CHAPTER TWO
MAS maaga sa schedule ang pagpunta ni Migs sa White Spell. Alas tres pa lang ng hapon ay nandoon na s’ya. Hiring kasi sila ngayon ng singer at siya ang gusto ni Gabriel na mag-decide kung sino ang iha-hire. Hindi naman siya singer pero mahilig din siyang kumanta at marunong din gumamit ng keyboard. Noong high school kasi naging member siya ng isang banda sa school.
"Good afternoon, sir." Pagbati ng guard sa kanya.
"’Afternoon Mang Karding,” Ganting bati niya rito.
Agad siyang dumiretso sa office ng bar, ito ang unang pinto papunta sa kitchen at katabi lang ng locker room ng mga empleyado nila. Tahimik pa sa white spell dahil wala pang katao-tao. Hindi s’ya agad pumasok sa loob ng opisina, sumilip muna s’ya sa may kapirasong gawa sa salamin na bahagi ng pinto para tignan kung sino ang kasama doon ni Gabriel. Isang babae lang at hindi n’ya makita ang hitsura nito dahil nakatalikod ito.
"Isa lang ang applicant?" Nagtatakang tanong n’ya sa sarili.
Hindi na s’ya kumatok ngunit maingat n’yang binuksan ang pinto upang hindi maabala ang pag-uusap ng nasa loob.
Ngunit natigilan si Migs sa narinig na tinig ng babae na kumakanta. Hindi s’ya agad nakapasok. Tila na-froze ang lahat ng body parts n’ya at sinabayan ng malakas na pagkabog ng dibdib ang awitin nito.
Pamilyar ang boses nito. Minsan lang niya itong narinig ngunit hindi niya iyon malilimutan.
"Hindi ka nakakaistorbo, puwede kang tumuloy." Sabi ni Gabriel na napansin na pala siya.
Tsaka pa lang namalayan ng aplikante ang pagdating. Gulat itong napalingon sa kanya at agad siyang nginitian.
"Good afternoon, sir." nakangiting bati nito.
Hindi siya nagkamali, si Lanna iyon. Ang babaeng gusto niya noong kolehiyo pa sila ni Gabriel. Nasa third year sila noon habang freshman pa lang ito. Liligawan niya sana kaya lang ay may nobyo ito noon kaya nag-move on na lang siya.
"Miss Fajardo, I would like you to meet Mr. Miguel Evangelista, the co-owner of White spell." Pagpapakilala ni Gabriel. “Migs, this is Miss Lanna Fajardo.”
"Oh, hi sir, nice to meet you po." Pagbati ng aplikante na nilawakan ang pagkakangiti.
Hindi siya nagpahalatang naaalala niya ito. Tumuloy na siya sa loob at isinara ang pinto. Nagpaka-casual siya. Ngumiti naman siya pero tipid. “Nice to meet you, too.”
"Puwede bang kumanta ka ulit?" ani Gabriel.
Hindi na sumagot ang dalaga. Kumanta na lang ito. Foolish heart, version ni Nina. Hindi lang maganda ang boses nito, mataas din at malinis kumanta. At hindi lang ‘yon, ramdam na ramdam talaga ang bawat letra ng awitin. Bagay na bagay sa bar nila na marami nang mahilig magrelax matapos maghapong trabaho.
Bigla nga lamang naubo si Migs nang humarap sa kanya si Lanna kaya napatigil din ito sa pag-awit.
“Sorry, may sorethroat kasi ako.” Pagsisinungaling ni Migs. “But I like how you sing. I like the quality of your voice.”
Nanlaki ang mga mata ng aplikante. “Talaga po? Thank you po!”
“Bumalik ka tomorrow to get your schedule. You're hired!" nakangiting sabi ni Gabriel.
“Thank you po, sir!"
"You're welcome. Tomorrow na rin ‘yung contract." Sabi ni Gabriel.
"Thank you po talaga!" sabi nito na talagang tuwang tuwa
"You may go. Take care." nakangiting sabi ni Gabriel.
"Sige po, thank you po talaga, sir Gabby, sir Miguel." sabi pa nito.
Nang makalabas ng office si Lanna ay inaasahan na ni Migs na oobserbahan siya ni Gabriel. Alam kasi nito na nagkagusto siya kay Lanna noon. Kaya naman para makaiwas ay naupo na siya sa puwesto niya at sinimulang buklatin ang isang folder na nasa ibabaw ng table niya.
Ang resume pala iyon ni Lanna. Napabuntong hininga siya nang makita roon na married na pala ito at may isa nang anak. Well, somehow ay umasa siya na baka puwede pang magkaroon ng chance na maligawan sana ito. Just like his unfinished business.
“Alam mo Migs, pagtatawanan ka ng kapatid mo kung makikita kang ganyan.” Tatawa-tawang sabi ni Gabriel.
“Ha? Bakit?” nagtaka pa siya kunwari.
“Sa tagal ng panahon ngayon na lang kita ulit nakitang nagkaganyan. And you should be. Natanda ka na rin.”
"Ah, feeling mo bata ka pa?" Pabirong wika si Migs.
"Alam mo kung ano ang mangyayari sa akin and my destiny. Maybe next year hindi na ako bachelor, eh ikaw?" sabi ni Gabriel.
"Sa tingin mo magiging masaya ka sa arranged marriage na ‘yon?" Tanong ni Migs.
"Kilala ko naman si Corine at mahal ko s’ya, alam mo yon. Hindi lang ‘yon basta arranged marriage."
Napailing-iling si Migs. "Bahala ka."
"Kailangan lang ng oras para makalimutan n’ya ang Christian na’yon at dadating ang araw, ako na ang papalit do’n." kumpyansang sabi ni Gabriel.
"Ano sa tingin mo ang magiging reaksyon n’ya kapag nalaman niya na ipinagkasundo pala s’ya ng mga magulang niya sa taong pinagkakatiwalaan niya?" tanong ni Migs.
Hindi agad nakasagot si Gariel. Alam niyang mahal na mahal ng bestfriend si Corine pero madalas ay nakakalimutan nitong may sariling pag-isip at puso ang babaeng minamahal.
Samantala, masaya naman namamasyal si Corine sa mall ngunit hindi s’ya nag-iisa, kasama n’ya ang kanyang nobyo na si Christian.
"Ano kaya ang idadahilan ko bukas kay Gabby para magkita tayo?" Naitanong ni Corine habang nasa isang coffee shop sila.
"Pasensya ka na kung wala akong magawa, ah? Huwag kang magalala, kapag natapos na ang project namin, magpapakasal na tayo." Sabi ni Christian.
"Okay lang, ang mahalaga may communication tayo at nagkikita paminsan-minsan kahit patago." Nakangiting sabi ni Corine
"Sabihin mo kay Roxanne salamat, ah, mabuti na lang naiintindihan n’ya tayo"
"Oo nga eh, mabuti na lang kasama ko s’ya doon." Ani Corine.
Sa loob ng halos two months na pamamalagi ni Corine sa poder ni Gabriel ay palihim itong nakikipagkita kay Christian. Nagiging madali ‘yon dahil na rin sa tulong ni Roxanne.
Kapag may pagkakataon ay nagkikita rin sila sa park na kunwari’y nagjogging si Corine.
Ayaw kasi ng parents n’ya kay Christian na hindi n’ya alam talaga kung bakit samantalang may kaya naman din ang pamilya nito at mababait ang mga ito kaya tuloy kailangan nilang itago ang relasyon.
Malaking tulong talaga sa kanila si Roxanne kagaya na lamang kagabi na naaksidente sila sa motor. Ang totoo kasi niyan ay makikipagkita sana siya kay Christian noon at dahil gabi na nga ay nagmadali sila. Naroon din sa ospital ang nobyo kaya lamang ay nagtago na nung dumating na si Gabriel.
ALAS SIETE na ng gabi nakarating ng White spell si Roxanne na tamad na tamad pa nga. At as usual ay gamit pa rin ang motor n’ya.
"Wala ka talagang kadala dala, no? Naaksidente ka na, nagmotor ka pa rin ngayon." Sabi ni Gabriel na halos kasabay lang niyang dumating doon. Nakakotse ito.
"Poor lang ako, wala akong pambili ng kotse." Pormal na sabi ni Roxanne habang inaayos ang helmet sa motor.
"Huwag na huwag mo nang iaangkas diyan si Corine, ah." Pautos na sabi nito. "Ayoko ng maulit ‘yung nangyari kagabi."
"Bakit ‘di mo nalang kaya guwardyahan si Corine? Maghapon, magdamag.. .ginagawa mong bata, eh mag-aasawa na nga ‘yung tao." Pabulong na wika ni Roxanne.
"Ano’ng sabi mo?" Tanong ni Gab na hindi naintindihan ang sinabi niya.
"Ang sabi ko, magtatrabaho na ho ako, SIR." madiin na sabi ni Roxanne at pumasok na s’ya sa loob ng Bar.
Dumiretso sa may locker room si Roxanne kung saan ang ilang mga kasama ay nag-iintay ng oras para magtrabaho, kabilang dito ang banda nila sa white spell at ang kasamang magbartending na si Edward.
"Naaksidente daw kayo kagabi?" Agad tanong ni Edward sa kanya.
"Okay lang, gasgas lang naman." Nakangiting sagot n’ya.
"Nasaan na ‘yung alaga ni sir Gab? Bakit hindi mo kasama?" tanong ni Nathaly, isa sa mga singer nila.
"Si Corine? Nagpapahinga pero okay naman ‘yun." Sagot n’ya.
"Rox, kape?" alok ni Duncan, ang drummer at ang band leader.
"Thanks," Kinuha naman niya ang kape na inaabot sa kanya. "Puyatan na naman ‘to!"
"Ang laki na nga ng eyebags ko.” Wika ni Nathaly. "Mabuti nalang si Simon maitim, hindi halata ang eyebags."
"Kaya nga hindi nakakabawas pogi points ang pagpupuyat sa akin." Mayabang na sabi ni Simon, ang guitarist.
"Ang yabang! Hindi ka naman kita sa dilim!" sabi ni Edward sabay tawa.
Biglang ipinakita ni Simon sa kanila ang mapuputi nitong mga ngipin at sabay-sabay silang nahagalpakan ng tawa.
"Oo nga pala,may nabalitaan na ba kayo na may nakuha nang kapalit ni Mandy?" Naitanong ni Roxanne.
Si Mandy ay ang magre-resign na singer dahil sa magpapakasal na ito kaya naman hinahanap agad ito ng kapalit.
"Oo daw, ewan ko lang, pang -acoustic nga daw ang boses." Sabi ni Nathaly. "Hindi ko nga lang alam kung kailan s’ya magsisimula."
"Eh naasan si Mandy?" Tanong ni Edward.
"Nadoon, kausap ni sir Migs.” Sagot ni Duncan.
"Ang sarap mo talaga magtimpla ng kape, Dunk!" sabi ni Roxanne habang inuunti unti iyong inumin. "The best!"
"Siyempre naman, ako pa!" Mayabang na sabi ni Duncan.
"Eh paano 3in1 yan. Ang dami n’ya nga sa bag niyan." Pagbubuko ni Nathaly.
"Ikaw, kahit kailan ka talaga!" sabi ni Duncan pero natatawa naman.
"Uyyy… diyan nagkatuluyan ang lola at lolo ng kapitbahay namin." Panunukso ni Edward.
"Ang corny mo. Luma na ‘yan." sabi ni Nathaly.
"Ito ang bago, diyan magkakatuluyan sina Dunk at Nathaly!" sabi ni Simon.
"Wow! Infairness… pwede!"sumang-ayon naman si Roxanne.
"7:15, aayusin na natin ang sound system." Pagi-iba ni Duncan.
Natawa nalang sila dito.
Alas otso pa naman sila tutugtog kaya naman may ilang minuto pa sila para magpractice.
3years na rin sila sa white spell kaya naman sanay na sila at kabisado na ang lahat ng gagawin. Doon lang din sila nagkakila-kilala lahat at nabuo ang friendship kaya ngayon masasabing isa na silang certified magkakabarkada.
Alas nuebe, umuwi si Gabriel upang icheck kung nasa bahay na si Corine. hindi n’ya kasi ma-contact. Naka-off ang cellphone ni Roxanne na gamit pa rin nito.
Ngunit, kalahating oras lang ang nakalipas ay dumating si Corine sa white spell at siyempre, si Roxanne ang hinanap.
"Hi there miss beautiful,” pacute na bati ni Edward na kahit na busy na sa pagtatrabaho ay napansin pa rin ang pagdating n’ya.
"Hi!" nakangiting bati ni Corine na naupo sa stool katabi ang ilang customer.
"Iinom ka?" Tanong ni Edward. "Gagawa ako ng ladies drink na kakaiba na siguradong makakalimutan mo ang pangalan mo."
"Nambola ka na naman dyan!" singit ni Roxanne na may dala-dalang dalawang bote ng alak. "Mas kakaiba kaya 'tong bago kong ginawa, tikman mo."
Nagsalin si Roxanne sa isang shot glass at ibinigay kay Corine na hindi na tumanggi, agad tinikman ‘yon.
Hindi naman siya talaga nainom, patikim tikim lang siya.
"Wow! Ang sarap! Ang galing mo naman, Rox!" Puri ni Corine.
"Naman! Siyempre! ako pa!" sabi ni Roxanne.
"Mas magaling kaya ako," sabi ni Edward at kumuha din ng shot glass at sinalinan ng itinmplang alak. "Try this… mas masarap yan."
Para fair, pinagbigyan na rin ni Corine ito at nagustuhan niya rin naman ang lasa.
"Wow… ang gagaling n’yo naman." Manghang sabi niya.
Ilang saglit lang ay narinig na si Nathaly na ineengganyo ang lahat ng guest na makipag party.
Nagsigawan ang mga tao at nagsimula nang tumugtog ng disco ang banda.
Nagsayawan ang iba habang ang ilan ay pinanood mag-bartending ang dalawa kasabay ng pag-order ng paboritong flavor ng alak.
"Rox, thanks daw sabi ni Chris," sabi ni Corine habang nanonood din sa dalawa.
"Pasensiya na, mamaya mo na lang sabihin yan." sabi ni Roxanne na halos pasigaw na dahil maingay na doon.
Itinaas na lang ni Corine ang shot glass na nainuman tanda ng paghingi ulit ng alak.
Ngumiti lang si Roxanne at binigyan naman ito.