"Im sorry" ang nasabi nalang ni Albie Alam niyang mali ang kanyang ginawa. Pinagdudahan niya ang kanyang sariling Ama na may relasyon sila ng kanyang dating kaibigan na ngayon ay mahal na niya ito. "Its ok son. Sige mauna na ako sa inyong dalawa. And Jordan ayusin mo na ang mga pinapakuha ko sayo." ang seryosong sabi ni Alfonzo at umalis na ito. Muntikan na silang mahuling dalawa ni Jordan. Naisip ni Alfonzo na idahilan kay Albie ang tungkol sa magulang ni Jordan. Nasabi minsan ni Jordan na gusto malaman at makilala ni Jordan kung sino ba talaga ang tunay na magulang nito. Kaya yun ang naisip niyang dahilan. Naniwala naman kaagad si Albie sa sinabi ng kanyang ama. Kahit gusto itanong ni Albie kung bakit nakaboxer at pawis na pawis na lumabas ng bahay si Jordan ay di na niya it

