Isang malapad na ngiti ang lumitaw sa mukha ni Albie ng makilala niya ang mga anak ng kaibigan niya. Nabigla nalang ang lahat ng bigla nalang ito umiyak. "Albie what happen? May masakit ba sayo?" ang alalang tanong ni Alfonzo. "Nurse! Nurse!" ang tawag naman ni Simon. "Ok lang ako! Ahahaha!" ang natatawang sabi ni Albie "Tears of joy lang ito. Di lang ako makapaniwala na may mga sari-sarili na kayo mga pamilya. Para bang kahapon lang na nagaasaran tayo sa labas ng bahay nila Alfonzo. Ang bilis ng panahon napagiwanan na ako. Nasayang yung ilang taon ng buhay ko" ang madamdaming sabi ni Albie. Nakaramdam naman ng pagka guilty si Alfonzo. Alam niyang siya ang may kasalanan kung bakit nasasabi lahat ni Albie ito. "Im sorry its all my fault Albie" ang di mapigilan sabi ni Alfonzo.

