Chapter 3
“Ahh!”
Napasigaw ako nang magkamali ako ng tapak at muntikan nang dumausdos pababa ng hagdan. Mabuti nalang ay nabawi ko naman kaagad ang balanse ko kaya hindi natuluyan. Ang dami ko na ngang problema, mababalian pa ako? Aba grabe na talaga si Lord nun. Quota na ako sa kamalasan ha, kaya please naman Lord tama na po.
“Monique!”
Pero mukhang etong si Carter ata ang babali ng mga buto ko base lang naman sa galit niyang expression. Nakasimangot na naman tapos kunot na kunot ang noo. Pero pogi talaga itong bestfriend ko kahit anong expression eh!
“Mag-ingat ka nga!”
“Bakit ka sigaw ng sigaw eh ang lapit lapit ko lang naman sayo?”
“Hindi ka kasi marunong mag-ingat!”
“Hindi naman ako nahulog ah? Ang OA mo Carter Isaiah! Crush mo na siguro ako noh?” Pang-aasar ko sa kanya habang nakangisi. Nasa mas mababa akong parte ng hagdan habang nasa mas mataas na parte siya kaya nagmukha tuloy akong duwende. Kanina pa tuloy ako nakatingala sa kanya, ang sakit nito sa leeg ha.
“Anong crush ang sinasabi mo?” Mas lalo siyang sumimangot na mas lalong nagpalapad sa ngiti ko. Kasiyahan ko na talaga kapag nabu bwisit si Carter. It’s just fun watching him get irritated at my crazy antics!
“Bakit, hindi ba? Sus, umamin ka na best na crush mo ako. Hindi naman sobrang hirap paniwalaan kasi diba ang ganda ko naman talaga?” I exclaimed then flipped my hair like I’m in some sort of a beauty pageant at magugunaw ang mundo kung hindi ako mananalo.
“Ang sa akin lang naman ay tatanga-tanga ka kaya baka mahulog ka sa hagdan,” he exclaimed arching his brow.
Inambahan ko naman siya agad ng suntok at agad naman siyang umatras. Tatawa-tawa pa ang loko. Eto pa ang nakakabwisit kay Carter eh. Ang galing din mang-asar! Kaya siguro kami mag bestfriend.
“Kung maka tanga ka naman talagang may feelings!”
“Huwag na nga kasi tayong mag takbuhan mamaya maaksidente ka pa,” he said sabay baba ng isang step para magkapantay na kami. Agad niya akong inakbayan at sabay na kaming bumaba.
“But I want my wish!” ungot ko naman habang nakahalukipkip. Nakatingala ako sa kanya habang nakayuko naman siya saakin. Aba, hindi ko naman kasalanang higante siya!
Bigla kaming huminto at iniharap niya ako sa kanya. He’s looking at me intently pero hindi pa rin nawawala ang simangot ko. Pinahinto lang ata ako nito ni Carter sa pagtakbo kasi ayaw niyang manalo ako eh! Asar!
He held my shoulders tapos nabigla nalang ako nung pinitik niya ako sa noo.
“Aray naman!” I exclaimed habang hawak ang noo ko.
“Masakit?” agad naman niyang tinanggal ang kamay na nakatakip sa noo ko sabay siya na ang tumingin.
“Hindi!” I sarcastically answered. “Masarap nga eh. Sobrang sarap.”
“I’m sorry,” he apologetically said. Hay, nakakainis talaga ang mga mata ni Carter. Alam mo yung sobrang expressive and sobrang clear ng mga mata niya kaya alam ko kaagad kung anong nararamdaman niya? Kita ko na he really felt sorry at sure naman ako na hindi niya sinadyang malakasan yung pag pitik sa noo ko dahil lagi niya yung ginagawa para mang asar lang. And I can't stay mad at him! Yun yung nakakainis kasi hindi ko magawang kahit magkunwari man lang na galit sa kanya.
“Fine,” I sighed deeply at nagsimula na ulit maglakad papunta sa kusina.
Sumunod naman si Carter. Tita Catherine is already serving the food at hindi na naman ako nakatulong dahil nakahanda na lahat sa mesa.
“Tita, ako na talaga ang maghuhugas ngayon ha please,” nagsabi na ako kaagad dahil baka tumanggi naman siya.
“Oo na. Sige na umupo na kayo dyan,” she answered as she put the last bowl of soup on the table. Tita is sitting on the aisle. Nasa kanan niya si Carson habang nasa kaliwa naman si Carter at nasa tabi niya ako.
Nagsimula na kaming kumain. Tita started feeding Carson first habang si Carter naman ay kung makapaglagay ng kanin sa plato ko akala mo may fiesta.
“Huy, tama na!” agad ko naman siyang pinigilan kasi feeling niya ata baboy ako.
“Kukuha ka din naman mamaya ng second serving kunyari ka pa,” sagot niya naman na nagpatawa kay Tita at kay Carson.
“Tita, pwede po bang sakalin itong panganay niyo kahit isang minuto lang?” I exclaimed, which made them laugh. Even Carter is laughing. Aba akala ata nitong ugok na ‘to joke yun.
Inilapit ko ang mukha ko kay Carter at akala niya ata ay may importante akong sasabihin kaya lumapit din siya.
“Sasakalin talaga kita mamaya, akala mo joke?” I whispered in his ear.
“Ililibre pa naman sana kita bukas, pero dahil dyan sige ‘wag nalang,” sagot niya naman.
Pinanlakihan ko siya agad ng mata but he just smirked at me.
“Ikaw naman best, joke lang!” Malakas kong sabi na nagpalingon sa amin kay Tita pero binaliwala lang naman niya. Sanay na ‘yan sa amin ng anak niya. Hindi rin namin sure kung mag bestfriend ba kami o ano kasi palagi naman kaming nag babardagulan.
“Kain ka pa best ha, baka pumayat ka eh,” I smiled at Carter habang nilalagyan din ng sinigang na bangus ang plato niya. Para akong tanga na nginingitian siya ng malapad habang siya naman ay nagpipigil ng tawa.
Tuwang tuwa ang loko.
“Ang pogi talaga ng bestfriend ko!” dagdag ko pa sabay pisil sa pisngi niya.
Napatingin nanaman sa amin si Tita nang biglang tumawa si Carter. Tawa siya ng tawa na talagang nakahawak na siya sa tiyan. Hindi ko na rin tuloy napigilang tumawa kasi mukha siyang tanga.
“Hoy tumigil ka na! Gusto ko na kumain!”
Natapos na lang si Tita at Carson ay hindi pa kami nangangalahati ni Carter kasi naman hindi siya marunong huminto sa pagtawa! Hindi ko tuloy mapigilang makitawa na lang din!
“Kaya niyo na dito?” Tita Catherine asked when she and Carson finished their meal. Nakatayo na sila ni Carson dahil papaliguan at bibihisan na yung bata bago matulog.
“Opo Tita,” ako na yung sumagot dahil si Carter mamamatay na ata sa kakatawa niya. “Thank you po sa masarap na dinner,” I added before they entered their room.
“Hoy!” Agad ko namang hinampas si Carter na pulang pula na ang mukha. “Kung makatawa ka naman parang wala ng bukas.”
“You just really know how to make me laugh, Monique.”
“So, sinasabi mong clown ako?” Tinaasan ko siya ng kilay.
“Magandang clown,” sagot niya.
“Matutuwa ba ako diyan sa sagot mo o sasaksakin kita nitong tinidor?” I ask habang hawak ang tinidor sa kaliwang kamay.
“Alam mo ang bayolente mo.”
“Alam mo ang epal mo.”
“Galit ka na niyan?”
“Hindi!”
“Eh ba’t ka nakasimangot?” tanong niya na parang nag-aasar dahil nakangiti.
“Kasi nga gutom na ako! Kanina ka pa daldal ng daldal hindi na ako makasubo tuloy!”
Biglang nawala yung ngiti niya at na-guilty naman ako kaagad kasi nataasan ko siya ng boses.
“Best, sorry.”
I immediately apologized as I let go of the utensils and hugged him sideways instead.
“Okay lang. Kumain ka na,” he said pero halatang matamlay pa rin at kahit sinabi na niyang okay, parang hindi naman.
“Galit ka eh,” I started pouting. Gustong-gusto kong inaasar si Carter pero ayokong nagagalit siya sa akin. Siya na nga lang ang kakampi ko tapos pati siya maaasar pa sa akin? Ayoko nun.
“Hindi ako galit. Kumain ka na. Diba gutom ka?” He said habang tinatanggal ang pagkakayakap ko sa kanya. He started eating already pero hindi ko magawang kumain kasi naninikip yung dibdib ko.
“Galit ka eh,” I whispered. Sobrang hina ng boses ko na pakiramdam ko hindi na nga niya narinig. I bowed my head as I felt my eyes sting. Nakakainis! Ba’t ba ang drama ko ngayon? Iiyakan ko talaga ‘to?
I sniffed as I saw droplets of tears fall from my eyes to my legs. Mas lalo pa akong naiiyak kasi parang walang naririnig si Carter. Galit ba talaga siya? Hindi ko naman sinasadya eh!
Tatayo na sana ako dahil naiirita na akong hindi niya ako pinapansin pero nagulat na lang ako nang bigla niya akong hilahin. Napaupo ako sa kandungan niya habang pinupunasan ang mga luha sa mukha ko. Nakakahiya, ang drama drama ko!
“Uuwi na ‘ko,” I said habang sinusubukang tumayo. But his hands are on my legs at hindi ako makagalaw dahil doon. Hindi ako makatingin sa kanya kahit ramdam na ramdam ko yung titig niya sa akin.
“Bakit ka uuwi?” He whispered in my ear. Pinatong niya ang ulo niya sa balikat ko habang yakap yakap niya ako. Para kaming tanga. Ano ba ‘to!
“Galit ka eh,” I murmured, still pouting. Hindi naman ako childish. Hindi talaga, promise. Ano naman kasing karapatan ko pang magpaka-childish eh wala naman akong mga magulang na pwedeng lambingin?
Sobrang biglaan ng lahat ng pangyayari sa buhay ko na parang kahit ilang taon na yung nakalipas, hindi pa rin ako makausad. Hindi kasi ako nabigyan ng panahon na makapag handa man lang. Biglang wala na lang. Biglang wala na akong nanay. Biglang may ibang asawa na si papa. Biglang hindi na nila ako mahal.
Lahat biglaan. Kaya biglaan din ang pagmamature ko. Wala na akong panahon pang magpaka-childish. Kay Carter lang. Kay Carter lang ako marunong maglambing kasi siya nalang ang meron ako. Si Carter na lang yung nasa tabi ko kaya baka ikamatay ko kapag pati siya iniwan ako.
“I’m not mad.”
Nararamdaman ko yung mainit na hininga niya sa leeg ko. Kung ibang tao siya tapos ganito siya kalapit sa akin, paniguradong maiilang ako. Hindi kasi talaga ako malapit sa tao, in general. Kahit noong nandito pa si mama at papa, hindi talaga ako mahilig makipaglaro sa ibang bata. Si Carter lang talaga.
Naisip ko din kasi na hindi ko naman kailangan ng ibang kalaro kasi si Carter pa lang masaya na ako. Nagkakaintindihan kami at pareho kami ng mga trip sa buhay. Mag Bestfriend pa si mama at Tita Catherine kaya hindi kami pinagbabawalan kahit buong araw kaming magkasama.
Hindi ko na naisip humanap ng ibang kaibigan kasi masaya naman ako kahit si Carter lang yung palagi kong kasama. Nung naghiwalay si mama at papa, mas lalong ayoko nang lumapit sa ibang tao.
Nakakatakot kasi. I’m scared that if I befriend them, someday they’ll also leave me behind. Ganon naman diba? Lahat naman ng tao nang-iiwan? Lahat naman hindi tumutupad sa usapan? At lahat naman hindi tumutupad sa mga pangako? Lahat ng tao ganoon. Si Carter lang ang hindi. Si Carter lang ang kaya kong pagkatiwalaan kasi si Carter, never niya pa akong sinaktan. Not intentionally though.
Katulad na lang ni Kian. I really thought that I already found my other half in him. Mabait naman kasi siya nung una. At katulad ko, hiwalay na din ang parents niya. Doon niya ako nakuha eh. Sa narrative na pareho kaming iniwan ng parents. Pinaniwala niya ako na hinding hindi niya gagawin sa akin iyon.
At ako naman si tanga, naniwala sa lahat ng kasinungalingan niya. I really loved him, you know. Nagbigay din naman ako ng effort at pagmamahal pero wala eh, bokya nanaman. But still, I thank God because I dodged a bullet in him. He’s an asshole at good luck nalang kay Amelia dahil katulad ko, nagpauto lang din naman siya.
But enough about him because truth be told, I’ve moved on. Wala na ni katiting na pagmamahal akong nararamdaman sa kanya kundi inis na lang. Bwisit pa rin siya sa buhay ko. Isa pa rin siyang ipis na ang sarap tsinelasin.
Kahit ilang beses na akong nasaktan at iniwan, I’m still standing and I’m still okay because of Carter. Si Carter ang nag-iisang taong alam kong kahit kailan hindi ako bibitiwan.
“Okay,” I murmured, not wanting to have a fight. Ang malamang hindi siya galit sa akin ay sapat na.
“Hindi naman talaga ako galit Aria Monique. Nagtampo lang naman ako saglit tapos umiyak ka na. Ayokong umiiyak ka,” he whispered again.
Naramdaman kong humigpit pa lalo ang yakap niya sa akin. I made a move at akala niya ata ay aalis ako dahil parang hindi na ako makahinga sa higpit ng yakap niya.
“Hindi ako aalis,” I whispered and he instantly loosened his hug. I moved sideways so I could face him. He stared at me and I smiled at his sullen eyes. I encircled my hands on his neck as I hugged him back.
“Carter?” Bulong ko.
“Hmm?”
“Gusto ko ng ice cream,” I murmured on his neck.
I smiled when I heard him chuckle.