Nakatulalang nakatingin si Albie sa isang picture frame sa kanyang table. Di niya namalayan na tumutulo na pala ang luha nito sa kanyang mata. Nakokonsensya siya sa mga sinabi niya sa kanyang ama. Napaisip siyang di niya dapat na sabihin yun. Bumalik sakanya ang mga masasakit na salitang sinabi niya sa kanyang ama. Double ang tama nito sakanya. Nawalan na siya ng respeto sa kanyang ama. Alam niyang may mga pagkukulang ang ama niya sakanya. Nakikita niya ang effort ng kanyang ama na bumawi sakanya. Pero di niya ito tinatanggap. Gusto niya makausap ang ama niya pero nahihiya siya dito. Ilang araw na ang lumipas ng magkasagutan sila ni Alfonzo. Kinuha niya ang picture frame at inayos ang pagkakapwesto sa table niya. Picture nila ng kanyang ama at ni Alonzo noong 5 years old

