"Ano to?" takang tanong ni Doel ng iabot sa kanya ni Winter ang dalawang concert ticket. "Concert ticket." "Alam kong concert ticket to anong gagawin ko sa concert ticket." "Isipin mo na lang na thank you gift ko sa'yo yan sa pag papahiram mo sa akin ng bahay mo." "Bakit dalawa sinong isasama ko?" "Hello binigyan na nga kita ng concert ticket pati ba naman kasama mo gusto mo ako pa mag bibigay." inis naman na isinauli ni Doel ang ticket sa dalaga. "Hindi ko kailangan ng kapalit sayo na yan itutulog ko na lang." ngumiti naman si Winter na ikinakunot naman ng noo ng binata. "Imbis sabihin hindi ka sasama sa pa house tour ko bukas." "Bakit parang masaya ka pa na hindi ako kasama?' "Hindi naman sa ganun." "Para tuloy gusto kong pumunta." "Wag na! Alam kong pag sabado ng gabi me

