng gutom at antok at the same time?” she exclaimed habang nakayukyok pa rin sa unan.
“Bangon na. We need to sleep more dahil maaga tayo bukas,” I exclaimed. Reminding her about the general registration.
“Eto na nga,” she exclaimed while I laughed because she looked like a penguin walking habang nakapikit pa.