"B-bakla na ba ako kung sabihin kong hi-hinahanap hanap ko yung gina-wa n-na-natin" ang biglang tanong ni Albie na ikinabigla naman ni Jordan Di alam ni Albie kung bakit niya natanong ito kay Jordan. Naguguluhan siya sa kanyang nararamdaman pagkatapos ng nangyari sakanilang dalawa ni Jordan Di naman alam ni Jordan kung ano ang isasagot niya kay Albie. Pati siya ay naguguluhan din sa nakaraang araw. Di niya alam kung bakit gusto niya maulit ang nangyari sa kanila ni Albie. Nakokonsensya siya dahil pinatulan niya si Albie na anak ni Alfonzo na minamahal ni Jordan. Para bang masaya siya na sa wakas may nangyari sakanila ni Albie. "Albie dude lasing lang tayo" ang sabi naman ni Jordan. Biglang nainis naman si Albie sa sinabi ni Jordan. Naisip ni Albie na gusto ni Jordan na isipin nal

