"What is this?" ang seryosong tanong ni Albie na nakatingin sa isang sobreng nasa ibabaw ng kanyang table. Nakatayo naman sa harapan si Nicolas. Kakabigay lang niya ng resignation letter kay Albie. "Resignation Letter Sir Albie" ang sabi ni Nicolas. "Yeah i know! Nababasa ko di ako bulag! Anong ibig sabihin nito!" ang galit na sabi ni Albie. Nagdesisyon si Nicolas na magresign nalang kaysa araw araw niya nakikita si Albie, hindi niya kaya yun dahil tuwing nakikita niya ito ay nasasaktan siya. Gusto niyang mag move on sa lahat ng nangyari sakanila ni Albie. "Magreresign na po ako Sir Albie. Uuwi na po kasi ako probinsya namin." ang palusot na sabi ni Nicolas. "Bullsh@t! Sa tingin mo mapapaniwala mo ako sa dahilan mo! Gusto mo magresign dahil ba sa akin?" ang seryosong tanong ni

